Five

1.9K 34 0

WTKWLI — Five

Nagising ako dahil naramdaman kong may gumagalaw sa batok ko. Idinilat ko ang mata at tiningnan kung sino.

Nanlaki ang mata nang makita ko ang upper body niya. Shookt. Napatalikod agad ako at napapikit nang madiin. Jusq. Ano ba 'to.

Bumalik ang alaala ko sa nangyari kagabi. Napakagat labi ako. At di ko alam kung anong emotion ang nararamdaman ko ngayon.

"Aina. Magbihis ka na. Kain tayo sa labas tapos ihahatid na kita sa inyo. Wag ka mahiya. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon."

Napalingon ako sa kanya habang nakahawak pa rin ako sa kumot na nakapaibabaw para takluban ang buong katawan ko.

Nakangiti siya sa'kin. Nakapagbihis na agad siya, ha.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. "Skype. Okay lang ba na ano." Tanong ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Hiyang hiya talaga ako sa ginawa ko kagabi. Parang gusto ko maglaho bigla.

She giggled. I bite my lip, once again. You, Skype, keep giving this, this indescribable feeling.

"Sige. Lalabas muna ako. Dun lang ako. I'll wait for you."

Hinintay kong sumara ang pinto bago ako tumayo.

Nagkalat ang damit ko sa sahig. Grabe. I can't believe we did it. Pakiramdam ko nag aalab pisngi ngayon. Inaalala ko lang yun ah.

Pagkabihis ko, dumiretso ako sa cr at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sa gilid ng salamin, may damit, skirt, and under garments. May note rin dun.

"Take a bath if you want. You can wear it if you want."

I decided to take a bath. Iniwan ko na lang yung damit ko sa nakita kong lagayan ng labahan.

Pagtapos, nag ayos ng konti. Nag lagay ako ng lip and cheek tint. Mas tumataas confident ko kapag nag lalagay ako nito.

Lumabas na ako ng kwarto na nakayuko. Ginusto ko yun eh. Bakit ba ako nahihiya?

"Let's go?"

Napatingin ako sa kanya. She's smiling. Like nothing happened last night. She's smiling like she really wanted to be with me.

Ngumiti ako bahagya and I nodded. Nag elevator kami pababa. And syempre matagal tagal kami sa elevator. Sa 28th floor may pumasok na babae at namagitan sa'min ni Skype. Ang sexy. Naka-nano shorts. Sobrang ikli kasi talaga eh. Kita na tumbong niya. Confident kasi ang puti. Tapos naka sleeveless. This girl kept looking at Skype. Pero chill lang si Skype. Naka-shades siya kaya hindi ko alam kung tunutingin din ba siya sa babae or hindi.

Ewan pero bakit medyo, irita ako? Iniunat ko ang braso ko sa likod ng babae at bahagya ko siyang tinulak para mapunta siya sa unahan.

"Ouch!" She said na napaka-arte. Akala mo nangudngod. Kung ingudngod ko kaya talaga siya? Err.

Tumabi agad ako kay Skype.

"Arte." Bulong ko.

Lumingon siya sa'kin. Sarap sabunutan nung buhok pag lingon niya. Muntik na ako tamaan.

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!