Chapter 11: Preparation for the Intramurals (EDITED)

5.4K 140 19
                                    

KYLER'S POV:

It's been two fucking weeks na hindi namin nakikita si Sky. Yes, you heard it right, two fucking weeks. Hindi rin alam ni Gail kung nasaan siya, we tried to find her but we failed. I wonder where she is right now.

"Hey, Kyler!" Tawag sakin bigla ni James dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ano na naman yang iniisip mo?" Nagtatakang tanong pa nito sakin habang kumakain nang lollipop.

"Nasa earth tayo ngayon, Kyler. Nagtuturo rin si prof sa unahan." Sabat naman ni Justine na tutok na tutok sa discussion ng aming guro.

Napaikot na lamang ako ng mata dahil sa kanila. "Tsk, tumahimik na nga lang kayo." Saway ko sa mga ito at sakto namang tumunog na ang bell hudyat na recess na ngayon.

"Okay class, dismissed." Anunsyo ni prof samin at lumabas na ng room.

"Guys, punta tayong cafeteria." Aya samin ni Zhaira. Tumango na lamang kami at naglakad na. Habang nasa daan ay bigla namang nagtanong ang kasama naming nerd na nakapagpa-isip samin.

"Guys, any idea about Sky?" Tanong nito.

Rinig ko naman agad ang pagbuntong-hininga ni Gail bago magsalita. "Wala pa eh." Malungkot na sagot nito. Bakit ba siya nalulungkot? Malaki na naman yung tomboy na yun eh. Kaya na niya 'yong sarili niya.

Tumahimik na lamang kami. "Nandito na tayo!" Malakas na anunsyo ni Jaylen ng makarating kami sa harap ng canteen. Kaagad namang napatingin samin lahat nang tao at kaya nagsimula na naman ang tilian.

Napaikot na lamang ako ng tingin habang si Justine naman ay kumikindat sa mga babaeng nandito.  Napailing na lamang ako, hindi talaga magiging si Justine 'yan kung hindi siya babaero.

Pagkapasok ay pumunta kaagad kami sa table na lagi naming tinatambayan.

"Guys, kami na ni Skyler ang kukuha nang pagkain natin." Presenta ni Zhaira kasama ang nerd. Tumango na lamang kami sa kanila at ibinigay ang gusto naming kainin.

Maya-maya ay may nakita kaming taong papasok sa pinto dahilan para mapatingin rin lahat ng mga taong nandito.

"Sky?" Tawag bigla ni Justine sa pangalan nito.

Nakasuot lang naman siya ng uniform namin at nakacap pa rin habang itinago ang buhok nito sa loob. I wonder kung ano ang totoong kulay nang buhok niya.

"What?" Malamig na tanong nito saming lahat.

"Bakit ngayon kalang, Sky?" Tanong bigla ni James sa kanya.

"I just settle some important things." Sagot nito sa bagot na tono saka naupo na sa available na upuan.

Tumahimik na lamang kami hanggang sa biglang sumigaw na naman. "Sky? You're here!" Masayang saad nito. Ano pa nga ba ang aasahan kay Jaylen?

Bored lang naman siyang tinignan ni Sky."Don't shout woman, hindi ako bingi." Saway nito sa malamig pa rin na tono. Wow naman, ang haba ah. Papalakpak na ba ako nito?

"Sorry po." Awkward na paghingi nito ng paumanhin. "Ito na pala ang pagkain niyo. Kukunan nalang kita Sky ah." Ani nito saka bumalik na sa counter.

Tiningnan ko na lamang sila at kumain na rin. Nag-uusap lang naman sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig kahit na hindi naman talaga ako interesado.

"By the way, next day na yung intrams." Saad ni Zhaira na kaagad nakapukaw sa interes ng mga kasama ko. "Anong sport ba ang sasalihan niyo?" Tanong pa nito kasabay ng kanyang pagsubo.

"Basketball." Sagot naman ni James habang punong puno ng pagkain ang bibig.

"Ano ba naman yan James! Ayusin mo nga yang pagkain mo." Saway naman ni Gail sa kanya saka tumingin samin. "Volleyball na lang yung sakin." Dagdag pa nito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon