15 BEAT IT

38 7 6

Hi, Study Partner!

One last step...

Ano'ng pakiramdam pagkatapos mong mabasa ang first fourteen (14) chapters ng Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat?

Do you feel like quitting or do you feel like you finally see the light?

"Quitting, what!" As usual, sumulpot muli ang bida na si Mitoy. "Quitting is not in my dictionary, you know, Lee." Sabay ngisi nito na nakakaloko. "Oh, ha? Straight English 'yan."

"Toymits, ano na namang nakain mo sa Tindahan ni Aya?" napapailing na tanong ni Rainydusk.

"No, no, no, Lee. Nanood lang ako ro'n ng laban ni Pacman, you know. The World Boxing Champ, my idol. Never, ever quits in his fight."

"No, no, no, Mitoy. Don't you know? Pacman is quitting boxing."

"Quitting, what!" Halos lumuwa ang mga mata ni Mitoy. "No way! Boxing is his life. It's his dream, his passion--"

"Toymits..." Napapangiwi si Rainydusk sabay abot ng tissue sa kaibigan. "Your nose is bleeding, you know?"

Noon pa lang naramdaman ni Mitoy ang dahan-dahang pagtulo ng mainit na likido mula sa sariling ilong. Pahablot nitong kinuha ang tissue sa kamay ni Rainy, saka pinunasan ang dumudugong ilong.

"Let me remind you, Mitoy: The difference between quitting and giving up is innovation."

"Sige, dagdagan mo pa, Lee. Dumudugo na nga ilong ko, eh."

"Ang ibig kong sabihin, kapag nag-quit ka, maaaring iba iyon sa pag-give up. Like Pacman. Maaaring mag-quit siya sa boxing pero hindi iyon pag-give up sa passion niya. Mayroon lang innovation. May bagong path or track or goal siyang sisimulan. P'wedeng hindi na siya ang mismong lalaban sa ring pero may mga plano pa rin siya na connected doon. Isa pa, nakamit na naman niya ang tugatog ng tagumpay sa larangang iyon. Kung mag-quit siya sa kainitan ng kaniyang karera, kailangan niya ay innovation--ng pagbabago, para magpatuloy sa pag-grow."

"Ah, gano'n pala. Parang ganito: beat his own self."

"Korek! At nabanggit mo na rin lang ang beat. Tungkol sa beat ang next lesson natin. Pero bago iyan, tatanungin muna kita. At this point, itutuloy mo pa ba ang pagiging writer mo o gusto mo nang mag-quit?"

"Quitting is not in my dictionary. Beat it, Lee. Beat it! I'm nobody but a writer." Sabay punas ng ilong.

Great.

How about you?

Do you feel like quitting, giving up, or do you feel like you finally see the light?

If you choose to quit, innovate. Find new ways -- perhaps another shortcut, another writing coach, or another self-help book.

If you pick giving up, think a hundred times before you stop creating dreams.

But, if you feel like you finally see the light after the previous lessons, go on reading.

***

Ang susunod nating topic ay ang counter-part ng dialogue tag.

Hindi lingid sa atin na ang dialogue ay hindi palaging may dialogue tag -- at hindi rin puro dialogue tag lang. Minsan sinasamahan din ito ng beat.

DIALOGUE BEAT (Descriptive Beat)
o tinatawag ding action tag/beat." It's main function is to DESCRIBE the associated ACTION in a certain dialogue.

Examples

"Ang tahimik naman dito," nasabi niya. "Lahat ba ng pasyente n'yo rito nakakulong sa mga kuwarto?" (a)

"Confine is the correct term, Shelvin. Let me remind you, pasyente ang mga naririto at hindi preso." Payak na natawa si Dr. Miron, pailing-iling. (b)

Ang dalawang dialogues na example ay mayroong magkaibang uri ng tags.

Ang nauna (a) ay ginamitan ng DIALOGUE TAG (nasabi niya). Ang ikalawa naman (b) ay ginamitan ng tinatawag na DESCRIPTIVE BEAT (Payak na natawa si Dr. Miron, pailing-iling.)

Pansinin: Ang mga salitang "natawa" at "pailing-iling" sa Example-b ay mga kilos o action na may kaugnayan sa speaker ng nasabing dialog.

Sino ang natawa? Sino ang umiling? Binanggit din sa beat, si Dr. Miron. Ano ang description (paglalarawan) ng paraan ng pagtawa ni Dr. Miron? Ang sabi pa rin sa Descriptive Beat, payak.

TANDAAN:

1. Ang Descriptive Beat (action tag/beat) ay isang sentence o pangungusap na sinundan o susundan ng isang dialogue. Ibig sabihin, puwede itong mauna sa dialogue.

2. Ang beat ay naglalarawan (describes) ng kilos (action) ng character na siyang nagsalita ng dialogue na sinundan o susundan nito.

3. Ang beat ay palaging nagsisimula sa capital letter (upper case) at nagtatapos sa full break na period (tuldok).

Simple lang, hindi ba?

Ngayong alam mo na ang pagkakaiba ng Dialogue Tag sa Descriptive Beat, maaari mo itong gamitin nang palitan o sabay upang mas magkaroon ng kulay ang dialogs ng iyong characters.

"Oi, oi, Lee," pahabol ni Mitoy. "Pamilyar sa akin ang examples, ah." Nag-fingersnap pa ito. "Scene iyan sa nobela mo... 'yong The Face Behind! 'Di ba, 'di ba, 'di ba?"

Nag-thumbs up si Lee at nangiti. "Yeah, right, Toymits! Salamat sa plugging."

So, paano na, Study Partners? Sana ay may natutunan ka sa ating lessons.

May kahirapan man...

Beat it!

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!