Deiz.

52 1 0
                                    

His side.

*

Hawak hawak ko ang isang baso ng wine habang nakaharap ako sa malaking glass window. Tanaw na tanaw ko ang kagandahan ng mga iba't-ibang kulay ng nagkikislapang ilaw na nag-gagaling sa mga building, sa mga sasakyan at ang napakaitim na kalangitan.

Tunay ngang malayong malayo ang hitsura ng lugar na ito muli sa aking tunay na pinang-galingan. Sagana sa iba't-ibang katangihan, kataohan, at kung ano ano pa ang mundong ito. 

Nilagok ko ang laman ng basong hawak ko. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa mga binitawang salita ni Lindoln kaganina. Tamang ngang naging talunan na siya dati, pero ngayon? Ewan ko.. At 'yun ang lubos kong ikinangangamba.

Nabuhay din siya nang matagal na panahon gaya ko, Pero simula noong ipinatapon siya rito sa mortal na mundo, Lahat ng mga katangihan meron din ako ay naglaho.

Oo nga't ganun pa din ang kanyang hitsura at kaanyuhan. Pero iba na nga talaga ang kataohan niya.. Isa na yata siyang ganap na mortal.

Napangiti nalang ako nang matabang dahil sa mga naiisip ko, Noon ginawa ko ang lahat para tuluyan silang paglayuin ng aking kapatid pero ngayon ngayon? Hindi ko alam.. Marahil muling magbabalik ang lahat.

Marahil maaring magtapat nanaman kami.. Pero sa puntong ito hindi ko alam kung magagawa ko pang manalo..

Lahat ginawa ko pero huli na ng pumasok sa aking isipan na ang nakikitang babae ng aking mata ay isang mortal..

Si Lindoln sa puntong ito ay marahil ay isa na ring mortal

Naramdaman kong humangin nang napakalakas at nagawang bumagsak ng vase na nakatayo sa lamesa kaya naman nagmadali akong isinara ang kabilang bintana. At sa paghawak ko sa salamin napansin kong saka lang lubos nagpakita ang puting bilog na buwan.. Napangiti ako dahil doon.

Nanatili akong nakatayo habang nakangiting nakatitig sa buwan. 

Dalton 'Waytte' Gundisalvus ang tunay kong pagkatao, Isang taga-pagmana ng kaharian at trono ng amang Haring Edwardson Gundisalvus. Matagal na akong namumuhay sa mundo naming imortal.

At bilang isang nakakatanda sa aming magkakapatid, Ako ang nakalinyang sumunod sa yapak ng amingama. Namuhay naman ako nang maayos sa mundong imortal. Pero ang labis na tumatagilid sa aking isipan ang pagiging sunod-sunuran sa aking mga magulang.

Namuhay ako nang hindi normal hindi gaya ng mga aking mga nakakabatang kapatid. Laging nakatuhon ang pansin nang aking ama sa aking mga ikinikilos.. Wala akong ibang matakbuhan sa aking mga magulang o kapatid.

Hanggang sa nakapalagayang loob ko ang Butler Maxx. Si Butler Maxx Persephone, Ang namamahala sa aming kaharihan. Pakiramdam ko'y siya ang tunay na nagpuna sa aking isipan ng mga salitang nais kong marinig sa isang gaya kong imortal.

At habang tumatagal, Natuklasan ko ang pakikipagkita nang kapatid kong si Princess Amaryliss Leigh sa isang mababang uring imortal na si Lindoln Ray Mercedes. Labis akong natakot sa maaring kahinatnan nang aking kapatid kaya naman naglakas loob akong nagtapat sa Haring Edwardson. Lahat nang nalalaman ko ay sinabi ko.

Ginawa namin ang lahat para mapaghiwalay ang dalawa. Pinatapon nang Haring Edwardson si Lindoln rito sa mundong mortal. At dahil sa paglisan ni Lindoln ang siya namang pagkaron ng malubhang sakit ng aking kapatid..

Dun nagsimula ang lahat mabuo sa aking isipan. Naging laman ng aking isip ang mundong mortal hanggang sa napagdesisyunan kong humingi ng tulong kay Butler Maxx. 

Hindi naman ako nabigo at tinulungan ako nito.

Pero bago ako lumisan at tumawid sa mundong ito ay mahigpit na bilin sa akin ni Butler Maxx ang wa'g umibig sa isang tulad nila.. nang mga mortal.

Pero ito ako ngayon.. Gulong gulo at nalilito. Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig? 

Pero paano kung may masamang mangyari? Magagawa ko bang pigilan iyon? Nagagawa bang pigilan ang pag-ibig?

P-Pero higit sa lahat ng iyon ay... 

Magawa niya kaya akong matanggap kahit sa kabila nang pagkatao o pagkakaiba namin? Magawa niya kaya akong matanggap sa kabila nang pagiging imortal ko't pagiging mortal niya?

Na.. Ako si Dalton Waytte Gundisalvus at Isa akong Bampira.

___

Dalton Waytte --->

A/N:

Si Dalton at Waytte ay iisa lamang po. BOW. Hihi.

Abangan niyo po sana ang next chapters! :)

Vote?

Comments for suggestions?

Fan?

Are always welcome. Thank you! :)

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon