Wizard's Tale 1: Chapter 27

168K 4.7K 1.2K
                                    


(Alyanna POV)


"Hi Brylle!" Sabado ngayon, walang pasok. "Good morning!"

Pero hindi pa rin niya ako pinapansin! Tinalikuran pa ako! Ang sungit lang, halatang walang planong makipag-bati!

Eh ano ba kasing kasalanan ko sa kanya at galit siya? Patuloy pa rin naman akong tinutulungan ni Vander na magkabati na kami ng Master niyang sumpungin. Kagabi ko pa talaga pilit na sinusuyo si Brylle pero matigas talaga!

"Wag na wag na wag kang susuko."

"Ang hirap naman kasing amuhin ng Master mo!"

"Gusto mo bang malason at mamatay?" Dapat pa bang itanong yan? "Konting sagi na lang sa singsing mo, tuluyan nang magiging itim ang crystal nyan! Kung hindi ka gagawa ng paraan, baka mahuli na ang lahat!"

"Eh ano ngang gagawin ko?" Natataranta na ako.


* * *


Natapos na kaming mananghalian pero tahimik pa rin si Brylle. Feeling ko tuloy, naghihintay ako ng death penalty. Dahil kapag nagalit pa siya uli, matetepok na ako!

Paano na love life ko with Prince Dustin kung mamamatay naman ako agad? Pero ano ba naman! Nasa panganib na nga ako, kalandian pa ang iniisip ko!

Inayos ko na yung kinainan namin pero nahilo uli ako kaya nakabasag ako ng isang pinggan. "Mamahalin ang mga gamit ko sa bahay. Sa susunod, ibabawas ko na sweldo mo yan. Hindi kasi nag-iingat!"

Hindi ako nakasagot dahil nga madilim pa rin ang paningin ko. Kasalanan naman niya kung bakit 'to nangyayari saakin! Kung hindi dahil sa lintek na Bond Ring na 'to! At kinakausap nga niya ako, dinaan naman sa sermon!

"At ano namang pag-iinarte yan?"

Ang sarap lang kalubuhin nitong si Brylle! Mukha ba akong nag-iinarte?

Mabuti na lang to the rescue si Vander, "Master Brylle..." At saka niya siya binulungan.

Hindi ko nakita ang reaction ni Brylle pero malamang nakaramdam na siya ng awa dahil agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko. Pero wag munang mag-isip ng kahit na ano, tiningnan niya lang ang singsing ko.

Mukhang ngayon niya lang na-realize na ganun na pala kalaki ang impurity sa Bond Ring ko.

Ginamit ko nang pagkakataon ito para makausap siya. "Sorry ha. Kung ano man ang kasalanan ko sayo at ganyan na lang ang naramdaman mong inis o galit saakin, humihingi ako ng sorry."

Unti-unti na uli bumabalik sa normal ang paningin ko. Pero alam kong aatakihin na naman ako kapag hindi ko siya napasaya. "Bakit ka nga ba kasi galit saakin? Anong ginawa ko?"

"Wala." Sagot niya na hindi man lang tumitingin saakin.

"Bigyan mo naman ako ng chance na bumawi! Sorry na!" Tapos sinundot ko siya sa bewang niya kaya naging ewan lang ang reaction niya. "Uy sige na kasi! Sorry na!" Sinundot ko siya uli.

"Ano ba! Wag ka ngang manundot!"

"Gusto mo lumabas tayo ngayon? Punta tayong gubat! Dun sa secret hideout niyo ni Vander! Sige na! Bonding tayo! Pagsisilbihan kita, patawarin mo lang ako."

"Ayoko."

Ah ganun? "Ugh—" Nagkunwarian uli akong nahilo sa harap niya. Na-out of balance pa ako kunwari at syempre, dun ako lumanding kay Brylle. "Sige na naman Brylle, maawa ka na saakin."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon