Tumikhim ang propesor at tiningan ang orasan.

"Pass your papers in 5 minutes." May pinalidad ang boses nito.

Fuck, five minutes na lang! Akala mo naman ang dali-dali ng pinapagawa niya? Minumura niya sa utak ang matandang propesor.

Ilang minuto na lang ay tiningnan na niya si Kristoff na nakataas ang kilay. Nagulat siya ng agawin nito ang calculator at pindutin ang mga numerong binigay nito.

"5, 676,000. Balanced." Ani Kristoff at pinakita ang mga numero sa calculator.

"How did you do that?" Mahinang tanong niya.

"You kept on adding it. You should subtract this because it is said in this statement." Tinuro niya ang isang statement sa taas.

Napairap siya. Bakit hindi niya maintindihan iyon? Kinuha niya ang calulator at ginawa ang sinabi ni Kristoff.

Wala pang tatlong minuto ay nabalance niya iyon. Napataas ang kilay niya.

'He's smart also. Bakit lahat ata ng magandang traits sa mundo napakyaw na ng lalaking ito? Baka favorite ni Lord?' aniya sa kaniyang isipan.

Pinasa niya ang papel sa professor at tinaas nito ang mga kilay niya kay Olivia.

"I can't believe it, Miss Villafuerte. At last, gumana rin iyang utak mo." Sabi nito.

She just rolled her eyes. Biglang gusto na lamang niyang kainin ng lupa ang propesor na iyon. Bigla rin niyang nahiling na sana manalo si Senator Villafuerte nang sa ganoon ay maging Pangulo ito at kabahan naman ng kaunti sa paglapastangan sa kanya ang propesor na ito.

"You don't know how to do simple math." Sabi ni Kristoff.

"Yeah. Bad at numbers." Sabi na lamang niya at sinandal ang ulo sa desk para makatulog.

Her head's really thumping. Parang may kung ano sa nainom niya kagabi. Pinikit niya ang mata hanggang sa makatulog. Naramdaman na lamang niya ang malamig na classroom at ang tahimik na paligid. Inangat niya ang mata at nakitang wala nang tao sa classroom.

Nilingon niya ang katabing upuan at nakita doon ang seryosong si Kristoff na nakaupo pa din doon at parang tahimik na nagdadasal.

Kanina pa ba siya diyan? Hinagilap nito ang relo niya at nakita doon na ilang oras na siyang tulog. Maghahapon na din.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya. Tumango ang lalaki sa kanya at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.

"Gising na gising ka na. Let's go." Aniya at tinungo ang pintuan para buksan. Sumunod siya, inaayos ang buhok.

"Hindi ka ba tumayo habang tulog ako? Or lumabas man lang?" Tanong niya.

Umiling ang lalaki at panay ang sulyap sa paligid. Ramdam din niya na sumasabay ito ngayon sa lakad niya.

"Really? Nakaupo ka lang doon the whole time?" Tanong ulit ni Olivia.

Nakatulog siya ng halos limang oras at nanatili sa silyang iyon si Kristoff?

"Yup. Can't leave you." Sabi ni Kristoff.

Natigilan siya sa paglalakad kaya natigilan din ito. Those three words made her stop. Hindi niya alam kung bakit nag-init ang mukha niya roon.

Anong 'can't leave you?'. Nakakainis! She whispered to herself.

"Bakit ka tumigil? May problema ba?" Tanong ni Kristoff sa kanya.

Parang naibalik naman siya sa kanyang sarili ng tanong na iyon. Naputol ang iniisip niya dahil lumabas si Paris sa kanilanh harapan.

"Kung wala lang oculars ang sniper, iisipin ko na iba ang ginagawa niyo sa loob ng classroom." Mapanuyang sabi nito.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now