6 - BE MY CRITIC 2 of 2

19 6 4


BE MY CRITIC 2: Author, Your Story to Be


So, ngayong nakasali ka na sa writing club or critique group, natural na mayroong piece of story na naka-assign sa iyo. Ang assignment mo ay basahin iyon at gumawa ng review o magbigay ng feedback. Now what?

Paano ba mag-critique?

Simple lang. Basta sabihin mo lang kung ano ang napuna mong positive at negative elements sa story, malaking tulong na iyon. And make sure, sinabi mo iyon sa hangarin mong makatulong hindi para may masabi ka lang.

Learn to share. Walang writer na makasarili.

Hindi ba, kaya ka nga nagsusulat para mag-share ng kung anong nalalaman mo? Simulan mo sa pag-critique. Ituring mong iyo ang binabasa mo at itanong mo sa iyong sarili, "Ano ang p'wede kong gawin para mas gumanda ang kuwentong ito?"

There are many ways to improve your writing skills, and one of them is by giving others a fair criticism.

Pansinin mo, habang binabasa mo ang gawa ng iba at may nakita kang sa palagay mo ay mali, nari-recall mo ang mga natutunan mo sa pamamagitan ng pag-iisip kung bakit mo nasabing may mali sa binabasa mo. Nakatulong ka na, natututo ka pa.

On the other side, may tao ring naka-assign para magbigay ng comments or feedback sa story mo. Kapag may nagsabi sa iyo ng negative comments, huwag kang magagalit basta. Intindihin mo ang comment/s. For sure, may dahilan kung bakit ganoon ang nasabi niya. Kung convincing ang paliwanag niya about sa negative na nasabi niya, take it -- gusto ka lang niyang mag-improve. Kung wala namang katuturan, ignore.

Sa pagbibigay naman ng critique, just be honest. Let's say, member ka ng book club or critique group at hindi mo forte or hindi mo "cup of tea" ang story na na-assign sa iyo, paano na?

No choice. Pagtiyagaan mo na, hayan na iyan eh.

Take it as a challenge.

May short story akong isinulat na fantasy ang genre. Sabi ng critique partner ko, "Here I am, reading fantasy."

Hindi niya iyon interes pero binasa pa rin niya at nagbigay siya ng constructive feedback. Then one time, nabanggit niya sa akin na gustong-gusto raw niya ang kuwentong iyon. Nabigla nga ako, e. Kasi bihira siyang magsabi na nagustuhan niya ang kuwento ko. Pero technically hindi pa rin ako pasado sa kaniya. Ang may sala?

Rules in Grammar. Grrr!

So, sa stories na hindi mo feel ang genre pero iyon ang natapat sa iyo, give it a chance. Pinaghirapan iyan ng ating kapuwa writers kaya be fair sa pagbibigay ng review or critique. Who knows? Mabibigla ka na lang dahil naaadik ka na pala sa isang story na ni sa panaginip ay hindi mo naisip na magugustuhan mo.

Writing is always a two-way process. You can not write alone.

O, sige na nga!

You can write alone, but still, you need readers. You need other people's opinions to improve your craft.

Sabi nga ni Mr. Ricky Lee, (close kami? Well, narinig ko lang sa interview sa kaniya) na ang writing ay hindi tungkol sa ideas. It's how you present that idea.

Doon pumapasok ang crafting.

Doon pumapasok ang Rules in Grammar.

(Ang galing ng segway, no Grrrramarrrr na naman!)

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!