Chapter 23 : Reasons Behind ..

990 45 32
                                    

Chapter 23 : Reasons Behind ..

** Dustin's POV **

Okay fine ! Nagsinungaling na kung nagsinungaling !!! pero di naman kasi ganung kadaling ibalik yung dati eh .. Minahal nya ko pero sinaktan ko sya, naging totoo sya sakin pero nagsinungaling ako sa kanya at hanggang ngayon di ko pa din masabi ang totoo dahil natatakot akong masaktan ko ulit sya ..

" Yes Lola ? " I said right after I answered the phone call ..

" How's my grandson ? "

" I'm good lola, kayo po ? Iniinom nyo po ba ang gamot nyo ? "

" Yes apo, I heard you're doing well .. anyways do you want to spend christmas here ? " Lola asked , malapit na nga pala ang pasko ..

" I'm sorry Lola but I already have a plan, I'm sorry .. " I said ..

" Ganun ba apo, sige naiintindihan ko .. mag-iingat ka lagi bye .. "

" Kayo din Lola, bye ! "

Si Lola.... actually she's the reason behind our break up .. pero di ko sya sinisisi, di nya naman alam na seryoso na ko kay Lorisse kaya ininsist nya kung anong gusto nya .. Simula ng mamatay sa car accident ang mga magulang ko si Lola na ang nag-alaga sakin kaya naman hindi ko sya mahindian ..

** FLASHBACK **

" Apo, sumama ka na sakin sa Canada .. " pagpupumilit sakin ni Lola .. andito kami sa bahay nya sa Laguna..

" Pero Lola I can't .. "

" Why ? I don't see any problem about that .. "

" What about my studies ? "

" You can continue your studies there .. "

" But .. I can't leave her .. " nakayuko kong sabi ..

" Her ? that Miss Mateo ? Ghad Dustin ! how many times should I tell you that she's nothing compare to Ria .. "

" Lola, I love Lorisse .. more than anything else .. " halatang nagulat si Lola sa sinabi ko kaya naman tumalikod sya sakin ..

" Apo do this for me .. gusto mo bang sama ng loob ang ibaon ko sa kabilang buhay ? " this time ako naman ang nagulat sa mga sinasabi nya .. " May cancer ako and I want to spend my last days sa paborito kong apo .. make me happy Dustin .. " after she said it umalis na sya sa study room .. 

** END OF FLASHBACK **

That's why I end up hurting Lorisse .. lagi kong sinisisi ang sarili ko nang malaman kong naging miserable ang buhay niya, ni hindi sya kumakain ng maayos at pinabayaan nya ang pag-aaral nya at ang sarili nya .. Pinilit ko rin syang kalimutan pero di ko nagawa, mas lalo ko lang syang minahal ..

Si Ria naman ? Pinakisamahan ko sya, pinilit kong mahalin sya pero di ko nagawa kaya naman ng makahanap ako ng pagkakataon inexplain ko sa kanya lahat-lahat ng nangyari sakin, yung pag-iwan ko sa taong mahal ko kaya naintindihan nya ko .. Ganun din naman si Lola, nag-sorry sya sa ginawa nya at sinubukan nyang kausapin si Lorisse para iexplain yung nangyari pero pinigilan ko sya .. Ayoko ng saktan pa si Lorisse .. Mahal na mahal ko sya ..

" Hey Jiro, san ka ? " tinawagan ko si Jiro .. gusto kong malasing kahit ngayon lang para naman kahit sandali mabawasan ang nararamdaman ko ..

" Dito sa bar .. " inend ko na yung call at nagmadali na kong pumunta sa bar nya ..

** Galaxy Bar **

So-Called LOVE ( OnGoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon