CHAPTER 39: Part 1

571 5 0

Patchii's POV

Nakakalungkot isipin. Parang nung isang araw lang kasi masaya kaming dumating sa isla nato. Masaya din naman kaming aalis. Pero diba. Ang bilis kasi masyado>< well, wala ako magagawa. P.A lang naman ako. Sadyang napaaga talaga pag balik namin dahil sa mga nakaabang na schedule ng EXO. Miss na sila agad ng mga fans. Sabagay, kung karaniwang fans palang din siguro ako, aaraw arawin ko imessage ang official fansite ng EXO para pabalikin na sila on air. Pero ngayong nakakasama ko sila, i realized na super kailangan talaga ng EXO ng pahinga kahit konti, na tao pa din sila na napapagod. Eto nga eh, wala pang 3 days pero balik na agad kami. Dismaya itsura ng ibang members pero wala din sila magagawa. Haaaaaays kawawa naman babies ko :( kung may magagawa lang ako eh </3 pagbabakasyunin ko sila ng mahaba.

Sabihin ko nalang kaya kay Dad na bilhin ang SM Entertainment? Kaya niya naman eh. Ayaw lang daw nia talaga ng ganung business dahil masakit daw sa ulo masyado maghawak ng mga sikat na artist.

Haha as if naman na papayag ipagbili ni Lee Soo Man company nia eh ano po? Kaya mag tatapos muna ako para ako nalang bibili(determination activated)

So ito nga po, pauwi na kami. Kasama si Tarie at Yuri, nasa Van kami ni Manager Soo kasama ang EXO M.

Alangan magsiksikan pa kami sa iisang Van eh kasama naman na namin pauwi si Manager Soo.

Yung EXO K at dalawa kong kaibigan eh sa Van ni Manager Song.

Siguro nagtataka kayo di nababanggit si Caitlyn no?

Well ito nga, nabanggit ko na.

Maaga daw siya umalis dahil sa hindi malamang kadahilanan.

(Oh baka dahil sa guilty? Tsk tsk)

Nasa passenger's seat ako katabi nung Driver's seat which is si Manager.(pinandiginan ng dalawang Manager na wag mag hire ng driver para sa private vacation)

Ayan. Ito ayaw ko sa lahat eh.

MAHABANG BIYAHEEEEEEEE T______T

Mahiluhin kasi talaga ako. Hindi lang ako makakaramdam ng hilo pag tulog. As if namang makatulog ako eh tanghali na nga ko nagising kaya nadelayed ang pag uwi namin.

Kaya ito,nakakahiya man. Nilabas ko na ang bestfriend ko.

Curious?

Nilabas ko na yung bestfriend kong plastic bag.

Opo plastic bag. kulay red pa nga eh. Nilagay ko ito sa ilong ko. Dun ako humihinga sa loob ng plastic.

"Ayoooooon! Rugby girl nanaman si Patchii!" Dinig kong sabi ni Yuri. Sila kasi ni Tarie nasa second row kasama si Kris at Luhan. (Di na talaga lumayo si Kris kay Yuri. Sila na ba?)

"Hays!!parang di nio naman alam eh!" Nagsasalita ako habang nasa bibig at ilong ko yung supot.

"Grabe Patchii,Nung 9 years old ka nun na sumama ka sa outing namin nila kuya mo ganyan din gawain mo para di ka mahilo eh. Hanggang ngayon ginagawa mo pa din. Hindi talaga ako mag aalinlangang ikaw si Pepperoni Charlotte Kim!" Manager Soo

"Inborn sickness ko na yata to Manager. Kaya nga hindi ako humihiling ng kotse kila kuya eh"

"Nakakuha ako ng Idea sayo Pat! Mahihiluhin din kasi pamangkin ko eh.Isusuggest ko yang ginagawa mo! Hahahah!" Chen

"It really helps a lot Chen!"

"Manager! Kung buksan nalang kaya natin yung bintana, mahangin naman eh. Para hindi mahilo si Pat!"

*Dhuh dhug dhug dhug

Naactivate nanaman tong pagkaassumera ko. Nag suggest lang si Luhan nagfeeling na ko agad masyado >><< pero... nakakakilig lang talaga pagiging concern niya sakin <3

What is LOVE(EXO ft. GDragon Fanfic)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!