x22: SORRIES & A PROMISE (part1~)

189K 2.2K 197

ud! nangati akong mag-ud kaya nipost ko toh khit di pa tapos. hinati ko na lng. ^^

THANKYOU PALA SA NEW AT PATULOY NA NAGRIREAD NITO AH! every read and every vote are very much appreciated. really. Lalo na ung mga comments na full of emotions! lagi na lang nangangawit cheekbone ko eh pag nababasa ko comments nyo! XDD

end of wagas na a/n. lol! thanks sho muchies, PB readersss~♥

* v^_____~v *

- - - - - -

x22: SORRIES & A PROMISE (part1~)

[RACHELLYN's PoV]

Alam nyo yung feeling na ang sarap-sarap matulog kasi pagod ka kaka-emote at kaka-iyak nung gabi?

Yung tipong umaga na at need mo nang bumangon pero nakakatamad?

At lalo pang naging nakakatamad kasi may biglang tumabi sayo na niyakap ka at hinaplos-haplos pa ang ulo mo?

Well that's how I feel right now..now that CJ's next to me, cuddling me and kissing my forehead.

"Dhieee.." sinubsob ko pa ang ulo ko sa dibdib nya at niyakap sya nang mahigpit.

"Good morning.." he whispered.

"Anong oras na...??"

"Hm.. 8:30.."

=___=

Dapat nagmamadali na kong bumangon ngayon kasi may klase pa ko mamayang 10, pero katamad talaga ehhh..

"Kung di mo kaya, wag mo piliting pumasok ngayon.."

Umupo na ko at kinusot ang mga mata ko nang sabihin yun ni CJ. "Kaya kong pumasok.. Di dapat maapektuhan ang studies ko dahil lang sa mga nangyayari samin ni Adrian.."

"That's right. But it will better if..if you'll reconsider my advice last night."

His advice last night..

Ah. Oo. Sabi nya mag-transfer na lang daw ako ulit ng school para mabawasan ang mga problema na binibigay sakin ni Adrian but I refused to do that.

"CJ.. Diba napag-usapan na natin yun kagabi? Ayoko na talagang mag-transfer ulit.."

"I know but..." he sighed, taking a seat and murmuring. "How I wish I didn't ask you to go to that school..."

Natulala ako sa narinig ko. Bakit parang nagsisisi sya? Di nya naman kailangang pagsisihan ang ginawa nyang yun ah?

Oo, kasalukuyan nga akong may problema dahil kay Adrian, dahil nasa iisa kaming school pero kahit ganun, thankful pa rin ako. Kung di kasi ako pumasok sa school na yun, edi hindi rin nagka-chance ang anak ko na makilala ng totoong tatay nya. =/

"Dalian mo na.." tumayo na sya't nagtungo sa pintuan.

"CJ---"

"Andy's been waiting for you downstairs.." at tuluyan na syang lumabas. Psh.

Nakaka-ano naman.. Pinaliwanag ko na rin yun sakanya kagabi eh. Ayoko nang lumipat pa ng school kasi una, maganda naman dun sa pinapasukan ko ngayon. Pangalawa, nakakahiya kina Dad kasi mapapa-gastos lang sila ulit kung gagawin ko yun.

Ewan ko ba at nagiging 'medyo' mapilit si CJ ngayon. Pero sabagay..pinag-alala ko sya kagabi eh. Sa sobrang pag-aalala nga nya, di na sya ulit umuwi sakanila para lang samahan at damayan ako sa problema ko.

Bumaba na rin ako agad pagkahilamos ko for breakfast. Solo flight ang drama ko sa may dining table kasi nauna nang natapos kumain sina Andy. =.=

Binilisan ko na lang kumain para mahabol ko sa mga hinuhugasan ni CJ tong pinagkainan ko. Hehehe..

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!