KYLE'S POV:

Dahil sa mga sinabi ni grandma sakin hindi ko tuloy alam kung pano ako makikitungo na naman sa kanya!

Feeling ko tuloy maiilang na ako sa kanya, hindi sya kundi ako mismo ang maiilang. Di naman dahil sa close na kami kaya ako maiilang kundi dahil sa pumayag na syang ipakasal sakin eh parang dati lang mas mauuna pa atang maguho ang mundo bago sya pumayag sa gusto ni grandma na maipakasal sakin.

"Pinuno ano na naman nasa isip mo?" tanong ni Joseph sakin pero umiling lang ako
"Busy mga tao dahil exams na next week" sabi naman ni Yvan habang pinapanuod yung mga tao dito sa may hallway na nag aaral
"Asan na naman si Ernest?" tanong ko sa kanilang dalawa tapos pareho lang silang nagkibit balikat
"Di ko pa sya nakikita simula nung pumasok ako dito sa school ngayong araw" sabi ni Joseph
"Baka natutulog na naman kung saan saan. Alam mo naman yun ayaw ng maingay na lugar" sabi naman ni Yvan
"Kung ayaw nya ng maingay bakit sya sumasama sa inyo nag bar?" biglang tanong ng isang babae sa likod namin tapos pag lingon namin andun pala si Ashley
"Hi Ash" bati ni Yvan at Joseph sa kanya tapos ngumiti lang sya tsaka sya lumapit samin

YVAN'S POV:

"Kung ayaw nya ng maingay bakit sya sumasama sa inyo nag bar?" biglang sabi ng pamilyar na boses sa likod namin tapos pag tingin namin andun pala si Ashley
"Hi Ash" sabay na bati namin ni Joseph sa kanya tapos ngumiti lang sya samin tsaka sya lumapit kay Kyle

Pagkalapit ni Ashley kay pinuno agad syang hinawaka ni Kyle sa bewang tsaka sila nag usap dalawa.

Nagkabalikan na naman kasi silang dalawa! According to Joseph nag kabalikan silang dalawa nung mismong araw na nag dinner kami sa bahay nila grandma.

Tama nga yung sinabi ni Ernest! Kung titigil si Kyle sa paghahabol sa kanya sya na mismo ang lalapit sa kanya. Dahil sa iisipin ni Ashley na wala ng pakealam si pinuno sa kanya. Kung kailan hinahabol habol sya ni Kyle tsaka sya sobrang nagpapakipot tapos nung tinigilan sya ni Kyle tsaka sya naman ang mismong lumapit sa kaibigan ko.

She's something!

"I'm glad that your grandma finally decide to return your things" sabi ni Ashley kay Kyle tapos ngumiti lang si pinuno bilang sagot
"Things? So may phone, pera at kotse ka na ulit?" tanong ni Ernest tapos tumango lang si Kyle

Speaking of things!!

Oo nga binalik na pala ni grandma yung mga gamit nya dahil sa pumayag na si ate ipakasal sa kanya.

Everyone is so shock because of her unexpected decision. No one expected that she will agree about this matter.

Habang pinapanuod lang namin yung dalawa maglandian di ko maiwasang mag alala sa kapatid ko. Naiisip ko kung pano kung matuloy nga kasal nila.

"Mauna na ako" sabi ko kay Kyle tapos tumango lang sya
"Sama na ako hanapin ko pa si Ernest" sabi naman ni Joseph tsaka na namin iniwan si pinuno kasama yung current girlfriend nya

Di ko talaga maiwasang mag alala sa kapatid ko! What will happen to my sister once they get married?

I'm not sure if Kyle is going to be a good and loyal husband to my sister. Na-imagine ko tuloy yung mga bagay na posibleng mangyayari sa kanila once na matuloy nga yung kasal.

To be honest, I keep on thing about useless thing since last night! After sabihin ni ate Yra yung ginawa ni ate Ysa sa bahay nila grandma. Alam kung di naman gagawa ng masama si Kyle sa kapatid ko kaso baka hindi lang kami nakakasigurado.

Dahil alam na alam kung di kayang iwang ni Kyle si Ashley dahil sya ang first girlfriend nito.

Hindi naman sa ayaw ko silang magpa kasal kundi ayaw ko lang masaktan at makitang malungkot ang kapatid ko ng dahil sa kanya dahil sa kaibigan ko rin sya.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!