C H A P T E R 11

Zacznij od początku
                                    

"Tapus anu pa?"

"Iyon nga. May nangyari sa amin ni Niña, may nabuong bata. Nalaman ng Mama at Papa niya na nabuntis ko siya kaya nagpakasal kami. At iyong ginamit naming pera ay 'yong perang inipon mo sana para sa kasal nating dalawa na hi---"

Hindi hinayaan ni Lukreciang magpatuloy si Dudong sa pagsasalita nang bigla niya itong sinampal ng pagkalakas-lakas. Ayaw niya sanang gawin iyon pero nang maring niya ang mga sinabi sa kanya ni Dudong ay hindi na siya nakapagpigil.

"Bakit mu ginawa 'yun Dong? Menahal naman kita ng buo ah? May kolang pa ba sa mga binigay ko? Allowance, tuition, pang-gig mu, panglakwatsa mo, lahat benegay ko. Kahet hendi ako makakain ng masarap, tinetiis ko. Kahit hendi ako makabili ng bagong panty, tinetiis ko. May kolang pa ba Dong?" tanong ni Lukrecia. At tumakas na lang ang mga naguunahang luha  mula sa kanyang mga mata.

And in as the tears drop on the aspalt road of the bridge, Lukrecia remember all of her sacrifices for Dudong.

Mula sa pagbabantay niya ng bahay at ng anak ng mga Chavez, mula sa pagiging dealer ng Avon, mula sa pagiging manikurista, mula sa pagtitinda ng suman at kung anu-ano pang sidelines ay nagawa na niya may maibigay lang kay Dudong ang mga kailangan nito simply because Dudong makes her world go round. O baka siya lang talaga ang nakakaramdam noon at sinamantala lang ni Dudong ang pagmahahal niya rito? She wonders about it kahit masakit.

"Piru okay lang Dong. Wala na ih, nandiyan na 'yan ih. Siguro hendi lang tayo para sa esa't-isa o baka...." habang umiiyak ay mapait na ngumiti si Lukrecia, "Baka ako lang talaga 'yong nakakaramdam ng ganitong pagmamahal sa'yo tapos ikaw, mahal mo lang ako kapag may kailangan ka sa'kin..."

And in a heartbeat, kinagat ni Likrecia ang labi niya. At habang nakatikom ang bibig ay nagsilabang muli ang mga luha ni Lukrecia. And while looking at Dudong, pilit niyang pinapawi ang mga luha niya gamit ang kamay pero wala pa rin itong epekto dahil hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos nito.

"Totoo ang mga sinabi mo Lukrecia. Oo ginagamit lang kita. Pero noong tumagal, narealize kong importante ka na pala sa akin, hindi dahil binibigyan mo ako ng mga materyal na bagay kundi importante ka sa akin kasi mahal kita! Mahal kita Lukrecia! Mahal na mahal kita!" Humagulhol si Dudong sa harap niya.

At kagaya niya ay hindi rin tumitigil ang luha nito.

"Piro Dong, huli na. Nagawa mo na. Panindigan mo."

Nagsimula nang maglakad si Lukrecia. At sa bawat hakbang niya ay bumibigat ang mga paa niya lalo pa't naririnig niya ang pagsusumamo, pag-iyak at pagsigaw ni Dudong sa likuran niya.

"Lukrecia, mahal kita! Mahal na mahal kita! Mahal kita Lukrecia! Ayaw ko kay Niña at ayaw kong mawala ka!"

Ngunit kahit ganoon ay nanatili si Lukrecia sa paglalakad. Gusto niyang balikan si Dudong pero para saan pa? Wala siyang makitang rason para balikan ang nagsusumamong si Dudong.

Halos magkanda-tumba tumba si Lukrecia noong pabalik siya sa bahay niya. Dala ng paghagulhol at pag-iyak ay medyo nanlalabo na rin ang paningin niya.

Sa may kanto ng subdivision ng bahay ni Lukrecia ay napatigil siya nang may makitang pamilyar na babae sa daanan. Maikli ang shorts nito, naka-spaghetti at may kausap ito sa telepono.

"Oh ano hon? Ginalingan mo ba ang pag-arte sa tapat ni Lukrecia?"

Natigilan si Lukrecia nang marinig niya ang pangalan na sinambit ng babae.

"Oo hon, tawang-tawa nga ako kay Lukrecia eh. Umiyak pa siya! Hahaha!"

Naka-loud speaker ang phone ng babae kaya rinig iyon ni Lukrecia.  At sigurado siyang boses iyon ni Dudong.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz