ulap

8 0 0
                                        

Lugar na napakalawak ,
Lahat ay gustong humawak,
Ito ay pinapangarap,
Mayaman man o mahirap

Angkin pati liwanag at ganda,
Magabi man o umaga.
Ito ay laging tinitingala,
Sa mga taong humahanga.

Pagkat dito'y nakakahanap pag-asa,
Itong mga taong sawi at nagdudusa.
Ang makikislap na bituin sa ulap,
Nagbibigay sagot sa mga hinahanap.

Tumitingala sa himpapawid,
Itong gulo ay napapatuwid.
Ikaw man'y napakataas na abutin,
Balang araw ako'y makakakapit rin.

random PoemsWhere stories live. Discover now