Chapter 13

33 0 0

Chapter 13

[Darren's Heart]

Well, kasama ko ngayon si Aerith sa MOA.

Malamang di pa bukas ang Star City kasi ang aga-aga naming lumakad.

Kaya naisipan ko munang tumambay dito habang naghihintay na mag-2pm.

Mga 12:30 na rin kaya nagutom na ulit kami.

Nakapila ako ngayon sa isang stall sa may food court at bumibili ako ng pagkain, si Aerith naman nakaupo lang dun.

Pucha ang tagal.

After hindi ko alam kung ilang minuto ay nakabili na rin ako sa wakas.

"Here." sabi ko nang nilapag ko na yung tray.

"Yayyyy!" parang batang excited naman 'to nung nakita yung pagkain. Tss

Kumain na kami ng tahimik dahil alam niya na na ayaw kong dumaldal habang nakain.

"Darren?" napahinto ako sa pagkain nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa likod ko.

Pagkalingon ko.... Siya ang nakita ko. Pero kasama niya pa yung g*gong syota niya.

"Nicole..." bigla kong nasabi at napatayo na lang ako.

"Hey, long time no see." nginitian niya ko.

"Renren? Sino siya?" di ko napansin na tumayo na rin pala si Aerith.

"Hello, I'm Nicole Uy, Darren's... ex."

Di ako makapaniwala sa sinabi ni Nicole. F*ck, dire-diretso niyang sinabi yun na parang wala siyang ginawang masama.

Tinignan ko reaction ni Aerith, parang gulat siya?

"Ah! Hello! Ako nga pala si Aerith... his fr---" pinutol ko sinabi niya at hindi na ko nag-isip pa at inakbayan ko na lang siya bigla.

"She's my girlfriend."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Nicole, wala na kong magagawa kung hindi magkunwari na boyfriend nitong si Aerith, she might think na di pa ko nakakamove on sa kanya. Tss... ASA!

Mukhang nagulat rin si Aerith as she cluelessly looked at me, kaya nakipagcommunicate ako sa kanya with my eyes at mukhang nakuha naman niya.

"Ah...HAHA! Yes girlfriend nga pala ako ni Renren! HA-HA-HA!" pucha mukha pa siyang nagpapanic, she sucks at acting.

"Ah... I see... Mukhang masaya ka naman pala Darren. Hahaha I was worried na---"

"Hindi pa ko nakamove on sa 'yo? Tss, asa!" pagtuloy ko sa sinabi niya.

"Tara na nga Aerith, wala akong panahon para sa mga g*gong andito." I said then pulled Aerith's hand at lumayo na kami.

-------

Naglalakad na kami palabas ng mall.

"Renren...." mahinang tawag ni Aerith

"I don't want to hear stupid questions right now Aerith." matigas na sabi ko.

"P-pwede bang at least, bitawan mo kamay ko?" napahinto ako sa sinabi niya.

What the f*ck oo nga nakalimutan ko bitawan kamay niya.

Pagkabitaw ko ng kamay niya parang nakaramdam ako ng init. T*ngina ano ba 'to.

"T-tara na, Star City na!" bigla niyang sigaw at tinapik balikat ko.

Okay what the heck was that awkward atmosphere just now?

-----------

Nakarating na kami sa Star City, hindi naman mahaba pila kaya nakapasok kami agad.

Naglakad-lakad muna kami para tignan kung anong pwede naming sakyan. Hindi naman kami pwedeng magpadalos-dalos kasi nga may sakit siya.

"Renren! Snow world tayo!" biglang sigaw niya habang nakaharap siya sa 'kin.

Mukha na naman siyang excited na bata... which I find cute.

Wait, what? Ah what the hell.

"Oo na oo na." napangiti na lang ako sa kanya. Ah what the f*ckin' hell is happening to me these past few weeks.

"Yayyyy! Daliiii!" tas hinatak-hatak na niya braso ko.

Hinayaan ko na lang siya na magsaya, without noticing, ako rin nag-enjoy na.

Habang nilalaro niya yung snow sa ground. Tawa siya ng tawa at nakatingin sa 'kin.

*dug dug dug dug*

T*ngina ano 'to.

Nagslowmo ang lahat. Anong nangyayari?

*PAK!*

I came back to my senses nang bigla akong tinapunan ng snow ni Aerith.

"Hoy!! Why are you spacing out? Psh!!"

Napatawa na lang ako at kumuha ako ng snow at tinapon rin sa kanya. Feeling talaga namin nasa ibang bansa kami.

T*ngina, kung ano man 'tong nararamdaman ko.

Hindi 'to maganda.

----------------

A/N: Yayyyy! On-going na ulit 'to! Hahahaha tatanggalin ko yung mga emoticons sa previous chapters OTL xD Votes and Comments are highly appreciated! <3

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!