Chapter 8: Love Rekindled?

173 6 10
                                    

Sometimes you have made a decision and you find it hard to accept the consequences or worse you are not prepared to face its outcome...and you just end up wishing for everything to be back to how it has been.

"Uuuuy. Delivery for Joshua. Monthsary n'yo?" sabi ng receptionist habang inilapag ang bouquet of white roses sa table ni Joshua. Parang lumundag ang puso ko ng makita ko yun. Malamang hihingi ng second chance si Joshua sa akin.

"Hindi namin monthsary" pangiti kong sinabi. Hindi ko maitago ang ngiti ko. Kahit ako na ang may kasalanan, s'ya pa rin itong makikipag ayos sa akin.

"Oh Josh, may dumating na flowers." , sambit ng receptionist nang dumating si Joshua.
Napatingin sa akin si Joshua, nginitian ko s'ya.

"Ah thank you. Para to kay kay Ms. Shane. Birthday n'ya ngayon eh." Sabi ni Joshua, sabay kuha ng bulaklak sa table at exit sa scenario.

Yung totoo, I feel devastated when he said that. Sometimes, when you thought you had rekindled the love...when you thought that everything can still be fixed... it is also when you realize that what you have done can have a permanent damage in someone else's life.

*****

Nagkakasabay pa rin kami madalas ni Joshua sa pagpasok at pag-uwi. Pero ito yung pagsasabay na hindi sinasadya o hindi namin ginusto. Minsan nagpapalate na nga ako, pero para bang pinaglalaruan kami ng tadhana kaya madalas kami nagkakasama.

"Hi Josh, late na ah. Nandito ka pa." bati ko sa kanya.

Tumango lang si Joshua. "Late na nakalabas ng office. Ikaw?"

"May kinitang kaibigan." Sagot ko rito.

At kadalasan, sa ganon lang natatapos ang aming pag-uusap.

Kahit nga sa van na magkasunod naman kami sa pila, pinauuna nya akong sumakay tapos iiba sya ng pwesto. Basta hindi sa tabi ko. Pakiramdam ko may nakakahawa akong sakit. Pero natural lang naman siguro yon, sinaktan ko yung tao. Bakit nga naman n'ya gugustuhing lumapit pa sa akin?

Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanya. Madalas na s'yang late pumapasok at late umuuwi. Madalas na tulala. Madalas ko din mapansin ang mga dumi nya sa katawan, para bang nagtatrabaho sya sa talyer at di nya naaalis ang mga grasa sa katawan nya ng mabuti.
*****

"Nakakainis, alam ko may dala akong payong eh" sabi ko sa sarili ko habang hinahalungkat ang aking bag.

"Ito o, gamitin mo muna" alok ni Joshua sa akin.

Umiling ako sa kanya. "Hindi.Hindi..Yung isa mo ngang payong nasa akin pa" Pero kinuha ni Joshua ang kamay ko at inabot ang payong habang s'ya ay sumugod na sa ulan.

Siguro ito ang hindi magbabago kay Joshua, ang pagiging gentleman nya. Pag tatawid kami, kahit hindi na nya hinahawakan ang kamay ko. Alam ko sinasabayan nya ako tumawid dahil hindi ako marunong tumawid. Pag umuulan at wala akong payong, inaalok nya ang dala nyang payong sa akin. Kahit tumatanggi ako ay inilalagay nya ang payong nya sa kamay ko sabay sya ang susugod sa ulan at magpapabasa. Nakakamiss yung mga panahong ibibigay nya ang jacket nya sa akin para panakip sa ulo ko. Yung pag bibigay nya ng polo nya sa akin para hindi ako malamigan.

Bakit Julia? Bakit mo itinulak palayo ang lalaking tulad ni Joshua?

*****

Buong gabi kong yakap yakap ang teddy bear na binigay ni Joshua. Buong gabi, tulad ng mga nakaraang gabi ay pinagsisisihan ko ang pakikipaghiwalay ko kay Joshua.

"Bukas makikipag ayos ako kay Joshua." Sabi ko sa teddy bear. Niyakap ko to ng mahigpit at decided ako na makikipagbalikan ako kay Joshua.

Pagkagising ko ay nagluto ako ng pambaon ko at para kay Joshua na rin. Naeexcite ako na alukin sya na mag almusal kami. Ginawa kong korteng puso ang kanin at sa ibabaw nito ay ipinatong ko ang korteng puso ding sunny side up at sa gilid at tapa at tocino. Mas marunong magluto si Joshua sa akin pero for sure maaapreciate nya ang gawa ko.

Excited akong pumunta sa sakayan, umaasang makakasabay si Joshua. Pero late na nun, kaya malamang nasa office na si Joshua. Kaya nagpasya na akong sumakay ng van.
Pagpasok sa office, wala pa rin si Joshua. Late na ako ng 15 minutes, pero mas late pa ata si Joshua sa akin. Lumipas na ang umaga, wala pa rin ni anino ni Joshua. Lumagpas na ang lunch, walang Joshua na nagpakita. Nag message ako sa kanya pero walang reply si Joshua.
Kinabukasan, naghanda ulit ako ng baon para sa aming dalawa pero wala pa ring paramdam si Joshua. Hanggang lumipas na ang tatlong araw walang pumapasok na Joshua sa office. Na kahit ang mga katrabaho namin o ang boss namin ay walang alam sa nangyari sa kanya.

*****

Pagkauwi ko, nakita kong bukas ang ilaw sa apartment ni Joshua. Pupuntahan ko ba s'ya at tatanungin bakit hindi s'ya pumapasok? Pero baka gusto nya munang mapag isa. Umuwi ako sa bahay at pinabayaan muna si Joshua.

Alas tres ng madaling araw naalimpungatan ako. Pumasok sa isip ko si Joshua at napadungaw ako sa bintana ko kung saan masisilayan ko ang apartment ni Joshua. Nakita kong bukas pa rin ang ilaw ng apartment nya. Busy ba sya? Bakit madaling araw na eh hindi pa sya natutulog?

Alas singko ng madaling araw ng bumaba ako sa salas, mas maaga sa usual na gising ko. Nag ayos para pumasok. Igagawa ko pa ba si Joshua ng pagkain? Baka hindi na naman s'ya pumasok.
Pero kahit mas lamang ang posibilidad na hindi sya pumasok ay iginawa ko pa rin sya ng pagkain. Nang papasok na ako, nadatnan kong bukas ang ilaw sa apartment ni Joshua. Papasok kaya s'ya?
Hindi na ako nag isip pa at pinuntahan ko sya sa apartment nya

"Josh??" pagkakatok ko, Nakita ko na bukas ang pinto ng apartment. Walang pagdadalawang isip at pumasok ako sa apartment.
"Josh?" entrance pa lang ang dumi na ng apartment ni Joshua, puro alikabok ito. Lahat ng gamit ay nasa isang sulok lang.

"oh my...." Napatulala ako... hindi ko alam ano ang dapat maramdaman.. nag freeze ang mundo ko.

Nakadrawing ang buong mukha ko sa isang buong pader ng apartment ni Joshua.

"wow" sobrang amazed ako sa pagkakadrawing n'ya ng mukha ko by just using charcoal. Nilapitan ko ang pader, napapabuntong hininga ako sa ganda ng gawa ni Joshua. Napapangiti. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

"Josh??? Asan ka?" palinga linga ako habang hinahanap sya. At nakita ko syang nakandusay sa sahig katabi ng scaffolding na gamit nya sa pagdodrawing.
Nanlaki ang mata ko at agad ko syang pinuntahan "Josh???? Joshua!! Gising." The next thing I know, nasa emergency room na kami ni Joshua at walang tigil ang agos ng luha ko.
*****

Luckily, hindi naman malala ang kondisyon ni Joshua. Akala ko nahulog sya sa scaffolding at nabagok ang ulo nya. Sabi ng doctor, mental fatigue at exhausted lang daw at kailangan lang ng complete rest at hindi muna dapat makaramdam ng stress si Joshua.

"Sabi ng doctor complete rest ka muna. Alam na rin sa work, inasikaso ko na rin yung sa HMO mo kaya wala ka ng proproblemahin sa bills dito sa ospital." Paliwanag ko kay Joshua habang inaayos ang mga pinamili kong pagkain para sa kanya.

"Tinawagan ko na rin ang mama at kapatid mo para hindi mag alala." Sabi ko sa kanya, pero hindi nya ako kinikibo. "Josh? Okay ka lang? naririnig mo ba ako?"

"Nandito ka ba kasi naaawa ka sa akin?" tanong sa akin ni Joshua.

Napatigil ako. Hindi Joshua. Hindi ako nandito dahil naaawa ako. Nandito ako dahil mahal na mahal kita.

"Kung nandito ka dahil naaawa ka sa akin, okay na okay lang sa akin... okay lang sa akin na manatili ka kahit dahil lang sa awa. Mahal na mahal kita Julia. Ayaw kong mawala ka sa akin." sabi ni Joshua habang umiiyak. "Please wag mo ko iiwan" dagdag pa nito.

Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ko alam bakit kung anu ano ang pumapasok sa isip ko. Mahal ko si Joshua. Mahal ko sya pero pagmamahal din ba talaga ang nararamdaman ni Joshua sa akin? o ito at fascination lang dahil sa love spells ni lola? Mahal nga ba talaga ako ni Joshua o ninanakaw ko lang ang feelings nya? Ninanakaw ko lang yung pagmamahal na pwede nyang ibigay ng totoo sa ibang tao?

Napapikit ako at napaluha. Kaya ko ba? Kaya ko bang tanggapin ang pagmamahal na alam ko namang ninakaw ko lang?

photo credits to Renz Calzada

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love & SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon