"Good morning super duper fabulous sexy Princess!" bati niya sa akin.

"Morning Andrew-----oooppsss---  Good morning Andrea!"

"Hmmm. Princess, bakit napaaga yata ang dating mo rito?"nagtatakang tanong niya sa akin.

"Andrea , James and I will have our bonding today kaya naisipan namin na maaga pang pumunta dito para marami pa kaming mapasyalan na lugar. By the way, may bago ka na bang design para sa akin?" tanong ko kay Andrea.

"Sorry to say Princess pero hindi pa ako nakapagdesign dahil I went on a vacation you know."

"It's okay, Andrea. Marami pa naman akong gear dun sa bahay. Sige, alis na kami ah. It's nice to see you."

"Sige Princess babush!" Agad na kaming umalis ni James sa store ni Andrea at pumunta kami sa resto ng family niya na siya yung nagmamanage.

"Princess, anong gusto mong kainin?'' tanong ni James sa akin.

"Spaghetti and coffee will do,"sabi ko sa kaniya.

"Okay, kukunin ko lang yung order mo. Just wait for while,"sabi niya at agad na pumunta sa counter. Alam ni James kung ano ang mga gusto ko at yung mga hindi ko gusto. He knows that I really love spaghetti.

Habang naghihintay ako kay James, napansin ko ang mga lalaking kanina pa sumusunod sa amin. Akala ko, iba ang pupuntahan nila pero napansin ko na kung saan kami pupunta ni James, dun din ang punta nila.

Bigla akong kinabahan dahil pamilyar ang itsura nang dalawa sa mga lalaki. I think sila ang mga alagad ni Richard Valcor, ang grupo ng mga Mafia na kalaban ni Dad.

Ano kaya ang balak ng lalaking yon? Hindi ko alam kung ano ang plano ng mga lalaking yan kaya para makasigurado ako, inihanda ko na ang baril ko para kapag may gawin silang masama sa akin, handa akong iligtas ang sarili ko.

Habang hinahanda ko ang baril ko, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si James. "Princess anong problema bakit mo hinahanda ang baril mo?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"James, kanina pa sumusunod sa atin ang limang mga lalaking nakaitim na nakaupo doon sa likuran'' sabi ko kay James.

"What? Sino ang mga yan at bakit nila tayo sinusundan?''tanong niya sa akin.

"They are from the group of Richard''.

"Oh my you mean the Mafia Group named 'Memphis'?"tanong niya sa akin.

"Yup, sila yung pinakamatinding kalaban natin. Sila yung grupo ng Mafia na gustong agawin ang trono natin bilang the Big One. Gusto nilang sila ang maghari sa lahat ng Mafia dito sa Asya pati narin sa iba pang mga bansa,'' paliwanag ko kay James.

"Umuwi na lang tayo baka may mangyari pang masama sayo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sayo Princess,"sabi ni James sa akin.

Agad na kaming umalis sa resto at pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan namin. Papalapit na sana kami sa sasakyan namin nang biglang may pumutok na baril sa likuran namin at naramdaman kong may tama ako sa kaliwang braso ko.

Hindi namin ni James naramdaman na sumunod sa amin ang mga lalaki at pinaputukan kami. Mabuti nalang at sa braso ko tumama ang bala. Agad kong kinuha ang baril ko at papuputukan ko na sana ang mga lalaki pero pinaulanan na nila kami ng bala at hindi ako nakailag. Tumama ang bala sa bandang itaas ng dibdib ko. Shet! Mutik na yong masapol sa puso ah!

Pinaputukan nila ulit ako kaya handa na akong matamaan ng bala pero hindi sa akin tumama ang bala.

Kay James.

Sinalo ni James ang bala na para sa akin. "P-Princess I a-am so s-orry. D-di kita n-n-alig---tas,'' napaiyak na lang ako. Hindi 'to pwede.

"James, bakit mo sinalo ang bala na para sa akin?" tanong ko sa kaniya habang patuloy na tumutulo ang luha sa aking pisngi.

"A-ayaw ko n-na m---ay ma-sam-ang m-mangya--ri s-sayo. M-mabuti n-na ak--o na l-lang a--ng ma--matay kesa s-ayo," nahihirapang sabi ni James.

Kukunin ko na sana ang baril ko pero narinig ko na pinaputukan kami ulit ng mga lalaki at dumilim na ang lahat.

Habang nasa opisina ang daddy ni Sam ay bigla nalang tumunog ang cellphone niya.

"Hello, sino to?"

"Hello, Sir. Is this Mr. Steve Anderson?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Yes. Bakit sino ba to?"

"Sir, ito po ang St. Joseph Medical Center. May nangyari pong masama sa anak niyo," sabi ng babae sa kabilang linya.

"What? Okay pupunta na ako dyan."

Agad na pumunta si Mr. Anderson sa ospital at nakita niya si Samantha na puno ng dugo ang damit at marami siyang tama ng bala.

"Excuse me sir kayo po ba ang ama ng babaeng yan?" tanong ng Doctor sa kanya.

"Yes. I am her father, ano na ang update sa condition niya?"

"Sir, marami pong nawalang dugo sa kaniya at critical ang lagay niya. Kailangan po siyang operahan sa madaling panahon."

"Doc, please save my daughter..."

"Huwag po kayong mag-aalala. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya.''

Habang naghihintay si Mr. Anderson sa labas ng operating area, may isang lalaking lumapit sa kaniya.

"Sir, may masama po kaming balita sa inyo," sabi ng lalaki.

"A-Ano yon?"

"Sir, wala na po si Sir James,"sabi ng lalaki.

"Ano!? Nasaan siya?" tanong ni Mr. Anderson.

"Nandun po siya sa isang kwarto."

Agad na pinuntahan ni Mr. Anderson ang kwarto na tinuro ng kaniyang alagad at nakita niya na maraming sugat si James.

"James, I'm so sorry. I hope you may rest in peace, thank you for saving my daughter."

Inutusan ni Mr. Anderson ang kaniyang mga alagad na ayusin ang burol ni James.

"Sam, I'm so sorry. Hindi ko naligtas si James,"sabi ni Mr. Anderson sa kaniyang anak.


MAFIA HEIRESS IN DISGUISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon