TAL. 24 -- His Annoyance

Napapangiti ako habang nilalaro ko sa daliri ko ang singsing na binigay ng asawa ko. I'm still in shock of what happened few nights ago. Akala ko talaga ako ang manonorpresa sa kanila but Daryl had a bigger surprise. Hindi ko naman akalain na kung kailan pa ako nabuntis, tsaka pa kami magpapakasal sa simbahan.

But somehow, it will be a dream come true.

"Pangiti-ngiti ka dyan? Hindi pa rin makapaniwala?" tudyo ni Chanel habang papasok sa opisina ko.

Sasagot sana ako sa sinabi nya nang mag ring ang private line ko. Lalong nanudyo si Chanel dahil alam naman naming dalawa kung sino ang maaring tumawag sa akin. "Ayan na naman ang Mister mo, sis! Isa pa yan, hindi pa rin makapaniwala na magiging Daddy na sya!"

I just stuck my tongue out at her direction before answering the phone. "Hello?"

"Hi, Mommy! How are you?" agad na lumawak ang pagkakangiti ko nang marinig ko ang boses ni Daryl.

"I'm fine, Daryl." natatawang sagot ko. Nangumusta pa talaga sya ha, eh kakatawag lang nya kanina mga isang oras pa lang ang nakakaraan.

"Oh, Daryl lang?" nalungkot naman daw ang boses nya dahil sa paraan ng pagtawag ko sa kanya.

"Why?"

"When will you start calling me Daddy? Ang sweet-sweet ng tawag ko sa'yo at ikaw Daryl lang?" nagtatampong tanong nya. Parang bata talaga mag inarte itong asawa ko!

I heard someone talking, "Ulol! Ang corny mo!" Nabosesan ko naman kaagad na si JD ang kasama ni Daryl.

"Mas ulol ka! Mind your own business, JD! Go! Leave me alone. Can't you see I'm checking my wife?"

"Fine, fine! I'll leave you now, cousin. Nakakadiri ka!"

"Bastard! Wait 'til you meet the woman who can make you do what I'm doing right now, JD! And when that time comes, I'll annoy the shit out of you, too!"

"O'rayt cousin! When the pig flies."

"Cass? Still there?"binalikan na ni Daryl ang pakikipag usap sa akin.

"Yes."

"Anyway, have you eaten? Don't forget, you are now carrying our baby, Cassy. Bawal na magpalipas ng pagkain, hindi na pwedeng unahin ang trab--"

"I know. I know. No need to remind me that, Daryl." I rolled my eyes kasi paulit-ulit na lang sya. Hindi naman ako magpapabaya para sa anak namin.

Narinig kong napabuntong hininga sya. "Okay, I love you. I'll call you later."

"Anytime." sagot ko naman. "Kumain ka na din dyan. Its almost lunch time."

"Oo. Nagpapadala na ako ng lunch sa assistant ko from the canteen."

"O-okay. Uhm.." tumahimik ako for a second, "Sige na. Bye na. Tawag ka na lang ulit." I felt uneasy, "I love you too, D-daddy." then I immediately put the phone down before Daryl can say anything.

Napapangiti akong napasandal sa swivel chair. "What's with the red face, Cassy? Feeling embarrassed because of what you just said?" nakalimutan kong nandito pa nga pala ang kapatid ko, kaya heto at nang-aalaska na naman.

"H-hindi ah." inikot ko ang kinakaupuan ko patalikod sa kanya upang hindi nya lalo makita ang pamumula ng mukha ko. Si Daryl naman kasi eh!

"Oo nga pala, sis. I came here to ask you kung kailan nyo ba balak magpakasal ni Daryl? I will help you sa pag-aasikaso lalo na ngayon na buntis ka pa. Bawal ang masyadong ma-stress at mapagod."

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!