[39] Welcome Back, Chanel Courtney Chua :)

Magsimula sa umpisa

Pero.. In reality. We keep promises kasi we know na yung promise natin is one thing na sobrang hirap gawin. Ipropromise mo sa sarili mo na hindi ka na magstastalk. Magdidiet ka na. Hindi ka na iiyak. Magaaral ka na. It's easy to do sa isang beses pero kapag daily na.. Mahirap na. 

Masyadong mahirap pangatawanan ang mga pangako. Kadalasan, puro umpisa lang yan.. Sa huli, mapapako din yan. 

Pero one of the things na nagiinspire sa atin to do our promises is kasi pinromise natin sa sarili natin na gagawin natin yun. 

Pero.. Keeping in mind that that is a promise is not enough para gawin mo yung promise mo forever.. That's why promises are meant to be broken. 

Tulad ngayon. I'm crying again. Why? Masisisi niyo ba ako? Nandito ako sa lugar kung saan sinaboy ang labi ng taong pinakamamahal mo tapos hindi ka maiiyak kapag naisip mo lahat mg pinagdaanan niyo?

Flashbacks.. Are really painful. It makes you happy. For awhile. And then suddenly, you'll realize na.. Those memories can and will only happen in flashbacks. 

"YAH! Kean! Kung katabi mo si Lord diyan! Which I doubt. Wag mo naman siyang ifriend! Wag mo kong ipagdamot! Kasalanan mo lahat to! Iniwan mo ko! Bakit ganito?! Am I meant to be alone?!? Wag kang selfish!! Pengeng lovelife!!"

Habang umiiyak sinisigaw ko yun. Wala namang masyadong tao. Natatawa nga ako sa sinabi ko. Namimiss ko kami ni Kean. Ganito kami magusap eh..

Siya yung lalaking, parang bestfriend ko kung makipagasaran at makipagbarahan. Parang tatay ko kung pagalitan ako at pagbawalan ako. Parang kuya na minsan KJ pero sasamahan ka pa rin sa gusto mong gawin. At parang boyfriend kasi papakiligin ka at ipapakita niya sayo kung gaano ka niya kamahal.

Kean Patrick Tolentino Padua.

One of a kind guy. Gwapo at Habulin. Masungit pero sweet. Tahimik pero palaging sumisigaw. Mukhang chill pero palaging mainit ang ulo. Gentleman pero walang respeto sa matanda.. O kay Lola Daisy lang? Makulit at nambabara. Madamot at possessive. Pasaway at walang pakialam. Di mahilig sa girls, ikaw lang ang nagiisa niyan. Suplado pero kapag ikaw minahal niyan.. Hindi na dapat pakawalan. 

Maraming gwapo at masungit na lalaki. Pero bakit ganun? Hindi naman ako mainlove inlove ng tulad ng pagmamahal ko kay Kean. Kapag daw kasi true love.. Kapag tinanong ka kung bakit mo siya mahal hindi mo sasabihin na.. Gwapo. O mayaman. O kaya mabait. Kasi.. Hindi mo alam kung bakit mo siya minahal. At maganda yun. Kasi kapag nawala na yung dahilan kung bakit mo siya minahal.. Mawawala na yung 'pagmamahal'

Wait. Bakit ba ako nagsesermon? Pasensya na sa mga naiisip ko ngayon. Namiss ko lang talaga si Kean. :'(

Pero.. Kahit na umiiyak pa rin ako. At miss ko pa rin siya at meron pa ring bahagi sa akin na hinihiling na sana bumalik siya.. Tanggap ko na. Na wala na.

Wala ng Kean at Courtney.

Hindi na siya babalik sa akin. Hindi na mangyayari yung dati. Kahit anong iyak ko o hiling na sana bumalik yun. Wala eh. It's beyond my limitation. Pero.. Hindi ko kakalimutan si Kean.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!