Chapter One

34.1K 560 19
                                        

PINIGILAN ni Jena ang mapahikab habang patuloy sa pagsasalita ang ka date niya sa gabing iyon. Nasa restaurant sila sa isang mamahaling hotel kung saan siya nito dinala para mag dinner. Isa itong businessman na kakilala ng kaibigan ng isang kakilala niya. Thirty three years old na ito at humahanap na raw ng makakasama sa buhay kaya ng humingi raw ito ng date sa kaibigan ng kakilala niya ay siya kaagad ang naisip nito.

Natuwa siya nang malaman iyon kasi ang impresyon niya sa businessman ay man of few words, responsable at magiging good provider. Medyo tumaas din ang pag-asa niya nang una itong makita kanina kasi kahit papaano naman ay may itsura ito. Hindi man masasabing guwapo, mukha naman itong kagalang-galang.

Saka hindi rin naman siya masyadong after sa kaguwapuhan kasi hindi naman siya sobrang ganda. Realistic siyang tao at alam niyang ang babaeng gaya niya na simpleng office lady at average na hitsura kahit hindi naman siya masasabing pangit ay malabong magkajowa ng lalaking artistahin ang itsura. Kaya naisip niya kanina na puwede na si Mr. Businessman.

Kaso nagbago ang lahat nang magsimula na itong magsalita at magsabi ng tungkol sa sarili. Ni hindi nito naisip magtanong ng tungkol sa kaniya. Mula nang dumating ang pagkaing inorder nila wala na itong hinto sa pagbibida ng lahat ng achievements nito mula pa noong nag-aaral ito hanggang sa kasalukuyan. Pati mga bidding na naipanalo nito hindi nito pinalampas. Daig pa nito ang pangulong nag so-SONA.

Akala ni Jena ang pinaka-fail na blind date niya ay iyong na ka-date niya noong huling beses. Iyon pala mas matindi pa ang lalaking kaharap niya ngayon – walang inatupag kung hindi ang magyabang. Kaya inekesan na niya sa utak niya ang mga businessman at tinandaan na hindi na siya makikipagdate sa mga ganoong lalaki sa hinaharap.

Sa huli hindi niya rin napigilan ang hikab. Saka lang ito huminto sa pagsasalita at napatitig sa kaniya. Naitikom naman niya kaagad ang bibig. Sumeryoso ang mukha nito. "Am I boring you?"

Uhuh. Pilit siyang ngumiti. "Hindi naman. Medyo napagod lang siguro ako today dahil galing pa ako sa office," palusot niya.

Naningkit ang mga mata nito, halatang hindi natutuwa sa kaniya. "Galing din ako sa trabaho. And unlike you, I have a much higher position and higher responsibility but I didn't act improperly in front of you."

Nakaramdam na siya ng inis pero nagpigil pa rin siya. Kasalanan ba niya kung boring itong kasama at walang inatupag kung hindi ang ibida ang sarili sa kaniya? Tiningnan niya ito at pekeng ngumiti. "Well, sorry about that. But I guess I'm just really tired today. Bago pa kita mainis ng husto ngayong gabi, pwede na ba tayong umuwi?"

"And now you want to go home. Kung pagod ka pala sana hindi ka na lang nakipagdate sa akin ngayon. Don't you know how tight my schedule is? Pero isiningit ko ang pakikipagkita sa iyo. I am paying for our food so the least you could do is to listen to me."

Nag-init na talaga ang ulo ni Jena. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Teka lang ha? Busy rin ako no! At huwag kang magsalita na para bang utang na loob ko na nakipagdate ka sa akin," inis na sabi niya.

"Pumayag lang naman akong makipag-date sa'yo kasi sabi sa'kin maganda, matalino at may finesse ang makaka-date ko. Hindi naman pala totoo."

Napatayo na siya sa sinabi nito. Naniningkit ang mga matang pinakatitigan niya ang lalaki. "Excuse me! Kung ako walang finesse ikaw naman ubod ng yabang. Tingin mo ba maiimpress ang lahat ng tao kapag sinabi mo lahat ng achievements mo? You are so wrong!"

Halatang nagulat ang businessman. Bago pa ito makapag-react kinuha na niya ang bag niya, dinukot mula roon ang wallet, naglabas ng cash at inilagay iyon sa lamesa. "You don't have to pay for my dinner. That's my share. Goodbye." Pagkatapos nilayasan na niya ito.

KISSING A STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon