CA 5: Welcome!!

553 44 12

Crypton Academy
By:sasuke21uzumaki
No Copyright please!!

Chapter 5: Welcome!!

"Ano? Handa ka na para bukas?" tanong sa akin ni Joan.

Nakaupo ako dito sa mini sala ng aking kwarto habang itong babaeng kasama ko ay abala sa pagngatngat ng chips.

"Ok lang," maikli ko na lang sagot sa kanya.

Tuningin naman siya sa akin at siningkitan ng mata.

"Hindi ka ba excited man lang!? May mga bago kang taong makikilala at baka makahanap ka rin ng love of your life!" napapikit na lang ako dahil sa kadaldalan niya.

Aminin ko naman na hindi ako sanay na may kumakausap sa akin ng ganito kasi nasanay ako na mag-isa lang. Walang kumakausap at pinapansin lang nila ako para pagtripan.

"Huwag na huwag mong gagawing katatawanan ang itsura mo bukas! Huwag kang maglagay ng kung ano-ano sa mukha mo, huwag kang maglalagay ng ikaiitim ng balat mo, at higit sa lahat makipagkaibigan ka dito. Sayang 'yang maamo mong mukha! Iba ang mundong ito kaysa sa mundo kung saan ka nagmula at kung ano ang naranasan mo," sabi pa niya sa akin.

Nanahimik na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko rin namang magagawang papangitin ang sarili ko kasi hindi ko nadala ang mga gamit kong pangdisguise. Wala din naman nakakakilala sa akin dito kaya siguro ok lang na ganito na lang ako. Sabi nga ni Joan sa akin noong isang araw, "bagong mundo, bagong buhay!".

"Siguro naman ay hindi ka malilito bukas ano? Pinasyal na kita sa buong Academy kaya huwag kang tatanga-tanga," dagdag pa niya.

Kinabukasan kasi noong dinala nila ako dito ay ipinasyal ako ni Joan. Sa totoo lang ay nakakamangha ang academy dahil kompleto na dito.

Yung pinasukan namin noon kung saan kinausap ako ng headmaster ay ang administration building at sa likod ng admi ay ang mismong paaralan na. Sa paglilibot sa akin ni Joan,  ipinakita niya sa akin ang kabuohan nito.  Sa likod ng paaralan,  nandoon ang napakalawak na field na kung saan nag-eensayo raw ang mga estudyante.  Nahahati ito sa limang bahagi,  ang una ay nasa timog para sa mga estudyanteng tinatawag nilang Low Class kung saan nag-eensayo ang mga estudyanteng hindi pa gaano gamay ang kanilang kakayahan o sa maikling salita, ang mga mahihina. Sa Hilaga naman ay ang mga Middle Class na kung saan medyo sanay na silang gumamit ng kapangyarihan pero hindi pa nila masyado alam makipaglaban, at kanluran naman ay para sa mga High Class na kung saan nabibilang ang mga estudyanteng sanay ng gumamit ng kapangyarihan at alam ng makipaglaban at sa Silangan naman ay para sa mga tinatawag nilang Master Class na kung saan ang mga estudyante ay sanay na sa kapanyarihan at labanan at doon din daw nanggagaling ang mga mahihirap na misyon para sa ikaaayos ng mundong ito at minsan din daw ay may misyon sa mundo kung saan ako galing at ang panglima naman ay ang battle field na nasa gitna ng apat na bahagi. Dito raw nagaganap ang tinatawag nilang leveling kung saan malalaman mo kung anong class ka nararapat at dito rin idinaraos ang tinatawag nilang Clashing kung saan maglalaban-laban ang mga eatudyante para malaman ang kanilang Rank at ang pinaimportante raw ay ang Clash of the Gods kung saan maglalaban ang mga napiling estudyante sa limang paaralan dito sa Antoria para malaman kung sinong Academy ang may pinakamalakas na mga estudyante. At sa pagkakakwento sa akin ni Joan ay nasa ikatlo lamang ang Crypton Academy.

Ang mundo ng Antoria ay may limang Academia. Una na dito ang Rank 1 na Angelus Academy,  sunod ang Jades Academy,  pangatlo ang Crypton Academy,  pang-apat ang Aleseo Academy at ang panglima ay ang Zyrous Academy.  Hindi na ako nakapagtanong kay Joan tungkol sa mga paaralan na mga 'yan pero ang sabi niya ay hindi magtatagal at magkakaroon din ako ng kaalaman sa mga 'yan. 

"Hindi ba may kasama ako dito sa dorm ko? Bakit wala pa siya?" tanong ko na lang sa kanya para matigil na siya sa kakasalita.

"Aba,pakialam ko, hindi naman ako ang kasama mo! Tanungin mo siya kapag dumating na," sagot niya sa akin na kinailing ko.

Crypton Academy : School of Magic (boyxboy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!