"Kaninung pira ang ginamit niya?" she wailed, mataas ang tono ng boses niya, may galit at pighati ngunit hindi pa rin sapat upang mapansin ng mga taong naghihiyawan na sa loob ng simbahan dahil sa wakas ay natapos na ang kasal.

"Lukrecia!" Narinig ni Lukrecia ang pagsigaw ng Mama ni Dudong nang bigla siyang tumakbo papasok ng simbahan.

Napatingin din ang mga taong naka-upo sa silya at pumalakpak noong binaybay niya ang kahabaan ng red carpet.

"Sino siya?" bulong ng mga tao. Lukrecia was wearing her casual attire,---pangsimba na heels, pang-holy communion na puting palda na sa sobrang haba ay puwede ng ikumot ni Nobita, at blouse na pang semana santang kulay pink na dinaig pang manamit si Madam Auring.

Nakita niyang lumingon si Dudong sa kanya. Pati na rin ang babaeng pinakasalan nito..

"Lukrecia..." Nakita ni Lukrecia na nalaki ang mga mata ni Dudong at maya-maya pa ay lumapit siya bride.

"Omo!" ani ng bride.

"Walang heya ka!" sigaw ni Lukrecia at pinagpupunit niya ang suot nito hanggang sa panty at bra na lang ang matira.

"Diyos ko!" sigaw ng mga bisita nang makitang nakapanty at bra na lang ang bride.

"EVIL SPIRIT! Lumayo ka!" sigaw naman ng pari sabay saboy ng holy water kay Lukrecia.

B R I D E

"Omo!" ani ulit ng bride, nakalapat ang mga kamay sa bra at panty. Nakita niya kung gaano ka-iba ang tingin ni Lukrecia sa kanya. Parang gusto siyang patayin nito.

"Babe," niyakap niya si Dudong.

L U K R E C I A

Habang pinapatugtog sa buong simbahan ang "OPEN ARMS" ay nagawa ni Lukrecia na gawin iyon sa bride.

Nakita niyang namula ang pisngi nito dahil nagmistulang lumpia ang bride nang pinapupunit ni Lukrecia ang gown nito gamit ang ngipin.

"Bruha!" sigaw ng nanay ni Dudong nang makalapit sa altar at maya-maya ay sinabunutan si Lukrecia.

"STAY AWAY FROM THIS CHURCH, EVIL SPIRIT!" sigaw ng pari na balde balde na ang sinasaboy na holy water kay Lukrecia.

Iyong mga bisita ay kani-kaniya na ang pagro-rosaryo at pagdadasal ng ebanhelyo. Iyong namang parents ng bride na nasa unahan ng kaliwang rows ng mga upuan ay tumatalon-talon na habang umiiyak. Sirang-sira na ang kasal ng anak nila.

"Haya!" itinaas ni Nenita(Nanay ni Dudong) ang maikling biyas para karatehin si Lukrecia pero nakailag naman agad si Lukring.

"Whoa!" Itinaas naman ni Lukrecia ang parehong paa at nag-high kick sa ere para karatehin si Nenita. Natanggal ang pustiso nito nang tumama sa front teeth niya ang heels ng pangsimbang sapatos si Lukrecia.

N E N I TA

Nang mahimatay hindi dahil sa sakit kundi sa hiya si Nenita ay muli namang nilingon ng basang-basang si Lukrecia (dahil sa holy water) si Dudong...

L U K R E C I A

Napaatras si Dudong...

"Magsesesi ka sa lahat ng genawa mu sa akin Dudong. Menahal keta piru anung genawa mu?" humagulhol na ani Lukrecia habang sinasabuhay pa rin ng holy water ng pari.

D U D O NG

"Lukrecia..." susundan sana ni Dudong si Lukrecia nang makitang tumakbo ito palabas ng simbahan kaso...

"Bih, anu ba..." Maarte siyang pinigilan ng asawa niyang naka-panty na lang at bra.

L U K R E C I A

Nagpatuyo si Lukrecia sa waiting shed. It took her three hours bago natuyo ang damit niya yet it takes century bago matuyo ang mga luha sa mga mata niya...

"Dudong..." she wailed. May lumapit na binata sa kanya. Cute ito pero wala siyang paki-alam. Kahit na ganoon ang nangyari sa simbahan ay kay Dudong pa rin umiikot ang mundo niya.

*   *   *
K I D  A L L E N T O N

"Sir, dito ho huminto 'yong bus na sinusundan natin," ani ng taxi driver kay Kid Allenton na nasa backseat lang.

Palinga-linga si Kid sa buong lugar na hinintuan nila. Hindi siya pamilyar sa lugar peto it's actually a bus terminal.

"I'm gonna pay you right?" tanong ni Kid na walang ka-alam alam kung paano ang siste sa pagsakay ng taxi.

"Siyempre sir, 778 pesos 'yong babayaran niyo. Nasa metro oh," medyo inis na sagot ng driver sabay turo sa metro kung saan nakalagay roon ang total amount na babayaran ni Kid. PHP 778.25.

Nagbayad na si Kid ng isang libo at sinuklian naman siya ng driver.

"I'm gonna go outside right?" tanong ni Kid.

"Malang sir."

Lumabas na si Kid. Tumama sa baby skin niya ang sinag ng araw which makes him look like glowing here infront of the bus terminal.

"Saan ba 'yong babaeng 'yon?" tanong ni Kid habang nakatanaw sa mga bus na naka-park rito sa loob ng bus terminal. He's pertaining to Lukrecia. Iyong babaeng nakita niya sa waiting shed kanina.

Kung bakit niya ito gustong sundan, simple lang naman. Gusto niyang malaman kung bakit ganoon ito kumilos at magsuot ng damit. Trip na trip ni Kid ang mag-analisa ng tao at sa araw na ito ay napili niyang subject si Lukrecia.

Parang batang nawawala si Kid habang pumapasok sa mga bus at tinatanaw kung naroon si Lukrecia. Tinitilian siya ng mga babae habang masama naman ang tingin sa kanya ng mga driver.

"Hoy!" sita sa kaniya ng isang konduktor.

Lumingon si Kid. Nasa dulo siya ng bus.

"Kanina ka pa ah?" ani ng konduktor.

Hindi nagsalita si Kid.

"Sasakay ka ba o bababa ulit?"

Parang asong nabahag ang buntot ni Kid kaya napaupo na lang siya katabi ng isang lola na may dala-dalang lata ng bonakid.

Ngumuso si Kid nang tinawan siya ng Lola. "Kay guwapo mo namang bata!" gigil na gilagid na ani sa kanya ng matanda.

Awkward lang na natawa si Kid.

Lumipas ang ilang minuto, nadadagdagan ng pasahero ang bus na sinasakyan ni Kid. Walang ka-alam alam si Kid kung anong nangyayari. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakasay sa isang pampublikong bus. Bagong-bago sa kanya ang makakita ng mga taong may dalang malalaking bag at inilalagay sa ceiling ng bus. Bago sa paningin niya ang makakita ng konduktor na sobrang daming pera nakaipit sa gitna ng mga daliri. Bago sa paningin niya ang makakita ng vendor na nagtitinda ng mani.

"I want the whole container," sagot ni Kid sa nagtitinda ng mani. Ang vendor na may dala ng mani at ang mga taong nasa loob ng bus ay weirdong napatingin sa kanya. Kailan pa ba kasi sila nakakita ng pasaherong gustong bilhin ang isang container ng mani?

L U K R E C I A

Umiiyak pa rin siya. Nasa loob na siya ng bus ngayon.

Maya-maya pa ay nahinto siya sa pagsinghot ng uhog niya nang makita niya iyong binatang nag-alok sa kanya ng pera sa waiting shed na inuupuan niya kanina. Nakaupo ito sa bus na katabi ng bus na sinasakyan niya.

Bagmat hindi kilala ay nagtaka si Lukrecia. "Senusundan niya ba aku?" aniya.

Mabuti na lang at lumarga na ang bus na sinasakyan niya.

Uuwi na siya sa probinsya.

Kakalmutan na niya si Dudong.

Napahagulhol ulit siya.

Hindi niya kayang kalimutan si Dudong.

Mahal niya kasi talaga.

*  *  *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now