Miiii Loves!


Hola! *kaway kaway* sabi ko sa last chapter may continuation yung birthday party ni Pj, meron naman pero hindi na detailed, just like the book one puro kwento yung ibang scenes/part. So ayun.
Malapit na rin matapos ang month of May. 10 more days to go and Hello June. WELCOME BACK TO SCHOOL naaa.
Magiging busy na ko 'non that time that's why medyo parang nagmamadali na rin ako. (medyo na parang pa? HAHHAAH! ) hindi naman sa nagmamadali pero kasiii kasiii kasiii Ang book two ay hindi kasing haba ng book one. Yes. Plinano ko na talaga noon palang nung iniisip ko yung Timeline/ flow ng story nito na hindi siya magiging mahaba katulad ng sa book one.
I am trying to make this story 'makatotohanan'. alam ko na yung iba sa inyo napapansin na 'ang boring', 'ba't walang Pov si kath?', ba't parang sa ibang scenes konti yung appearance ni kath'. Planado 'yon kasi. After ng isang 'pasabog' ng book two, puro Pov na ni kath. At baka mag-sasawa kayong lahat sa Pov ni kath.


Watchhhaaa say sa new book cover? :>


PS: Long chapter. baka-mabored kayo a. :))



Chapter Nineteen♥  Kirsten Meets kath




Julia's Pov


"Ang lamiiiig" nakayap si Tiffany sa binti niya na nakapatong rin sa chair niya, kala mo walang ibang tao sa coffee shop kung maka-upo. Sabagay ramdam ko rin naman yung lamig kanina, kanina 'yon nung hindi pa dumadating yung boyfriend ko'ng matagal na nabuhol sa bohol. Yes. Si Diego nakabalik na. The day after Pj's party. Sayang nga raw kasi late siya.



"Grabe! ipahiram mo na lang kaya sakin 'yang jacket mo" napatingin ako kay Tiffany, siyempre ako lang naman ang naka-jacket dito eh. kasi si Diego naka Long sleeve "di mo naman na kailangan yan! yakap yakap ka naman na ni Diego e"


feeling ko yung dugo ko biglang umakyat sa ulo dahil bigla akong nahiya, kinilig at na-inis.



Nahiya ako kasi, kahit kailan si tiffany napaka-ingay. Actually, kung first time mo siyang makikilala or nakita mo agad yung evil side niya hindi mo maiisip or masasabi na 'ay ang ingay pala nito?' kung di mo siya binigyan ng chance na mapakita sayo yung other side niya. kung di mo makikilala yung siya as herself. as Tiffany Nicole Tan.  at dahil ang ingay niya napatingin samin yung ibang costumer, tas yung tingin ng iba para namang PDA na kami ni Diego? Grabe yakap lang naman eh. yung iba naman parang mga nag-blush.



At the same time, kinilig rin naman ako! Si diego kasi yung yakap niya iba. Nasa likod ko siya pero naka-sideview siya sa likod ko or naka-tagilid tas yung yakap niya sakin iba. back hug siya pero hindi literal na back hug kasi naka-tagilid siya sa likod ko diba? basta iba. iba kasi parang sa shoulder ko siya naka-yakap? parang sa leeg? basta yung kamay niya naka-hawak sa shoulder ko. parang yung sakal using your arms.



(Sana get niyo, hirap i-explain *punas pawis* kung may alam kayong easiest way ng explanation about sa hug na tinutukoy ko, pwedeng paki-explain sakin? hahaha )



siyempre nainis ako!



bakit?



kasi biglang inalis ni Diego yung pagkakayakap niya sakin. yung yakap niyang di ko ma-describe-descibre.





"ang tagal naman nila kath, lamig na lamig na ko dito oh" reklamo ni Tiffany





"kumuha ka kaya ng jacket mo 'dun sa gamit mo sa van" suggestion ni Diego sa kanya




"Grabe naman kasi Aircon nitong coffee shop, madaling araw naman eh" Tinatamad siguro'ng kumuha 'to si Tiffany. Naka- huge shirt naman na siya eh tapos may panloob pa siya na fitted shirt and naka-leggings naman siya e. keri na niya yan.




Alam niyo naman si Tiffany, pagdating sa pag-iinarte magaling siya diyan. Actually, silang dalawa ni Louisa.




Di ko na nga lang papansinin ang pag-iinarte ni Tiffany at yung taong nasa likod ko na si Diego.




3a.m ng madaling araw ang oras ngayon, Si Daniel may inaayos 'don sa loob ng office nito'ng coffee shop. tas si Louisa naman, dadaanan na lang daw nila kath since on the way naman yung subdivision nila Louisa galing sa subdivision nila kath papunta dito.




"nakilala na ba ni kirsten si kath?" tanong nung tao na nasa likod ko. ah basta ako busy sa cellphone ko :3




di ko siya pinansin.




"Hui *kalabit sa balikat* babe *kalabit sa balikat*" basta busy ako.




"Hindi pa" si tiffany na ang sumagot for me.




"so mamaya pa lang?" tanong na naman ni Dieg's pero kay tiff's na yan nagtatanong. wala naman ako narinig na sagot from tiff's siguro tumango lang siya.





After 30 minutes of waiting, dumating na rin si kath and Louisa. hinintay namin si Daniel matapos sa kung ano'ng ginagawa niya sa office ng coffee shop. may iniiwan kasi siyang mga habilin sa mga empleyado nila habang kausap sa skype si Tita Karla.






Palitan si Diego and Daniel sa pag-dadrive kaya nasa harap silang dalawa. si kath and tiffany sa likod namin tas kami ni Louisa sa likod nila. Sobrang luwag nga eh. sana kasi yung innova na lang ginamit namin.






"mabait naman yung sister ni Pj kahit na minsan laging naka-irap at naka-taas ang kilay 'non samin ni Daniel. basta mabait 'yon kahit malditang mangkukulam ang tawag ko 'don" kahit may ear phone na nakasalpak sa magkabilang tenga ko at nakikikinig ako ng music naririnig ko yung usapan ni kath and Tiffany. Binibigyan siguro ni Tiff's si kirsten ng konting info kay kath. ang sweet lang nilang magkapatid.






Nung bday kasi ni Pj umuwi na rin kami after ng game na 'trip to jerusalem' mahirap na rin kung mag-stastay pa kami 'don. mahirap for Louisa 'cos she's preggy. for kath 'cos she can't walk. for Daniel baka malasing kung biglang magka-yayaan ng inuman. Remember the last time na nag-party kami? Di siya naka-uwi ng bahay diba?







Dahil we went home after the super fun game na 'yon, di na nakilala ni kath si kirsten. kasi according to kirsten nagising siya, kaaalis lang daw namin. Hindi rin natuloy yung planong 'sleep over' namin kasi pina-uwi si kath ni ate monique sa kanila pero si Louisa sa bahay na namin nila Daniel natulog.






Now, we're going to Zambales. Ininvite kasi kami nila Pj na mag-vacation 'don and dun na mag-holy week.





Pag-labas namin ng NLEx na stop kami sa gasoline station para bumili ng water, magpa-gas and magpalit si Diego and Daniel, si Dieg's na muna driver namin.



~




Nagising ako dahil sa ingay ni Tiffany at Louisa. Pagmulat ko ng mata ko, nasilaw ako sa liwanag pero biglang may nagtakip ng mata ko, naramdaman ko na iniba niya yung direction ng head ko from left to right. then pagka-alis ng kamay niya sa kanya na ko naka-tingin.





kahit di na niya alisin pagkakatakip ng kamay niya sa mata ko, alam ko naman na siya 'yon. Kamay pa lang at Amoy pa lang. Diego na.





Pag-tingin ko sa harapan ko, kung san nang-gagaling yung ingay. Si Tiffany at Louisa busy sa paglalaro sa Ipad. Lumipat pala si Louisa sa harap, kaya pala maingay. tas si kath naman nagbabasa ng libro.




Tumingin ako sa labas ng bintana at bigla naman nag stop yung van.




na-inlove ako sa magadang view na nakikita ko




Ang ganda ♥.♥



Ang ganda ng Beeeaaaaccchhh. medyo tanaw kasi.




"antok ka pa?" tanong sakin ni Diego. ngumiti lang ako. inoffer niya sakin yung kamay niya kaya hinawakan ko naman. tas ayun inalalayan niya ko bumaba ng Van. Medyo maglalakad pa kami ng konti papunta ng beach house nila Pj.  Buti na lang may cemented part na daanan papunta sa beach house kaya hindi nahirapan si kath. (kasi diba naka-wheelchair siya)





Naka-salubong na namin sa daan papuntang beach house si Pj. Agad naman niya tinulungan si Tiffany kath.





"Wait lang ha, tatawagin ko lang si Kirsten" sabi ni Pj nung madala na niya yung meryenda namin. Lumabas siya saglit.





maya-maya naka-rinig na kami ng nag-rereklamo




"Teka nga kasi kuya! ang dungis ko kaya, pwedeng maligo muna ko!"





"ang arte mo naman! bilisan mo na kasi para makilala mo na yung sister ni Nicole"





para kaming nanonood ng theater play at hinihintay lumabas yung bida, pano ba naman kasi lahat kami nakatingin sa pinto.





maya-maya nakita na namin si Pj, yung isang kamay niya naka-hawak sa pinto tas yung isang hawak yung kamay ni kirsten. Nag-hihilaan yung dalawa.





"Kirsten, isa! wag ka na makipag-hilaan pa! kapag ikaw binitawan ko, bahala ka!"






"Fine! eto na!" pansin ko madumi yung kamay ni kirsten na hawak ni Pj.






"Hi!" mabilis na sabi ni kirsten nung nagpakita siya samin sa may pinto sabay tago sa likod ni Pj "kuya kasi naman eh!" nahihiyang maktol ni Kirsten.





"nakipag-laro kasi 'to 'don sa likod ng habulan ---ARAY! wag ka nga mangurot! di ko na sasabihin sa kanila"





"Maliligo na muna ko kuya" sabi ni kirsten na nagtatago pa rin sa likod ni Pj.





"Osige maligo ka na kasi ang baho mo! Sumama kasi si Kirsten sa bayan para mamili kaso nadulasiyasaputikan" mabilis na sabi ni Pj pero naintindihan namin. Lahat kami nagtawanan






"Kuya ang daldal mo!" sigaw ni kirsten kay Pj






"ba't ka ba nahihiya? Di kaya nila kayang gawin yung ginawa mo kanina sa bayan Hahah" natatawang sabi ni Pj sa kanya "kaka-iba talaga trip nito'ng kapatid ko eh" sabi ni Pj samin habang natatawa pa rin.





"maliligo na nga ako!" umalis na siya sa pagkakatago niya sa likod ni Pj kaya kita na namin siya. Naka-white t-shirt siya na di naman fitted and medyo makapal yung tela tas naka-maong short siya may mga dumi siya ng putik sa damit tas yung paa niya maputik rin, mukhang tuyo na. Yun nga lang di namin makita yung mukha niya kasi nakatakip yung kamay niya. Papasok na sana siya ng bahay kaso nagsalita si Pj






"Kath, si kirsten nga pala. yung kapatid ko" pati pag-papakilala ni Pj kay kath kay kirsten natatawa pa rin siya.






"Hi kath!" sabi ni kirsten. sumenyas ng 'shhh' si Pj. tas dahan-dahan siyang lumapit kay kirsten






Bigla niya na hinawakan at tinanggal yung kamay ni kirsten na naka-takip sa mukha niya.






Puro putik rin pala yung mukha niya, kaya pala tinatakpan.






Pero imbes na sumigaw or magalit siya sa ginawa ni Pj para siyang napako sa kinatatayuan niya.






Di ko alam kung napansin ng iba or ako lang, pero nakatingin siya kay kath.





Hindi ba niya alam or expected na di na nakakalakadd si kath? Kasi kung makatingin siya kay kath parang nagulat siya.





For sure naman, alam niyang si kath ay yung dating gf ni Daniel at kapatid ni tiffany diba?





"Kath, this is my sister Kirsten" hinakbayan niya si Kirsten at mahinang kinurot sa pisngi "mabait ka naman diba?" tanong ni Pj kay kirsten.






dahan-dahan tumingin si kirsten kay Pj at ngumiti "Depende" sabi niya tapos tumingin ulit siya kay kath at ngumiti.





"Sige, maliligo na muna ako" paalam ni kirsten.



Parang feeling ko may something

kasi

kung ano ang reaction ni Kirsten, ganon din si kath?

Hmmm...



Kirsten's Pov




"Please leave a message after the tone" I ended the call, tas triny ko tawagan ulit.




"Argh! Please answer the phone!. Please answer the phone!" mahinang sabi ko sa sarili ko habang na-dungaw dito sa veranda ng beach house.



"Please leave a message after the tone" na naman?!




sayang na load ko sa machine/operator na 'to e!





I ended the call and triny ko tawagan ulit for the nth time.




*ring...ring... ring... ring... ri-------





"Ay unggoy na palaka!" sigaw ko dahil sa sobrang gulat ko.





"Grabe naman, unggoy na nga palaka pa?"





huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya





"bat ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko sa kanya nung humarap ako sa kanya.





"Wala lang" matipid niyang sagot. napataas tuloy ng kusa yung isang kilay ko. sumandal siya sa railings ng veranda tapos tumingin siya sakin "oh yung kilay mo na naman" sabi niya. Inirapan ko na lang siya.





"kanina pa kita tinetext, busy ka pala. sino ba tinatawagan mo?" kita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa phone niya "wala namang missed calls na galing sayo" bigla ako napatingin sa kanya.





"HAHAHA! Puso mo" umayos siya ng tayo at umalis na rin sa pagkakasandal sa railings ng veranda. Bago niya ko lagpasan may binulong pa siya sakin





"malaglag.... sakin" dagdag niya





"kapal mo ha!" tulak ko nga siya.





"Joke lang naman! Basahin mo text ko ha"






Pag-tingin ko sa phone ko, grabe lang! Siya na. Siya na madaming text.





30 text messages lang naman ang galing sa kanya.





"Padilllaaaaaaaaaaa!" sigaw ko ng mabasa ko lahat ng text niya




***

Miii Loves,

Comment Please ♥ Vote if you think this chapter deserves you vote.

THANK YOU SO MUCH MIII LOVEES! sa Lahat ng support ♥