Chapter 16 Ten Million Pesos

23K 379 2
                                    

Terra Point of View

Wala akong masagot sa sinabi niya and still nakatunganga lang ako sa harap niya.

"'Yun naman pala eh!" Nag highfive sa isa't-isa si Razec at Denstah.

"So? Payag ka bang maging girlfriend kita? Bayad na lahat ng utang ng mga magulang mo sakin KAPAG pumayag ka." M-maging girlfriend niya ang kabayaran? Niloloko ba ako nito?

"Answer?"

"Kerk. Napipi na yata sa sinabi mo."

"Shut up Denstah! She will be mine. Maybe now, tomorrow or later.Trust me makukuha ko siya." Ohmy! Ako ba ang pinag uusapan nilang makukuha? Shiz. Kung pwede lang ihampas itong bangko, nahampas ko na sa kanila kanina pa.

"Magkano ba utang ng mga magulang ko sa'yo?" taas noo kong tanong.

"T-ten million. Ten million pesos ang utang nila sakin. Kaya mo bang bayaran yun?"

O_________O TEN MILLION PESOS? as in sampung milyon? Talaga? Buti nakakatulog pa sila sa laki ng utang nila na yan. Napakagahaman talaga ng mga magulang ko sa pera. Ten million pesos. Kaya ko bang bayaran yun? I thought to myself. Bakit ngayon ko lang nalaman na may utang sila na ganyan samantalang kapag umuutang ang mga magulang ko, sinasabi nila sakin pero yung sa kanya. Wala naman silang nabanggit sakin pero kapani-paniwala pa rin yun kasi gahaman nga diba ang mga magulang ko sa pera na kahit nag-iisa kong kapatid nagawa nilang ipagbenta dahil sa pera.

"What?" he asked but I keep staring at him. Kaya ko ba talagang bayaran yun? Kahit maghapon, magdamag pa akong magtrabaho alam kong hindi ko mababayaran ang utang nila. Kahit pa hindi ako kumain imposible pa rin na mabayaran ko yun. Paano? Paano ko mababayaran ang sampung milyong piso na utang nila sa kanya? Ayoko naman mamasukan sa bar para maging hostess o kaya maging bayarang babae. Ayoko. Kahit mamatay ako sa sobrang pagod dahil sa pagtatrabaho kakayanin ko basta wag lang maging bayarang babae, ayoko ibigay ang pagkababae ko para lang mabayaran ang utang nila. Grrr! Naglalapat ang ngipin ko sa tuwing naiisip ko ang mga magulang ko. Bakit kailangan magkaroon sila ng utang na ganito?

Maging girlfriend niya. Girlfriend lang naman eh. At kung maging girlfriend niya ako mababayaran ko na ang utang ng mga magulang ko sa kanya. Girlfriend lang naman ang gusto niya, oo tama.
Pumikit ako at huminga ng malalim at sinagot ang tanong niya.

"W-wala ng ibang paraan para mabayaran kita?" Nag-isip siya sa sinabi ko.

"Uhmmm. Magiging slave kita sa bahay at syempre bago ka makatungtong sa pamamahay ko. Kailangan maging girlfriend muna kita."

"Kapag...nagawa ko na ang lahat ng yan, bayad na talaga ang utang ng mga magulang ko?"

"Yup! Bayad na bayad na, sobra pa nga eh."

"Ah, eh."

"Papayag kana ba?" Tanong niya. Hindi naman siya atat sa sagot ko eh no?

"Bago ang sagot ko. Kalagin niyo na muna ang tali sakin." I demanded.

"Ayy! Oo nga pala. Denstah, Razec alisin niyo yung tali." utos niya sa kasamahan niya pero hindi sumunod ang mga ito.

"Hindi mo kami utusan. Ikaw ang nagtali niyan kaya ikaw dapat ang magpalaya sa kanya." sabi ni Razec pero wala nalang din nagawa si Kerk kundi siya mismo ang mag alis ng tali sakin. Nakaharap siya sakin habang inaalis ang tali sa kamay ko na para bang nakayakap siya sakin kaya naaamoy ko ang damit niya. Shiz. Ang bango naman niya. Nakakaiba sa lahat ang amoy niya.

"Magsasawa ka pa sa amoy ko kung magiging girlfriend na kita." asar pa niya at natapos na siya sa pagkalag ng tali sakin. Sa wakas! I'M FREE! AT LAST MAKAKATAKAS NA AKO! I gave him my best killer stare.
Psh! Bakit kapag gusto nilang magkakagirlfriend kailangan may kasamang pananakot. Hindi naman siya nananakot pero feeling ko lang...
Ready na sana akong tumakbo para takasan sila kaso bigla niya akong nahawakan sa likod ng damit ko kaya yun, huli.

"Saan sa tingin mo ikaw pupunta? Ha? Kapag tatakas ka magiging doble ang utang ng mga magulang mo sakin 20 million gusto mo?" *gulp* hindi ko na inisip ang tumakas pa. Kapag naging girlfriend niya ako, hindi na ako mahihirapan. Girlfriend lang. Girlfriend lang naman, no other than girlfriend lang talaga.

"M-maging girlfriend mo lang ha.Wag na wag mo akong gagawing asawa." Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Oo girlfriend lang. Hindi ako katulad ni Prince Anhiro na agad-agad na nag-aasawa, so payag kana?" Pumikit ako at huminga ng malalim at sinagot ang tanong niya.

"P-Payag na ako maging girlfriend mo." Lumapad ang ngiti niya na halos umabot na sa space nang makita niya ang sagot ko. Nag apiran naman ulit si Denstah at Razec.

"Hanggang kelan ko matatapos sa pagbayad ang utang ng mga magulang ko?" tanong ko.

"One year."

O____________O?

"ONE YEAR???" he nodded. Kung ganun, one year ko siyang magiging boyfriend at one year niya akong magiging girlfriend at higit sa lahat one year akong magiging alipin.

=_________=" nagkamali yata ako ng pinasukan.

///////////

Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon