"Ulap"

1.9K 11 0
                                    


Ika'y kaaya-ayang tingnan
Mga ngiti mo'y kay sarap pagmasdan
Dahil sayo nagkaroon ng kulay ang kalangitan
Umaraw man o tag-ulan ika'y aking nasisilayan.

Sa ulap sabay tayong maglakbay
Bawat hakbang tayo'y maghawak kamay
Tiwala sa isa't-isa ang ating gabay
Dahil sa dulo ng mga ulap may naghihintay.

Bawat buhos ng ulan katumbas ng aking mga luha
Bawat hampas ng hangin tila isang parusa
Sa madilim na gabi may naka sinding kandila
Sarili ko'y di na umaasang may darating pang umaga.

Lumipas ang maraming taon
Muling nabuhay ang pait ng kahapon
Kaluluwa'y nakisabay sa agos ng panahon
Mag-isang naglalakbay sa tubig na maalon.

Kung ako ma'y iyong lisanin
Sana'y mga ala-ala natin h'wag mong burahin
Mukha ng larawa'y h'wag sunugin
Pagkat ito'y naiwang marka galing sa atin.

Sa ulap muli tayong mag sumpaan
Sabay nating tahakin ang haba ng kalawakan
Mabigat na problema'y dapat na kalimutan
Ang sikat ng araw ang ating palatandaan.

- September 5, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon