x24: 'TROUBLED' to 'IN-TROUBLE'

[CJ's PoV]

"DADDY!!!!"

AW. Gusto yata ko mabingi nitong si Andy?? Kung makatawag kasi, PASIGAW. Buhat-buhat ko pa naman sya ngayon habang pababa kami ng hagdan.

Buti na lang ang sarap pakinggan ng boses nya, especially when he calls me DADDY.

"Yes baby?" I asked him as I put him down.

"Pwede pa ko mag-play po sa living room po??"

"Sure. Basta wag ka na magpapawis huh? Pauwi na si Mommy eh."

"YEY!!! PAUWI NA SI MOMMY!!!" at tumakbo na sya sa may sala. Tss. Parang kakasabi ko lang na wag magpapawis ah? Kakahilamos ko lang sakanya eh.

Oh well.. Bata eh.

Nagpunta na lang akong kusina para hugasan ang pinagkainan namin ng dinner.

Whole day kong binantayan si Andy ngayon kasi wala akong pasok sa school. And since buong araw ko sya kasama, Adrian wasn't able to stay here like he has been doing lately.

Pumunta kasi yun dito kaninang hapon. He was supposed to babysit Andy pero dahil nga nandito ako, umalis din sya agad. Wala pa nga yata syang 10 minutes na nandito eh? All he did was talk to Andy a little and treated him some snacks dun sa may tindahan sa tapat then ayun, umalis na sya.

*BUGSHH!!!*

What the?? Tunog yun nung screen door na parang binangga ah??

"WAAAAAAAAHHH DA.. *sob* DADDYYY!!"

OH SHIT.

Mula lababo ay napatakbo ako kay Andy. He was sitting on the floor next to the screen door. Umiiyak sya habang hawak ang noo nya.

"ANDY! WHAT HAPPENED?!" binuhat ko sya't chineck ang noo nya. Namumula yun.

"BI.. *sob* BINANGGA AKO NG.. *sob* NG DOOR PO!! WAAAAH"

"HUH?? Binangga ka ng pintuan?? Ehh shhh wag ka na umiyak."

Itinayo ko sya sa isang dining chair sa may kainan at madali rin akong gumawa ng ice pack. Nilagay ko yun sa namumulang parte ng noo nya habang patuloy sya sa pag-iyak.

"DA.. *sob* DADDY!! ANG BAD.. *sob* NG DOOR PO!! WAAAA" >O

"SINONG BAD, BABY??" oh that was Rachel. Nakauwi na pala sya nang di ko namamalayan. "What happened to you??"

May nilapag sya sa mesa na plastic bag ng McDo then lumapit sya samin.

As always, she's just calm when these kind of things happen to her baby. Sanay na sya kasi napakalikot talaga nitong si Andy.

"Eh?? Binangga ka ng door?? Hahahaha.." see? Tinawanan nya lang ang paliwanag sakanya ng anak nya oh. "Don't worry baby. Papagalitan ko ang door na yun mamya. Ang bad nya, sinaktan ang baby ko.."

Rachel patted Andy's head and wiped his tears away. Napatahan nya agad si Andy just by doing that.

"Sorry Mhie, that was my bad." I told Rachel. "Nasa kitchen kasi ako at..di ko sya nabantayan nang maiigi.."

She looked at me with a sweet smile. "It's alright.."

That's smile.. Mukhang naka-move on na sya mula sa mga nangyari kahapon. I'm very glad na sumaya na rin sya ulit. But I wonder..nakapag-usap kaya sila ni Adrian??

To tell you the truth, nagi-guilty ako sa ginawa ko kagabi. I may have this strong feeling na TAMA ang ginawa kong pagbura sa text ni Adrian kay Rachel but still I can't help to feel guilty and SCARED. Paano na lang kung malaman ni Rachel na nagtext pala si Adrian kagabi pero wala naman syang nabasa tapos ako lang ang nangalikot ng phone nya? Baka...arghh.. Ewan.. Ang sakit lang sa ulo isipin nun..

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!