Chapter 42: Lalaki Siya

945 18 3

Chapter 42: Lalaki Siya

Napatigil ako at tumingin sa Papa ni Zuriel. Kung titignan mo siya hindi mo mahahalatang bading. Bading nga ba? Parang hindi e.

"Hindi naman po dahil ganyan kayo, hindi ko po tatanggapin ang anak niyo." ngumiti ako at ngumiti siya.

"Kahit na, kahihiyan 'to ng pamilya mo kapag nalaman nila na ang tatay ng bf mo ay bading?" sabi niya. Umiling ako.

"Hindi po kahihiyan yun. Nagpakatotoo ka lang po. Mas gusto po yun ng pamilya ko." biglang tumulo yung luha ng tatay ni Monngi.

"Salamat ha. Kasi tanggap mo siya kahit ganito na pamilya namin. Hindi ko naman siya masisisi kung ikahiya ako kahit sayo. Kahiya-hiya naman talaga ako." lumapit ako tatay ni Zuriel.

"Kaya po ba ni-isa sa mga estudyante ng Benelux wala pang nakakakita sayo kahit mga teachers at principal?" tumango siya.

"Sinabi kasi sakin ni Zuriel, kung magpapakita ako sa lahat lalayas siya at hindi ko na siya makikita kaya eto, hindi ako nagpakita. Ayaw niyang malaman na ang tatay niya ay isang bading. Ayoko ng malayo ulit kay Zuriel. Kaya yung kapatid ko ang namahala sa School." ewan ko pero naluluha ako. Alam kong masama si Monggi pero pati pa ba sarili niyang Ama nagawa niya yun?

"Mali po siya, maling-mali. Pano niya nagawa yun sayo?" hindi ko maimagine na gawin ko yun sa Papa ko.

"I deserve this. Kulang pa 'to hija. Nagtiis siya ng ilang taon. Lumaki siya na magulo ang pamilya at lola lang ang nakasama niya. Nakita niya kung pano kami naghiwalay ng Mama niya. Awang-awa ako sakanya dahil umiyak siya sa Mama niya at nagmakaawa na huwag siyang iwan." pinunasan niya muna yung luha niya. "Iniwan kami ng Mama niya at pumuntang Korea habang ako pumunta sa Thailand." napatungo siya. "Ayun na ata ang pinaka maling nagawa ko sa buhay ko. Ang iwan ko ang anak ko." tumingin sakin yung Papa ni Monggi. "Lumaki siya ng hindi niya naramdam kung pano maging masaya kasama ang pamilya niya." Naalala ko, nung pumunta siya samin at tuwang-tuwa siya sa pamilya ko.

"Kaya masaya ako na tanggap mo siya, ako." ngumiti ako at niyakap yung Papa niya. Kahit mangingisda man tatay ni Monggi niya. Tatanggapin ko siya. Tatanggapin ko pamilya niya. Kasi mahal ko siya.

"Nandito ka pa?" tanong sakin ni Monggi pagkarating niya sa condo niya. Hindi kasi ako umalis sa condo niya at hinintay talaga siya. Nagpaalam naman na ako kila Mommy at sabi ko may project kaming gagawin ng mga classmate ko.

"Obviously." tumingin siya sa paligid. "Umalis na yung Papa mo, kanina pa." umirap siya.

"You can go now. Ngayong alam mo na kung ano talaga si Papa alam ko naman na hindi mo ko matatanggap." Weh. Si Monggi nga ba ang kausap ko? Drama ha.

"Bakit naman kita hindi matatanggap? Kahit ipakilala mo pa sakin Papa mo na nakatwo piece wala akong paki. Tss." napatingin siya sakin. Ngumiti ako.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun Monggi. Iniisip mo kasi negative agad. Tatanggapin naman kita kahit ganyan pamilya mo." lumapit ako kay Monggi at yinakap siya. "Nung malaman ko nga yung totoo, naisip ko na mas kailanagan mo ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan." Oo, sabihin na natin nagkulang sa pagmamahal si Monggi noon. Pero hindi ko na yun hahayaan, ipapakita ko sakanya na may nagmamahal sakanya ngayon.

"Pero bading ka ba?" bulong ko. Ayun na kasi hinala ko, yung lasing siya sabi niya gusto niya yung amoy ng lipstick ko tapos si Daniel na din mismo nagsabi na may naamoy siyang something kay Monggi. Never nagkamali ng hinala si Daniel. Tapos may possibility talaga dahil yung Papa niya bading, who knows namana niya pa pala yun.

'Mana-mana lang yan' sabi nga nila.

"What?" humarap siya sakin na nakakunot-noo.

"E kasi nung lasing ka, sabi mo gusto mo yung amoy nung lipstick ko. E mga kaibigan kong babae lang naman nagsasabi sakin niyan." napakagat ako ng labi. "Tska sabi ni--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi hinalikan niya ako. And that's my first kiss! Hinalikan niya ako?! He really kissed me!

"I am gay?" tanong niya pagkatapos niya akong halikan.

"H-hindi nga. S-sino b-bang maysabing b-bading ka? Letche yun a."

"Good. I really like your lipstick scent." napatingin ako sakanya.

"Tignan mo! Tapos sa--" hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko kasi pinutol niya.

"Stawberry ang amoy ng lipstick mo at I liked strawberry that's why." napatango ako.

"Ahh. So hindi ka talaga bading? Weh di nga?" biro ko.

"Gusto mo ulit ng kiss? Torrid one?" napatakip naman agad ako sa bibig ko. Nakasmirk siya at papalapit sakin.

"Sabi ko nga lalaki ka at di ka bading!" sigaw ko. Tawa naman siya ng tawa. Umirap na lang ako.

"Nagugutom ako. Kain na tayo." pumunta kami sa kitchen at sinilip kung ano laman sa fridge at puro ice cream ang laman. Naglalaway na ko sa ice cream ng pukpukin ako ni Monggi.

"Kumain muna tayo ng kanin." napanguso ako. Just wait me baby ice cream!

"Hotdog?" tanong ko nung nakita kong piniprito na niya.

"Eto na lang stock ko. It's quater to 12. Delikado kung lalabas pa tayo."  K. Fine sabi mo e.

Habang nagpiprito siya naalala ko si Royce. Mahilig kasi si Royce magprito ng hotdog nun at dun siya magaling. Siya nga daw pinaka dabest magprito ng hotdog. Napangiti ako.

"Why are you smiling?" napatingin ako kay Monggi, umiling lang ako.

Nang matapos kaming kumain, nanuod na lang kami ng TV.

"Ayan basketball!" sigaw ko.

"Boring.." sabi niya at nilapat sa ibang chanel. Hindi kaya..

Hindi. Siya na mismo nagsabi na hindi siya bading. At naniniwala ako doon. Hindi siya bading at mas lalong hindi siya bading. Lalaki siya.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!