"Mr. Fostanes and Ms. Emmerson the both of you are late!" Nakakunot noong sabi ni Teacher Veronica Contamilia, ang striktong guro dito sa school. Kinakatakutan ng kararamihan dahil sa ibabagsak ka daw niya sa asignatura na itinuturo niya. Pero sa tingin ko mas takot naman siya sa'kin dahil ilang besses na akong late sa klase hindi man lang niya akong magawan na ibagsak.
"Where have you been?!"
"Sa computer room lang naman ma'am." Nagulat ang guro sa inasta niya at pumasok nalang.
"Ok you may now take your sit." Sabi niya pero nakaupo na kami. Geez! Slow mo! Nakaupo ako at katabi ko pala ang transferee student na si Ms Emmerson daw, she's wearing her glasses and her hair is tied up into a bun. Maganda siya. Natigil ako sa pagdedescribe sa kanya ng mapansing bakit ko siya pinapansin kaya ibinaling ko nalang ang aking tingin sa harap nang magsimula na ang klase.
--*-*--
Hannah Lyn POV
Natapos na din ang klase namin at nagsilabasan na kami. Nahuli ako dahil natagalan ako sa pag aayos ng mga gamit ko
"Hannah?" Nakangiting wika ni Eloisa "Sama ka?"
"No, I dont want to come." inis na tugon ko. Akala ko pa naman titigilan na nila ako.
"Sige na pls" Nakangiting wika nito pero tinignan ko lang siya.
"Ayaw ko ngang sumama sa inyo, malinaw na ba yon!" napalakas na sigaw ko at nawala naman ang ngiti sa kaniyang mukha at kita dito ang pagkadismaya. Kinuha ko ang bag ko at umalis nalang papunta sa cafeteria para maghapunan. Bawal kaming lumabas dito sa campus, iyon ang isa sa mga rule dito. Sa uwian lang pwede. Nasa cafeteria na ako at nakakuha na din ako ng pagkain nang may nakabangga sa'king babae.
"What the heck have you done?!" Inis na sigaw nito "Hindi mo ba tinitignan ang dinadaanan mo? Nakasalamin ka na nga!!" sigaw niya ulit kaya napatingin lahat ang mga estudyante sa amin.
"How dare you to shout at me like that!" Inis rin na sigaw ko. Wala siyang karapatang sigawan ako.
"Bago ka palang dito diba?Ang tapang tapang mo na?!" sambit nito "Hindi mo ba ako kilala?I'm Nick--"
"I don't care who you are!" sigaw ko pabalik.
Nakakainis siya, siya nga bumangga sakin e. Akala ba niya bibigyan ko siya ng daan tulad ng ginawa ng ibang estudyante, tsk. Nag assume kasi! kaya ayan natapunan niya ang sarili niya. Aalis na sana ako ng bigla akong hawakan ng dalawang alalay niya. Yes Alalay niya.
"Let me go!" galit na sigaw ko at napatawa naman ang mga bruha. Pag ako hindi nakapagtimpi humanda talaga sila sa'kin! Grrr.
"Tatakasan mo ba ako?" natatawang tanong nito kaya inirapan ko siya. Kung kaya ko pang magtimpi magtitimpi ako. First day na first day ng klase napapa away agad ako.
"Let me continue what I am about to say.....Ako lang naman si Nicky Forrester, the queen of this school" sabi niya at kumuha ng juice at ibinuhos sa akin.
Hindi ko siya napigilan dahil napakahigpit na pagkakahawak ng mga alalay niya sa kamay ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagdating nina Jazlene at Eloisa.
"How dare you!" galit na sigaw ni Eloisa at kumuha din ng juice sa isang table at ibinuhos kay Nicky. Napanganga naman ang mga estudyante sa nakitang iyon.
"You stupid!!" Inis na sigaw ni Nicky.
"No, I'm not. It's you. You are stupid kase hangang ngayon iniisip mo parin na ikaw ang reyna dito kahit na hindi! Haha! Assumera ka talaga! natatawang balik ni Eloisa.
"Hindi pa tayo tapos!" babala ni Nicky at binitawan na ako ng mga alipores niya at sinundan na siya.
"Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong nila sa akin.
"Okay lang ako" sagot ko.
"May damit ako sa locker ko, kukunin ko lang" nakangiting wika nito. Bakit ang bait parin nila sa akin kahit na sinigawan ko sila kanina at pinagtatabuyan ko pa. Sabay kaming pumunta sa comfort room at sinamahan akong magpalit.
"Heto oh siguro kasiya naman na iyan sayo" nakangiting wika ni Jazlene. Iniabot nito sa akin ang isang white t shirt kaya kinuha ko na ito para makapagpalit na. Matapos ko magpalit ay lumabas na agad ako sa isang cubicle at naabutan ko sila na nagsasalamin.
"Bakit ang bait niyo pa din sa akin?" nahihiyang wika ko.
"huh ba't naman kami magsusungit sayo?" Nakakunot noong tanong ni Eloisa.
"Dahil ba sinigawan mo kami kanina sa classroom?" tanong din ni Jazlene na inaayos ang buhok "Alam mo wala lang yon sa min, naiintindihan ka naman namin, alam naming may rason ka" sagot naman agad ni Jazlene sa tanong niya at humarap sakin.
"Paano kung madamay kayo sa gulo?" tanong ko habang naghuhugas ng kamay. Napatingin naman sa akin si Eloisa.
"Anong klaseng gulo? kamatayan ba?" Nakangiting wika niya.
Ano bang pinag sasabi nito? nababaliw na ba siya? paano namang nadamay ang kamatayan sa usapan? ganun ba kasama si Nicky? natanong ko sa aking sarili. Siguro nga hindi ko pa kilala yung tao.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ok lang naman sa amin pagnadamay kami diba Jaz? Atleast ngayon makakaganti kami sa kanya!" tumingin ito sa salamin at ngumisi. Ano bang ginawa ni Nicky sa dalawang to at ano ang sinasabi nilang gusto nilang makaganti? Meron ba silang nakaraan? Hmm
"Pwede ba magtanong?" tanong ko.
"Actually, kanina kapa nagtatanong, pero dahil mabait ako, sige ano yon?" sabi ni Eloisa
"Tsk, about kay Nicky" nagkatinginan ang dalawa at bigla nila akong hinila palabas hanggang napadpad kami sa isang tahimik na lugar.
"Bakit?" Nag tatakang tanong ko.
"May nakikinig sa atin don" sagot ni Eloisa at umupo sa bench.
"Sino?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo pa kase lubusang kilala ang taong kaaway mo" sabi nito habang nakatingin sa malayo. Sino ba talaga yang Nicky na yan?
"Gusto mo bang malaman?" Tanong ni Jazlene kaya tumango ako.
"Si Ni--?"hindi natuloy ang sasabihin niya ng dumating ang isang guard.
"Anong ginagawa niyo dito?" Nakakunot noo na tanong nito "Wala ba kayong klase?" dugtong pa niya.
"W-wala po" nauutal naman na sagot ni Eloisa.
"Hay nako sige na pumasok na kayo kung hindi isusumbong ko kayo sa teacher niyo!" Utos ng guard at agad naman kaming nagtungo sa loob.
Hay ano naman kayang mangyayaring mga kababalaghan sa taon na ito?
--*-*--
Sino nga ba si Nicky? Mayroon pa bang siyang ibang identity bukod sa pagiging assumera daw na queen nila sa kanilang school? Hmm
Vote and Comment ^_^
YOU ARE READING
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...
Chapter 3 - First Meet
Start from the beginning
