Chapter 19: Right Turn, Maybe?

437 14 12
                                    

CHAPTER 19

[Right Turn, Maybe?]

Kapag may sinabihan ka na kung sino crush mo... para palang siyang bacteria na nagmumultiply nang di mo nalang mamamalayan.

Chain reaction na kasi 'yun...

Pero sa kaso ko... hindi naman si Alora yung may kasalanan.

*******************

Hindi parin kami nagkakabati ni Vince, anong petsa na??? Monday na ulit ngayon. So, oo, hindi nga kami nag-usap nung Friday, Saturday at Sunday. Hindi na nga ako napapadaanan ng mga GM niya, o baka hindi nalang talaga siya nag-gGM mula nung away namin. 

Lecheng pride kasi yan! Mataas yung kanya, mataas din yung akin. Ako pa naman si shy type. Pano na kami magkakabati niyaaaan?

Edi ayun, nagpatulong na ako kila Alora kung anong gagawin ko tungkol kay Vince. Not really nagpatulong, pero binring-up ko yung topic na yun.

"Grabe. Hindi parin kami nagkakausap. Anong petsa na???"

"Sino? Si ano ba?" -Alora

"Hindiiiii. Si bespren ko."

"Bakit ba hindi pa kayo magbati?" -Janelle

"Ewan. Walang nagkukusa." -Dianne

"Sino ba may kasalanan sa inyo?" -Alora

"Wala. Siya naman kasi OA eh. Napalaki ang maliit na awayan."

Pwede naman kasing intindihing di ako makakasipot sa usapan namin diba?? Pwede namang, "Sige, next time nalang", kesa sa "Bahala ka nga dyan!". Ang OA-OA niya kasi kung minsan eh. Ito lang yung ayaw ko kay Vince. OA siya! Kahit sa simpleng awayan lang, napapalaki pa.

"Yun naman pala eh! Hintayin mo siyang makipag-usap sayo.

Siya yung may kasalanan nyan eh!" -Janelle

"Hindi ka rin naman matitiis nun eh. Pramis." -Alora

ANONG PETSA NA NGA?????? Natitiis niya akooooo. Huhuhu.

"Teka, alam ba niya yung ano mo?" -Alora

"Hindi. Ikaw palang kaya."

"Ano ba yun?" -Janelle

"Sabihin mo na kaya? Hindi niya naman yata yun magiging crush eh." -Alora

SABIHIN KO NA RIN KAYA KAY JANELLE??? Hindi ko alam eeeeh! Porke't ba bumabait na itong echoserang 'to, ipagkakatiwala ko na agad kung crush ko sa kanya??

"Sino ba crush mo?"

O____________O

Uhmmm.... si.. ano... EWAN!

"Si Randel."

Imagination ko lang ba 'to? Sinabi ko na nga ba sa dati kong "karibal" kung sino yung crush ko??

Awwwwshet. Sinabi ko na nga! >______<

Hindi ko alam kung bakit ko lang biglang nasabi pangalan ni Randel. Pataaaaay, wala nang bawian 'to... 

BAHALA NA NGA TALAGA SI LORD! May dahilan naman siguro kung bakit ko nasabi 'to.

Natatakot ako... may nakarinig ba???? Shemaaay, ang OA-OA ko talaga! Naka-isolate naman kaming tatlong nag-uusap sa corridor, kaya nothing to worry about sa mga kaklase ko.

"Talaga? Sabi ko na nga ba eh!" -Janelle

So, HALATA ako? Ganon?

"Bakit? Alam mo talaga?"

"Hindi. Feeling ko lang.."

"Naging crush mo ba siya?"

"Hindi. Wala naman akong crush sa Calvin eh."

Wew. Landian lang pala talaga yung paglapit-lapit niya kay Randel noon? Sabi ko na rin nga ba!

"Nakakatext mo ba yun?" -Janelle

"Minsan lang, bakit?"

"Wala.. hindi niya kasi ako nirereplyan eh."

"Ako rin naman minsan. Hindi mahilig magtext yun."

"Baka nga.."

"Wala nga yun dinadalang cellphone sa school eh."

ABA ABA, alam na alam ko talaga! Hindi ko rin naman talaga siya nakikitang may hawak-hawak na phone niya. Pero isang beses nung English time, nakita ko na itsura nung phone niya! Nokia yata yun na mababang model lang. Nakita kong nilabas niya sa bag niya tas may tinext siyang tao. Malay ko naman kung sino yun diba?

Oo, pwede nga naman kaming magdala ng gadgets sa school... Huwag mo nga lang gagamitin tuwing class hours nang di kailangan, pero syempre nakakapuslit rin kami minsan nang gamit. >:)

"Teka, may Calvin pa ba sa labas?" -Dianne

"Wala na! Hala, wala pa akong footrugs!"

Pumunta na muna kami sa locker area para samahan si Janelle kunin yung footrugs niya. May "No footrugs, no entry" policy kasi doon sa ICT lab. ICT next subject namin, you see. Ang layo pa naman ng lockers namin! 2nd floor yung ICT lab, tapos 3rd floor yung lockers. Wew.

"Gusto mo palit nalang tayo partners sa ICT?"

"Oo nga pala, partner mo crush nya." -Alora

"Hindi, wag na nuh! Bawal rin kaya."

"Bahala ka. Sinasabi ko na nga sayong magpalit tayo eh."

Tsk. BAWAL NGA EH! Kahit ba gustuhin kong maging kapartner si Randel, hindi rin naman pepwede! Bawal kayang magpalit ng partners. Kahit ba ako lang din yung gumagawa ng project namin ni Kyle, ok lang. May pagka-control freak din si Randel eh, kaya wag nalang... Masaya na ako kay Kyle.

Galing ko nuh? Ako lang gumagawa ng project namin. Edi anong ginagawa ni Kyle? AHAHAHAHA. Panakip-butas ko siya. =)) Para lang makita ni Ma'am na may ginagawa kami kapag nasa ICT lab, si Kyle pinapagawa ko, tapos gagawin ko nalang ulit sa bahay. Wahahahaha! Mas madali kaya kapag ganon. Natanong ko na rin siya eh, ako nalang daw bahala sa itsura, basta daw may project! xD

Hindi kasi kami nagpalit ng partners nung 2nd quarter. Related daw kasi yung topic ng 1st at 2nd quarter, kaya i-eedit nalang daw namin yung project namin nung 1st quarter para sa 2nd quarter. 

"Sorry Ma'am we're late..."

"Sige sige, dalian nyo!"

Buti nga pinapasok parin kami ni Ma'am eh. Minsan kasi parang akala mo palaging nireregla si Ma'am, kaya lagi nalang mainit ang ulo. Hahahahaha! [A/N: Can't believe I just wrote that. *o*]

Pumunta na ako dun sa pwesto ko, tas binubuksan palang ni Kyle yung computer namin. Hindi naman kami sobrang late nila Alora eh. Kakasimula palang nung klase.

Ayun, pinagawa kami ulit nang activity ni Ma'am. Blah blah blah. Skip na natin 'yun! Boring lang eh.

Hindi ko parin talaga mapigilang mapatingin kila Randel at Janelle. Hindi na dumadalas-dalas yung paghaharutan nila, hindi tulad dati eh. Pero syempre, may "selos factor" parin ako sa kanila... Pano kaya pag sinabi ni Janelle kay Randel na crush ko siya??? GRABE HINDI KO KAKAYANIN YUN! Ano ba yaaaaan. Pero hindi naman siguro... hindi naman yata ganong tao si Janelle. Well... sa pagkakakilala ko sa kanya.

"Nakakatext mo ba yun?" 

"Minsan lang, bakit?"

"Wala.. hindi niya kasi ako nirereplyan eh."

Inuulit-ulit ko parin sa utak ko yung sinabi niya kanina... Ibig sabihin lang nun ay tinetext niya rin si Randel, pero hindi naman siya nirereplyan. Pero wala daw siyang crush dun? Tama naman yata hinala ko diba? Tinetext niya si Randel!!!

Ikaw naman Dianne oh... Normal lang yun kung tinetext ni Janelle si Randel... malay mo ganon lang siya sa lahat ng lalaki sa Calvin.

Ano 'yun? Konsensya ko?

ABA, EWAN! Tignan nalang natin kung anong susunod na mangyayari... Sa tingin nyo ba, may crush nga talaga si Janelle kay Randel? O baka sadyang OA lang ako...

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon