SHOT FIVE [Edited]

23.2K 366 21
                                                  

SHOT FIVE [Edited]

*Ding dong*

Umagang umaga may nagdodoorbell. Si Dj kaya yun? Pasimple akong nangiti. Dont tell me nandito sya para bisitahin ako. Waaa. Naghilamos at nagtoothbrush agad ako. Nagbihis na din. Jusko kailan ba ako nag aaligaga ng ganito. Para lang kay Dj. Hay!!

Bumaba ako mula kwarto na sobrang exited. Hinayaan ko muna ang tulog na si Kate.

Pagbukas ko ng pinto. Di ko alam kung matutuwa ako madidissapoint. Nawala ang ngiti ko. Sila Sofia Khalil Katsumi at Shaine pala.

"Oh anong mukha yan Kath?  Di ka ba masayang makita kami?"  Pout na sabi ni Katsumi.

"Ah di noh. Uhm kayo pala? Pasok kayo"  bawing aya ko sa kanila. Kunwaring yawn ko at kumamot kamot sa ulo. Halata ba sa mukha ko ung dismaya. Akala ko kasi talaga si Dj eh.

"No, di naman kami magtatagal, may sasabihin lang si Shainesabi ni Sofia. Tumango tango lang ako.

"Tanghali na ah. Ngayon ka lang nagising? Pero in fairness. Bihis na bihis kanapansin pa ni Khalil itsura ko. Nangiti na lang ako.

"Gusto ko lang sabihin na may outing taung magbabarkada kasi birthday ko sa susunod na arawmasayang sabi ni Shaine. Oo nga pala malapit na birthday niya.

"That would be a lot of fun. Right babe"  simpleng hinalikan ni Katsumi ang pisngi ni Shaine at umakbay pa. Hay ang sweet ng magjowa na ito.

Si Sofia at Khalil may gusto yan sa isat isa kaso Torpe at Pakipot ang isa. Hay bahala sila sa Lovestory nila.

"Kath sama ka"  sabi ni Khalil

"Sure, I would love to be there" masaya kong sabi. Finally makakapaggala gala na ako.

Tatanggi ba ako syempre hindi masaya yun.

"Kasama nga si Dj" nagsmirk pa si Katsumi. Na ikinataka ko.

Sa totoo wala pa silang alam tungkol saamin ni Dj at hindi ko muna ipapaalam. Tsaka gusto ko munang makausap si Dj.

"Oh sya uuna na kami. See yah tomorrow ah"  sabay tapik ni Shaine saken. Nag wave sila saken.

"Bye!!!!"  sabay sabi nila at umalis na. Napasandal ako sa pintuan. Pede naman nila itext saken eh. For sure walang mga load yun.

Nagutom bigla ako. Kaagad ako nagtungo sa kusina at maghahanda ng breakfast. Pagbukas ko ng ref. Napalaki mata ko.

"Oh shoot!"  Bulalas ko. Wala na pala kaming stock. Geez. Wala talaga akong maluluto. Kahapon pala naubos ko na nung dito nagbreakfast si Dj. Nawala sa loob ko na magrocery. Tsaka di rin ako nakapagdinner dito. Tinignan ko ang aparador sa taas. May nakita akong dalawang box ng cereals. Pwede na toh. Lamang tyan na rin.

"Kate gising!"  tawag ko. Hay tulog mantika na naman yun. Niyugyug ko na sya.

"Kath naman tulog pa ko eh" yamot na nakangusong at nagmumutang na sabi ni Kate.

Bestfriend WITH Benefits • Kathniel [COMPLETED] {Under Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon