Levie

5 2 0
                                        

Nung makilala kita napunan mo ang kalungkutan sa pagkatao ko.  Ikaw ang naging pamilya ko, ikaw ang tagapagtanggol ko at tanging ikaw lamang ang nakakakilala sa pagkatao ko.  Sa ilang araw, linggo, buwan, taon, saya, lungkot, mga okasyon na tayo lamang ang magkasama nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko.  Doon ko lalong nakilala ang tunay na ako.  Ako na nagsimula sa wala na ngayo'y meron ng ikaw.  Ako na mahina ngunit pinalalakas ng pagmamahal mo. Ako na walang tahanan pero binigyan mo.  Ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ang walang dereksyong buhay ko.

Marami na tayong pagsubok na nalampasan.  Magkasama tayong hinarap lahat ng yun.  Hindi mo ako iniwan kahit matagalna kitang pinagtutulakan.  Pinagtutulakan kita palayo sakin dahil takot ako,  takot na baka isang araw sayo mismo magmula ang salitang "suko na ako". Sa kabila ng lahat lalo mo akong minahal. Sa likod ng kahinaan ko andyan ka tinatayo ako.

Ngunit isang araw isang pagkakamali ang nagawa ko.  Gusto ko munang mapag isa yung wala ka. Hindi mo ako pinagbigyan kc sabi mo di mo kaya ang mawala ako.  Naging makasarili ako. Tinuloy ko ang pagkakamaling naisip ko.  Yun lang ang paraan para mahingi ko ang kalayaan na gusto ko.  Pinagpalit kita para na rin kitang pinatay nung araw na yun. Hindi kita masisi tingin ko sayo parang gumuho mundo mo.  Naaawa ako sayo pero nanaig pa rn sakin ang kagustuhan kong makawala sau.

Ilang buwan mo ring sinira buhay mo. Inom ng alak at sigarilyo ang tanging alam mong makakalunas sayo. Nakokonsensya ako pero wala na huli na. Pinilit ko pa ring ayusin ang buhay mo nakikipagkita ako sayo para lang masigurong hindi mo sisirain ang buhay mo at mapunta sa wala.  Pero nagkamali na naman ako kc lalo lang pala kitang nasasaktan.

Kaya nagdesisyon akong tuluyan ng lumayo paunti unti para sa ganun hindi na kita nasasaktan pa. Nagawa ko man ito sau pero di ako nagsisisi. Bakit?  Kc hindi ako karapat dapat sayo.  Sa ngayon tanging ala ala mo na lang ang baon ko sa araw araw.  Kahit saan ako tumingin anjan pa rn lahat nakakabit ka na kc sa pagkatao ko. Sa ngayon sana magfocus ka na lang sa pamilya mo.  Sa mga kaibigan mo na nagmamahal sayo sa bagong tao na mahal ka. Mag iisang taon na rin pala ng iwan kita. 

Kaya para sayo aking mahal...  Paalam bahagi ka pa rn ng buhay ko.  Hindi kita makakalimutan.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 19, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

levieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang