🔯 Chapter Twenty Three: Creepy First Love

Start from the beginning
                                        

" O siya. Hahayaan ko na muna kayo, Ekel, Eji. Pindotin niyo lang button kung may kailangan kayo. Hiling ko lang mga apo ha? Na tska niyo na gagawin ang mga bagay na yon kapag kasal na kayo."--Lola.

Sabay kaming napatakip bibig ni Luiji.

"lola!"--Sigaw namin ni Luiji.

Si lola talaga. Kung ano-ano ng iniisip!

" hehehe. Paalala lang mga apo ko."--Lola.

Umalis na si lola at sabi pa niya, magpapadala siya ng snacks namin kasi baka raw gutomin kami gayong hindi pa tapos lutoin ang haponan namin.

"Jana! Hehehe! Ang saya ko talaga! Alam mo ba kung bakit?"

Dahil maluwag naman ang space dito,
nagawa ko pang mag thumbling sa saya!

"Narinig ko sa bulong-bulongan niyo na wala kang nakitang kahit isang multo dito."--Jana. Cold niyang sinabi. Ang talino talaga ni Jana! Hahaha!

" Tumpak!Kaya pakiramdam ko, malaya ako--"

Natigilan ako sa kakagulong sa makinitab na sahig nang may maramdaman akong malamig na bagay sa paanan ko.

Kinakabahan na ako! Medyo alam ko na kasi ang mga ganitong eksena! Mukhang...

"Wahhhhhh!asfghhttt!"

Nagulat pa ako kahit nag-iexpect ako na may makikita akong epal!

Agad akong napatakbo papunta kay Jana pero!

"Mag C-Cr ako."--Jana.

She slammed the CR's door! Wahh! Bakit ang panget ng timing niya! Kailangan kita! Ngayon at kailanman, Jana!

"Huhuhuhu! Jana--teka. Bakit mukhang familiar kayo!?"

Kahit natatakot ako sa mga pagmumukha ng mga multong 'to, nagawa kong lumingon sa kanila.

Pilit kong inaalala kung bakit tila pamilyar sila?

Hmmm. No way!

"Wahhhhh! Kayo yong mga multo sa bahay! Yong nag nakaw sa goggles ko! Yong mag sa-summer vacation na mga multo!Heck!? Dito kayo magbabakasyon!?"

Nagtawanan yong mga multo at sabay pang napatango!

"Hindi! Hindi pwede 'to! Sirang sira na ang dream vacation ko!"

Tadhana nga naman! Bakit pinagbuklod ang isang simpleng taong tulad ko sa mga multong walang ibang ginawa kundi ang manggulo sa pang araw-araw kong buhay!?

"Dream vacation? Nandito tayo dahil sa misyon natin, Drug Lord." --Jegudi.

Biglang sumulpot si Jegudi at pinagduduro ang noo ko. Kainis! Isa pa'tong panira!

"Kahit kunti? Kahit sandali lang? Hindi ba ako pwedeng maging masaya?"

Sabi ko na may paiyak-iyak pa. As if naman na maaawa ang tigasing Jegudi na'to.

"Pwede naman siguro kaming mag enjoy kahit sandali, Jegudi during our free time?hehehe."--Jennifer. Lumapit si Jennifer sakin at hinawakan niya ang braso ko.

" Oo. Pag may progress na sa ia-assign kong tasks sa inyo!"--Jegudi.

"Ang bait mo talaga, Jegudi. Thank you."--Jennifer.

Ang anghel talaga ni Jennifer! Siya lang yata ang nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.

"Salamat talaga Jennifer dahil palagi kang kumakampi sakin."

Sabi ko sa kanya then she just replied a sweet smile.

"Walang anuman Kael, basta ikaw."--Jennifer.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now