"Uhaw sa Pag-ibig"

1.6K 15 4
                                    


Di pa man sumisikat ang araw
Sarili ko'y nasa bintana't naka dungaw
Malayo ang mga tingin
Sing-layo ng pagmamahal mo sa'kin.

Bawat umaga ikaw ang aking nakikita
Wala ka mang mukha ngunit ika'y aking nadarama
Sana'y katulad ako ng mga ibon
Malayang namumuhay kahit galit ang panahon.

Nasaan ka na nga ba?
Puso ko'y hanggang ngayon ay umaasa
H'wag sana'y pahirapan pa
Maghihintay ako hanggang sa ating pag tanda.

Walang oras na hindi kita iniisip
Pilit kang naglalaro sa 'king panaginip
Balang araw mga puso nati'y magtagpo din
Pagmamahal ko sayo'y sing lawak ng aming bukirin.

Puso ko'y pagbigyan mo
H'wag mo sanang hintaying sumabog ito
Di ko kaya pag ika'y lumayo
Pagkat ikaw lamang ang tinitibok nitong aking puso.

Gawin ko ang lahat maangkin ka lamang
Ayoko ng umiyak ng walang dahilan
Hahabulin kita kahit lubak-lubak ang daan
Pakiusap, h'wag mo lang akong iwanan.

- August 21, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon