5

5.2K 82 6

CHAPTER 5

"TIFFANY! GISING NA!"

Si kuya 'to sigurado.

"TIFFANY!" leche! isa pang sigaw sisipain ko 'to.

"TIFFAN-- Aray!"

edi natahimik.

"Bakit mo ko sinipa?!"

"Ingay mo eh."

"Mag'ayos ka na, aalis na tayo."

"San tayo pupunta?"

"Dun sa bahay ni Nathaniel."

oo nga pala.

Habang nasa shower ako, napapaisip ako. Bakit ganito? Akala ko sa mga movies lang nangyayari 'tong mga ganito e. Cliche. There's a part of me na naiinis, nagagalit but there's a part na nagsasabing okay lang 'yun, para naman 'to sa business e diba? Ang dami ng ganitong story kong napanood e. Alam niyo yung kahit gusto niyong lumaban, hindi niyo magawa? Eto kase ako ngayon e. Once na nagdecide na yung parents ko, yun na yun.

*sigh*

After kong magshower, nag'ayos na ko. Simple lang yung suot ko, white shirt and shorts. Then bumaba na ko. 

"Yaya, mami'miss kita." sabi ko sabay yakap kay Yaya.

"Ako din nak. Sige na, naghihintay na kuya mo sa labas."

Nakita ko naman si kuya Blue na nasa loob na ng kotse. Kita sa mukha niya yung lungkot.

"Hi princess." bati niya ng nakapasok na ko sa loob.

"Kuya."

"Hmm?"

"Ang gwapo mo."

"I already know that, princess." nakangiti niyang sabi.

"Kuya."

"Yes?"

"Siguro kung 'di kita kapatid, naging crush kita. HAHAHA"

"Ikaw talaga." then hinawakan niya yung kamay ko.

---

"Tiffany andito na tayo."

Nilabas na ni kuya yung mga gamit ko. Ayokong lumabas. Parang gusto kong i'glue yung sarili ko dito sa seat na 'to para di na ko makaalis.

"Princess, halika na." yaya ni kuya.

Lumabas na ko, ewan ko ba pero nanginginig ako. Kinakabahan. 

"Don't worry Tiffany, mom told me, isang taon lang and pwede ka ng umalis sa sitwasyong 'to."

"What do you mean, kuya?"

"Sabi ni mom, once na mabawi niya yung business naten sa mga Acosta's, pwede ka ng makipaghiwalay kay Nathaniel."

"Wow. Just like in the movies." sarcastic kong sabi.

"Yes, just like in the movies. Are you ready?"

"Yes." (I think) then nag'doorbell na si kuya.

"This is it Tiffany. I love you." sabi ni kuya, he planted a kiss on my cheek then umalis na siya. Sakto namang bumukas yung pinto pagkaalis ni kuya. Bumungad sa'kin ang isang "shirtless" na Nathanel Acosta. Ugh ang hot niya talaga. LOL

"Ikaw pala." malamig niyang sabi.

I don't know what to do. Andun lang ako, hindi ako makaalis sa kung asan ako. I feel like once I take a step into this house, parang pumayag na ako sa arrangement na 'to. Well, technically speaking, pumayag naman na ko talaga since andito na ko. GULO KO.

"So are you just gonna stand there?" tanong niya.

"Ah" yan lang ang nasabi ko. 

Ang ganda ng bahay niya, simple yet elegant.

"Sumunod ka, tuturo ko sayo kwarto mo." ohh bossy. 

"Okay."

"Give me your bags." bossy talaga

"No, uhm, ako nalang. Ah, k-kaya ko na." nauutal kong sabi

Teka, bakit siya lumalapit? Sobrang lapit. Halos naririnig ko na yung paghinga niya.

"Tiffany, am I making you nervous?" he grinned.

Sht. Kinakabahan ako. Feeling ko lalabas na yung puso ko eh. 

"Wag nang maarte Tiffany. Akin na. Baka mapagod ka pa."

Then There's YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!