" Ah-aah.. ehh. Pwede bang paraanin mo na ako? Malelate na kasi ako eh. " di ko pinansin ang sinabi nya.

" Di mo ba narinig sinabi ko? " tanong nya.

" Ah eeh.. Kasi ano.. pero.. paraanin mo na ako.. Male-late na kasi ako eh. "

" Kung magiging mapilit kang makadaan dito, hahalikan kita. "

Juskoday! Ano ba to?

Lumapit sya sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa napasandal na lang ako sa pader. Nakorner na nya ako! Itinukod nya ang dalawang kamay nya sa pader kung saan pinagitnaan ang katawan ko.

Unti unting nilapit nya ang mukha nya sa akin.

Binaling ko ang ulo ko sa kaliwang direksyon para di ko makita ang mukha nyang napakalapit.

Nagsalita sya. 

" Isa lang naman gusto ko eh ang pumayag kang makadate ako at kung mapilit kang makaalis dito, hahalikan kita. "

Ang ganda ng option na binigay nya! Wala akong mapagpipiliang matino.

" Ano? Iniintay ko ang sagot mo, Courtney! " nung nagsalita syang muli. Ramdam ko ang hininga nya sa mukha ko.

Alam kong sobrang lapit nya na sa akin.

Magkamali lang akong galaw, mahahalikan nya ako.

Nanginginig ako. 

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Anong gagawin ko?

" Kung di ka papayag, hahalikan rin kita. "

Ang ganda! 

Ang ganda talaga! Binibigyan nya ako ng pagpipiliang mahirap pumili. >_<

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now