C H A P T E R 21

Começar do início
                                    

"Uh, I just want to tell you that you did a good job today."

"S-saan Demunyo? Sa futushoot o sa pagtogun ku sa halik mo sa aken?" diretsahang ani Lukrecia.

Mr. Lee chuckled. "Both."

Napaatras si Lukrecia nang maraning ang sinabi ni Mr. Lee.

"Since you did a good job today, ide-delay ko muna ang shoot mo for the advertisement. You can go wherever you want. If you want, puwede kang magpunta ng Gensan at bisitahin mo ang parents mo."

"Oki."

"Okay. Good night."

"Oki."

Nagsara muli ang pinto.

Tulalang naiwan si Lukrecia. Nakaawang ang bibig. Namamaga ang mga labi. Nahihirapang huminga ng maayos.

MEANWHILE, pagkasara pa lang na pagkasara ni Mr. Lee sa pinto ng kuwarto ni Lukrecia ay napasandal na siya sa pader dala-dala ang camera niya na may mahabang lente. Katulad ni Lukrecia ay kumabog din ang puso ni Mr. Lee kanina. He felt it. Ramdam ng bawat ugat ni Mr. Lee ang malakas na bugso ng dugong binubuga ng puso niya kanina.

"What did I just do?" inis ngunit mahinahong ani Mr. Lee. Bahagya niyang kinuyom ang kanang palad niya at maya-maya pa ay naalala niya bigla ang halikang naganap sa kanilang dalawa ni Lukrecia.

Alam ni Mr. Lee na dala lang ng kalasingan ang nangyari sa kanilang dalawa ni Lukrecia kanina pero bakit noong hinalikan niya si Lukrecia ay bigla niyang nakita si Thalia sa pagkatao nito? Like waves, memories of Thalia splash on Mr. Lee's mind of shore. Naalala niya bigla iyong araw na kinuhanan niya rin ng mga pictures si Thalia ay may nangyari rin sa kanila. Ngunit hindi kagaya ng nangyari sa kanilang dalawa ni Lukrecia, eh mas malala pa ang nangyari sa kanilang dalawa ni Thalia.

Nagtungo si Mr. Lee sa kuwarto niya at inilagay sa kama niya ang camera niya. Naghubad siya ng damit niya at naligo sa shower room para mahimasmasan.

The lucky water from the shower immediately run off on Mr. Lee's body. Maligayang-maligaya ang mga tubig na iyon na dumaloy sa bawat parte, bawat pecs at muscles ni Mr. Lee. Iyon ngang ibang mga tubig ay parang ayaw ng umalis sa katawan ni Mr. Lee.

Sa kalagitnaan ng pagsha-shower ay naisandal ni Mr. Lee ang kanang kamay sa pader ng shower room. Bigla siyang napayuko habang umaagos sa kaniyang buhok ang malamig na tubig.

In a very sudden moment, biglang kumibot ang mga labi ni Mr. Lee at maya-maya pa ay bukod sa ingay ng pagbugso ng shower pump ay napuno ng hagulhol ang shower room na iyon.

Hindi alam ni Mr. Lee kung dahil ba sa hindi pa rin siya nahimasmasan sa kalasingan niya ngayon o dahil ba nami-miss niya siya talaga ng lubos si Thalia at napahagulhol siya ng ganun katindi. Both?

SA KABILANG kuwarto, parang pusang tinanggalan ng matres si Lukrecia nang panay ang pag-ikot-ikot niya sa hinihigaang kama. Nasa kamay niya anf cellphone niya. She wanted to text Mr. Lee para sabihin na kung pwede ba silang mag-usap ulit.

:MR. LEE HINDI KU ALAM KUNG PAANO PUNTA GENSAN, PUWEDE BA SAMAHAN MU AKU BUKAS?

"Parang may mali sa text ku," she uttered at nag-retype ulit siya ng bagong message.

:ME. LEE, SAYANG ANG PIRA KU KUNG IBAYAD KU SA BUS, PWEDI BANG SUMAKAY NA LANG ANG SA CHOPPER MO?

"Ang kapal naman ng mokha ku," aniya at nag-retype ulit at nang mapagod siya ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

BANDANG alas tres nang madaling araw kung saan ay naglalaway si Lukrecia ay kasalukuyang namang nagba-bar si Mr. Lee. Girls are dancing around his table. He's drunk at tatlo na ring bote bg beer ang solo niyang nainum.

Lugmok ang kaniyang mga mata at wala na rin siya halos kaniyang sarili. At sa bawat pagtungab niya ng alak ay isa lang talaga ang naalala niya...

Si Thalia.

KINABUKASAN ay mabilis na nag-impake si Lukrecia ng kakarampot niyang mga gamit. Naligo rin siya saglit, nag-agahan at nang matapos ay dumiretso siya sa bus terminal.

Excited siyang sumakay ng bus dahil sa loob ng 12 years ay makikita niyang muli ang mga magulang niya.

Magiliw na pinapasadahan ni Lukrecia ng tingin ang mga dindaanan lalo pa't nasa may gilid siya ng bintana. Masayang-masaya siya noong una pero makalipas ang ilang oras ay nagsimula na siyang magtaka.

6:39 AM siyang umalis sa hotel at anong oras na ba ngayon?

"2:48 PM.." Lukrecia muttered pagkatapos niyang tignan ang relo niya. She's sure na medyo malayo ng kaonti ang Davao sa Gensan pero hindi naman yata siguro aabutin ng ganito katagal.

"Koya, asan na pu tayo papunta?" tanong ni Lukrecia sa kondoktor.

"Ahh Ma'am, chill lang po kayo. Malapit na po tayo sa Tawi-Tawi. Pagkatapos nito, sasakay na po tayo ng barko."

"Ano kamu? Tawe-Tawe? Tika? Ginsan 'yung usapan ah?"

"Ma'am, hindi po pang-Gensan ang sinakyan niyo. Pang-Tawi-Tawi po itu."

Biglang nataranta nang wala sa oras si Lukrecia at kamuntikan niya pang maibato sa labas ng bintana ng bus ang cellphone niya nang kunin niya ito para humingi ng saklolo kay Mr. Lee.

"Demunyo? Helu?"

"Yes Lukrecia? Are you crying?"

"Demunyo tulong! Nawawala aku. Papunta naman aku ng Tawe-Tawe. Lagpas na yata aku ng Ginsan..." humahagulhol na ani Lukrecia at nang dugtungan pa sana ang sasabihin ay biglang nalaglag ang telepono niya sa bintana nang ang sinsakyang bus ay dinaanan ang kalsadang may punong santol  sa gilid kung saan ang mga sanga ay lumusot sa bintana na naging dahilan upang malaglag nga ang telelepono ni Lukrecia.

"DEMUNYOOOOOH!" umiiyak na ani Lukrecia nang makitang nasagasaan ng isang bulldozer ang telepono niyang nakahilata sa daan.

* * *
NOTE: Hi guys? If you're enjoying my stories, you can also buy my published books at National Bookstores. As of this date, September 13, 2017, I have two titles published nationwide, 'Best Short Stories of the Year 2016' and 'Alas Tres' na ni-launched sa Manila International Bookfair sa araw na ito at magiging available raw siya sa mga suking NBS sa month na ito. Salamat! Support local books! :D




       

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Onde histórias criam vida. Descubra agora