Si Sam at Si Yumi

9 1 0

Scene 11 (Sa isang bahay na di kalayuan kina Yumi)
       Isang kotse ang pumarada, at bumaba ang nakasalamin, matipuno, at gwapong binata.
   At pagdaka'y napatingin sa kanya ang mga kababaihan. At may napatili pa nga dahil sa sobrang kilig.
    "Oh, my G, ito na ata ang prince charming ko", sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Yumi na muli ay napadalaw sa pook nila Yumi
      "Naku girl, talo tayo kapag nakita ng lalaking yan si Yumi" dugtong ng isa pang kaibigan

Scene 12 (Sa Bahay nina Yumi)
       "Girl may balita kaming tiyak na ikabibigla mo" may pagkasabik na pagbanggit ng kaibigan kay Yumi
       "Ows talaga?, mabibigla ba talaga ako diyan?" tanong ni Yumi
       "Tara sumama ka sa amin ng mabigla ka" banggit ng kaibigan habang hinahatak si Yumi

Scene 13 (Sa tapat ng bahay ng binatang mayaman)
       At nagtungo nga sila sa tapat ng bahay ng mayamang binata
       "Ano pong kailangan nila?" tanong ng binata
        "Ikaw, ikaw ang kailangan ko" sagot ng isa sa mga kaibigan ni Yumi
       "By the way my name is Sam, and you?" tanong ng binata na nakaabot ang kamay kay Yumi
      "Ah eh, im Yumi" sagot ni Yumi at iniabot din ang kamay sa binata
        "Bagay sayo ang pangalan mo, napakaganda mo" banggit ng binata at hindi pa binibitawan ang kamay ng dalaga
        "Ahmm, salamat ikaw din napakagwapo mo" banggit ni Yumi na napayuko sa sobrang hiya at kilig na nadarama
         "Ahmm wait may ibibigay ako sayo, wait mo lang ako diyan" patakbong pumasok saglit sa bahay
           "Omg, omg, mukhang kumuha siya ng kutsilyo girl at kinuha ang puso niya, at iyon ang ibibigay niya sayo" biro bg isang kaibigan ni Yumi na nasasabik sa ibibigay ng binata
          At iniabot nga ng binata ang isang papel, na may nakalagay na "I love you".
         "Pwede mo bang basahin kung ano yung nakalagay, pwede mong lakasan aa" pangungusap ng binata
         "I love you", banggit ni Yumi
         "I love you too, so, tayo na?" tanong ng binata
         "Oo, tayo na", sagot ng dalaga
           At naghiyawan nga ang mga kaibigan nina Yumi sa sobrang kilig na nadarama

Si JC at si YumiBasahin ang storyang ito ng LIBRE!