Chapter 18: The Full Moon

I don't know what to expect. I supposed several people to greet us the moment we step inside the house, or even some cars in the driveway before we even arrive. But there's no one. Walang ibang tao sa bahay ni Snow, or kung bahay niya ba talaga ang pinuntahan namin. This is a family affair as far as I know pero bakit kami lang ang mga taong nandito?

"What's happening?" I asked.

Humarap ako kay Freya at Snow na walang ginawa kundi manahimik buong byahe. Akala ko dahil lang ito sa hindi nila pagkakasundo pero nahuhuli ko silang nag titinginan every now and then. Dapat doon palang nagduda na ako.

"I said what the hell is happening?!" I demanded.

Nagsimula ng tumaas ang boses ko. Binitawan ko ang bag na dala ko at mas lumapit sa kanilang dalawa. I could see the guilt in Snow's eyes.

"Ariela, this is for your safety." mahinang bulong niya.

I scoffed. "My safety?! Just tell me what is happening. Anong nangyayari sa Academy? Bakit niyo ako inilayo!—"

I felt something cold. Almost freezing. Nakita ko ang palad ni Freya na nakatapat sa akin. Sinundan ko ang yelo na lumalabas mula doon at nakitang nababalutan ng yelo ang kalahati ng katawan ko.

Gulat na napatingin si Snow sa kanya. "What the hell do you think you're doing?"

"She needs to shut up." walang emosyon na sabi niya. Tumingin siya sa akin na may galit sa mga mata. "Tumahimik ka nalang at matulog."

Naramdaman ko ang unti unting pagbagal ng aking paghinga. Ang lamig. Ano bang ginawa niya sa akin? Nagsimulang mamanhid ang katawan ko at ang paghinga ko ay unti unting tumitigil.

"You're killing her!" narinig kong sigaw ni Snow.

"Kung may plano akong patayin siya, matagal ko ng ginawa. It's just a technique to paralyze a body."

Unti unti na akong bumibigay. Hindi na naging malinaw sa akin kung ano man ang sinasabi nila. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay humarap sa akin si Snow at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Don't worry. If everything goes fine. Makakabalik din tayo agad."








Nakahiga ako sa malambot na kama. Yun ang una kong naramdaman nang bigla akong dumilat. As in para bang may nag click at bigla nalang akong binalikan ng malay. Para akong nangaling sa ilalim ng dagat dahil pakiramdam ko kulang ako sa hangin.

Then naalala ko ang nangyari. Kung nasaan ako at kung ano ang ginawa ni Freya sa akin. Basang basa ako at maging ang hinihigaan ko. Hinawakan ko ang tubig na naipon sa sahig. Malamig parin ito. Natunaw ang yelo na ginawa ni Freya. Teka ilang oras na ba akong nakahiga?Lumabas ako sa kwarto. Walang tao sa hallway. Bumaba ako sa first floor kung nasaan ang sala at kusina. Maya maya pa may narinig akong mga boses. Si Snow at Freya nag uusap.

"Bakit ba hindi nalang natin sabihin sa kanya? Nakakaasar na eh. Hindi tanga yung tao. Alam niyang may nangyayari."

"Baka marinig ka niya! Hindi natin pwedeng sabihin hangang hindi natatapos ang gabing ito."

"At ano? Sa tingin mo ba hindi siya magtataka kapag bumalik tayo at ang bumati sa kanya mga sugatang tao at sirang Academy?"

"Bakit ba wala kang tiwala sa mga naiwan sa Academy? Kaya nilang harapin ang pag atake."

"Pag atake?" Bumaba ako sa hagdan at tuluyan ng nagpakita kina Freya at Snow.

"Sinong aatake? At bakit kailangan niyo akong ilayo? Tungkol ba ito sa charm ko?" natigilan ako nang mag sink in sa akin ang mga bagay.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!