Chapter 5

18 2 0
                                    

J-Hope POV

Bullcrap! Ano bang problema nang Jackson na yun sakin?!! Talaga bang ayaw niya kong tantanan?? 

But when I saw him in his eyes... Familiarity begin. Parang kilala ko siya. Siguro nga at may koneksyon dun ang sinabi niya sa akin. 

"Unti unti kong ipapaalala sayo kung sino ako sa buhay mo..."

Kanina pa yan hindi maalis sa isip ko. Sino nga ba talaga siya sa buhay ko? 

"Hoy! J-Hope on Earth!" - Jungkook

Bumalik ako sa realidad. Malalim lng talaga ang iniisip ko.

"Dude... Lalim ata ng iniisip mo ngayon ah even Adele can't roll it so deep." - Jimin

nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Jimin. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Mananahimik ba kayo o pasasabugin ko yang mga bungo niyo?"

"Ops.. Sila lang di ako kasali." - Jin

Natahimik naman sila habang si Jin ay nagpatuloy sa binabasa niya. Ganyan yan lage kung hindi nakikinig ng music sa ipod niya eh nagbabasa naman. Tsk.

"Pero dude... Parang iba talaga ang dating sayo ni Jackson kanina.., Kilala mo ba yun?" - Suga

"Yeah. Yun nga rin ang iniisip ko kanina pa."

"Mukhang matagal kana niyang kilala ah. Sa pananalita niya parang di siya natinag sayo." - Namjoon

Himala at naging detective conan tong mga to! Akala ko puro porma at pera lang laman ng mga utak nito.

Lalabas na lang ako. Gusto ko makapag-isa at makapag-isip nang malaman ko ang kasagutan sa mga tanong ko.

Tumayo na ako at palabas na ng pinto.

"Oh san ka pupunta?" - V

"Sa lugar kong san walang polluted air. Magpapahangin lang yung natural hindi yung puro galing sa bibig niyo." 

"Hard mo dude! Dami kayang gusto makaamoy ng hininga namin tas ikaw sasabihin mo polluted?!" - V

"Tsk. Yan na nga ba sinasab ko. Ang HANGIN niyo." 

tas lumabas na ako ng pinto. Baka mabangasan ko mga pagmumukha nun kung mananatili ako dun.

Gusto ko pumunta ng rooftop para magpahangin. Alam ko walang tao dun kaya doon ang punta ko. 

Mag-isa ako dito. Sariwa ng hangin tas ang tahimik. Bigla naman sumagi sa isip ko ang tungkol kay Jackson. Curious talaga ako kung sino siya?

"AAAAAAAIIIISSSSH!!" iritable kung sinipa ang isang softdrinks can.

Sino ba kasi ang gagong yun!?! Mapapatay talaga kita Jackson.

"Aray!" 

Teka?! May tao!! Mukhang natamaan ko ata.

"May tao ba dyan?!" habang nililingon ko ang paligid.

"Malamang! Gago!"

Aba't ang lakas ng loob na sigawan ako ng gago!

"SINO KA?!" 

may tumayo sa dulo ng rooftop at sapo niya pa ang noo niya. Natamaan ko nga talaga.

"Hoy IKAW! Di mo alam ang salitang SILENT!?! Tas namamato ka pa ng lata?! Ano bang problema mo?!!" 

Habang palapit siya ay mas nakikilala ko siya. Siya yung classmate namin na transferee!

"Sorry miss. Di ko naman kasi alam na andito ka." 

"SORRY?! yang sorry mo ba nakakapagpawala ng sakit? Ikaw kaya batuhin ko ng lata tas sasabihin kong sorry, Okay lang!?!"

Bakit ba ang high blood nito? Kung may dalaw man siya ngayon wag niyang ibunton saken! Putek!

"Teka miss... kung may dalaw ka man ngayon --- ARAY!" 

bigla ba naman tapakan ang paa ko? Sumusobra na to ah! Pumapatol ako sa babae!

"Turingan ka pa naman bilang mafia prince pero wala kang modo! Kahit ba royal blood ng mafia di natuturuan ng tamang asal? Kung may dalaw man ako o wala it doen't matter. Ang punto ko ay kung pupunta ka ng isang lugar na hindi mo pagmamay-ari matuto kang manahimik at wag kang masyadong gago kung hindi mo alam if may tao o wala!!' galit na galit niyang sabi.

"Miss I-don't-know-who-you-are wala akong panahon sa word of wisdom mo. Hindi mo rin naman pagmamay-ari ang lugar na to diba? Kaya matuto ka rin lumugar! Tas bakit ka ba nanapak?!" singhal ko sa kanya. Nakakinis na kasi tong babaeng to!

"Bat ka namamato ng lata?!" sigaw niya sakin.

"Hindi kita binato." 

"Pwes hindi rin kita tinapakan! Isipin mo na lang na karma sayo yan! Bwesit!" 

Tas tinalikuran niya ako at umalis. 

"Hoy! Di pa tayo tapos!!"

"Walang TAYO!!"

At tuluyan na siyang umalis. Banas!! Sakit ng paa ko. Humanda ka saken babae ka! Mapapatay talaga kita!

Pero napangiti ako sa babaeng yun. Siya pa lang ang kauna-unahang babae na nagkalakas loob na sigawan ako, tapakan ang paa ko at murahin ako ng maraming beses. Well.. She is interesting. Malalaman ko rin kung sino siya. Ano ba naman ang silbi ng pagiging Mafia Prince ko diba? *evil smile*

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino kaya ang babaeng nakaharap ni J-Hope? 

Ito ba ang babago sa mundo niya o ito ang dahilan ng problema niya?

Abangan.

:)

A LOVE WORTH FIGHTING FORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon