"Game na!" sigaw ko kay Ervy.
Dumapa ako at nagsimulang mag-paddle, mabilis kong sinalubong ang naglalakihang alon. Ayos! Marunong pa pala ako.. Ilang ulit naming sinubukan ang alon bago ako tuluyang sumuko. I enjoyed it! Ngayon na lang din kasi simula ng maglaro ako sa dagat. Natatawa akong nakatingin kay Wyn habang pabalik sa kung nasaan sila.
"Whoo! Ang galing mo! Si Ervy, washed out agad!" tili ni Wynona.
"Oh! Parang minuto lang ang agwat namin!" protesta ng prinsipe.
Tinaas ni Wynona ang kamay niya. "Whatever!" at bumaling siya sa akin. "Let's go sa house niyo!"
"Ha? Sige, sige."
Pagkarating sa bahay ng Lola ay si Aling Ning lang ang nandidito. Naglilinis siya ng hardin.
"Aba Jara! Ngayon lang 'ata ikaw nagkaron ng kaibigan," nakangiti niyang sabi. "Madalas ay mag-isa ang batang iyan. Tuloy kayo."
Simple lang ang bungalow na ito ni Lola, wala kang makikitang karangyaan dito kaya I wonder kung matitiis ng prinsipe at prinsesa ang manatili dito.
"Ang ganda ng bahay niyo!" tumingin sa akin si Spade at kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.
"Thanks."
Tinignan ko si Ervy na nakatingin sa mga kwadrong nakapatong sa divider na malapit sa piano. Mga larawan lang namin iyon ni Jay, lumapit ako sa kanya at hawak niya ang frame kung saan ay ang picture kong naka-girl scout ang nakalagay.
"Ano yan!?"
Tumawa ako at nakitang nagulat siya kaya nilapag niya ulit iyon kung saan ito nakalagay.
"Bata ka pa lang ang pangit mo na," irita niyang sabi.
Naningkit ang mata ko. "Oo na. Mas gwapo na si Jay sa akin. Shut up!"
"I didn't say na gwapo siya. IKAW ang sinasabi ko."
Inirapan ko lang siya at pumunta na kela Wynona na pumunta 'ata ng garden pero bago pa ako makaalis ay dumating na sila Jay.
"Oh aga niyo?" salubong ko sa kanila.
"Oh bakit nandito si Ervy?" gulat na tanong ni Danny at natuwa ng makita si Wynona sa likod niya.
"Nandito din si Daniella?" nakangiti si Wynona at nakipagbeso.
Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya pilit lang akong ngumiti kay Lola at sa mga magulang namin.
"Jara. Ipakilala mo naman sila," nakangiting sabi ni Dad.
Magsasalita pa lang ako ng biglang magsalita na si Wynona.
"I'm Clara Wynona Eliseo dela Costa!" turo niya sa sarili niya. "This is Ervy Bryan Moon Eliseo, my cousin and his friends. Jeph André Villegas and Spade Phillip Zamora."
Wow! Nagulat ako sa pakilala ni Wynona sa kanila, full name talaga? Tumawa si Jeph at Ervy samantalang pinipilit naman ni Spade na magseryoso. Napangiti ako at tumango na lang.
"Schoolmates ko sila."
Nakita ko si Lola na palapit sa amin. Kinabahan ako ng maalala ang sinabi ni Jay kaninang umaga! Namumutla 'ata ako habang palapit siya kay Ervy.
"Eto ang apo ni Manuelito ano?"
Nagulat si Ervy at naguguluhan siyang tumingin sa akin. Pilit ngiti akong lumapit sa aking Abuela.
"Opo Lola."
Tumawa siya at hinawakan sa pisngi si Ervy. Kita ko pa kung paano nanigas ang panga niya dahil doon. "Kaklase ko ang Lolo mo! Ay! Ang kulit noon! Buti na lang at nagustuhan mo ang apo ko."
Mula sa gulat ay ngumisi si Ervy. "Crush po kasi ako niyan. Hayaan niyo po, ikakamusta ko kayo kay Lolo."
I rolled my eyes dahil sa sinabi ni Ervy sa akin. Sumimangot ako ng lumapit siya sa akin at mahinang tinulak. Yumuko siya at bumulong sa aking tenga.
"You introduced me already?"
Tinignan ko siya ng masama kahit namumula ang mukha ko sa kahihiyan at sasabihin na sana'ng si Jay ang may sabi ng magsalita si Mommy.
"Nagmeryenda na ba kayo Jara?" tanong ni Mommy.
Pumunta kami sa garden at hinintay ang mga pagkaing dala ni Ate Ning. Nagpasalamat ako at nagsimula kaming magkwentuhan.
"Ang ganda ng Mommy mo Jara! Kaya pala para kayong artista ni Jay!" masayang sabi ni Wynona. "Sikat na sikat sa Technical yang si Jay eh."
Umiling ako at mahinang tumawa. "Si Jay lang ang mukhang artista. Simula bata ay maraming nag-aalok sa kanya na mag-model."
"Si Ervy din eh!" at tinulak ni Wyn si Ervy. "Eh kaso mas mayaman pa siya sa mga modelling agency so ayun!"
Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Wynona.
"Oo, alam naman namin yun," natatawang sabi ni Jeph.
Naguluhan si Wynona sa sinabi ni Jeph at kita ko kung paano siya tumingin kay Spade pero umiling lang ang lalaki at bumulong ng 'wala yun'.
Nakangiti siyang tumingin sa akin. "May extra rooms pa ba kayo dito? Could we just stay here? Para mas makapag-bonding pa tayo!"
Nagulat ako sa sinabi niya, mag-stay sila dito? Akala ko ay naka-book na sila sa isang 5-star hotel dito. "I'm not sure, check ko lang."
Tatayo na sana ako ng hawakan ako ni Ervy kaya napatingin ako sa kanya.
"Wag na. May hotel naman na kami, 'tsaka malapit lang dito."
YOU ARE READING
www.PatayKangBataKa.com
Teen FictionJaralynne Austria is in love with all the Asian guy artists. Her dream is to find her own flower boy, someone as handsome as Lee Min Ho, as cool as Jang Geun Suk and as attractive as Jun Matsumoto. One daydreaming day, her bestfriend gave her a link...
CHAPTER 37
Start from the beginning
