[ 64 ] Proposal

Magsimula sa umpisa
                                    

[ Teka Aine. Sino ba to? Wala naman akong chicks na bakla ah?-- (Aine) Si Gab yan! Joke lang na chicks mo yan. Iloudspeaker mo dali! Makikinig ako! -- Oh pre, ikaw pala yan. Sandali lang, napagutusan ni boss e. ]

"Tss. Wala ka pa din talaga pagdating sa babaeng yan"

[ Ewan ko sayo Gab. Ano pala yung sasabihin mo? ]

"Saan bang lugar maganda magpropose?"

[ Whaaat?! Magpopropose ka na kay Jin?! Seryoso? ] boses na naman ni Aine

"Hindi. Kaya nga ako nagtatanong e"

[ Wag ka ngang magulo dyan Aine. Halikan kita dyan e! -- (Aine) Oo na! Hindi na! Magusap na nga kayong magbestfriend dyan ]

"Gusto niyo magusap muna kayong dalawa dyan?"

[ Hindi na pre. Sige lang. Saan ba maganda? Dalhin mo sa beach para deretso honeymoon! Hahaha! Ayos yun diba? ]

"Seryoso ka?"

[ Hindi, loko lang yun pre. Dalhin mo na lang siya sa lugar na gusto niyang puntahan. Pero maganda talaga sa beach dude. Magbakasyon kayo ng kayong dalawa lang ]

"Tingin mo papayagan yung babaeng yun?"

[ Hindi. Alam ko na dude. May alam akong lugar. Doon ko dapat idedate si Maeghan nung Valentines kaso sinira nung isa dito yung date na yun -- (Aine) Steven Santos, tigil tigilan mo ako ah? Uupakan kita dyan! ]

"Sige pre, itext mo na lang yung lugar. Lambingin mo na yan si Aine. Mukhang nakulangan sa lambing e. Salamat dude"

[ Wala yun pre. Ge, goodluck sa proposal mo ]

Binabaan ko na siya. Hindi naman nagtagal at tinext na niya sakin yung lugar. Sa Antipolo pala. Hindi rin naman pala ganun kalayo.

*knock knock*

Pinagbuksan ko naman ng pinto. Si Risa pala.

"Gab, we're going out to the mall. Do you want to come with us? It'll be fun when you're there. Sumama ka na please!"

"Risa, gusto mo sumama sakin?"

"Where?"

"Antipolo"

"When?

"Ngayon na"

"Is it just the two of us?"

"Tayong dalawa lang"

"Really? Okay. I'll tell tita na I can't join them and I'm going on a date with you. I'll be back! Wait for me"

Lumabas na siya ng kwarto ko. Date? -___- Hindi ko naman kasi siya matapat na hindi ko na siya gusto at malabo na kami. Siguro naman alam niya yun pero pinipilit niya pa din talaga na kami. Pagkatapos ko magayos, hindi pa din naman siya bumabalik dito sa kwarto ko kaya naisip ko na puntahan siya sa kwarto niya. Kumakatok naman ako ng kumakatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko yung pinto.

"So-sorry"

Isinara ko ulit yung pinto. Nakita ko siya na nakatube at maiksing shorts lang -___- Bakit ba kasi nagbibihis siya na hindi nakalock yung pintuan e. Paano naman kung iba yung nakakita sa kanya ng ganun diba? Hinintay ko na lang siya sa labas ng pintuan at hindi rin naman nagtagal at lumabas na din siya.

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon