Trigger 23 - Part of the deal

1K 26 0
                                    

[Edited Ver.]


Part of the deal



Belle's PoV :

National Book Store


We've been here for more than three hours and all she had bought were pocketbooks. Iyong PHR na may kabayo ang nasa pinaka-front ng book. Sinusundan ko lang naman siya, minsan tumitingin-tingin rin ng mga libro, ganoon rin si Therbie na kasama namin. Nag-prisinta siyang sa kanya na kami sumakay kaya pumayag na rin ako. Tinatamad akong mag-drive e. 

At dahil kasama namin si Selene, mas lalong naging alerto ako sa paligid dahil baka may nagmamanman sa amin ngayon, mabuti na ang handa. Naka-strap ang baril ko sa hita sa ilalim ng paldang suot ko at hindi naman ako nag-alala na ma-detect sa entrance ng mall na ito ang baril dahil protektado naman iyon.

Selene: "Tapos na! Oh, saan na tayo next? Ay, parang gusto ko ng coffee jelly. Sa Starbucks tayo!"

Belle: "Meron pa? Hay."

Therbie: "This is actually fun."

Belle: "Sige i-encourage mo pa. Tss."

Therbie: "Hehe. Ah, teka, Selene! Pa-libre naman ako ng ice americano! Thanks!"

Selene: "Okie-dokie. E sa'yo, Belle?"

Belle: "Frappe. Make it fast."

Selene: "Yes, ma'am!"

Napailing lang ako sa tinuran niya. Naupo kami sa isang bakanteng upuan. Hindi ako kumikibo kay Therbie dahil nakakaramdam ako ng pagkailang sa kanya, pagkatapos ng pagsigaw ko sa kanya kanina. 

Therbie: "Belle.. g-gusto ko sanang mag-sorry."

Belle: "For what?"

Therbie: "For.. letting Selene know about the truth. Alam kong hindi mo gustong idamay siya o ang kahit sino sa kanila. Pero naisip ko lang naman ang lungkot na maidudulot sa'yo noon."

Belle: "Wala na iyon, Therbie. Sa totoo lang, imbes na mag-alala ako ng husto, mas nakahinga pa nga ako ng maluwag at naging maginhawa ang kalooban ko dahil finally, I can speak my heart out to someone. Suppressing ones feelings can be suffocating, you know?"

Therbie: "I know that feeling. I definitely know."

Ano raw? Ah, siguro dahil may tinatago rin siya sa family niya. Pero para kasing may ibig pa siyang sabihin sa sinagot niya e. Hindi ko na lang pinansin iyon at sakto namang dumating si Selene at tumunog ang cellphone ni Therbie.

Hindi na rin lumayo ito noong sagutin ang tawag. Naglalakad na kami palabas ng mall at papuntang parking lot.

Therbie: "Hello?"

Boss: *Therbie, I heard what you did. Pwede bang pumunta kayo ni Trigger dito? And bring her friend, Selene here.*

Therbie: "Yes, Boss."

Napalingon ako sa kanya noong marinig ko kung sinong kausap niya. Noong binaba niya ang phone at tiningnan ako ng makahulugan, alam ko na ang ibig ipahiwatig noon kaya hinawakan ko na ang kamay ni Selene at nagmamadali kaming pumunta sa sasakyan.

Selene: "Oy, bakit nagmamadali tayo? Ine-enjoy ko pa ang coffee jelly ko e."

Belle: "Part of our deal ay ang isama ka sa working place ko 'di ba?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon