Chapter 10: Death for Cutting Class

I really hate being in the dark. I hate the feeling that I'm being used and I don't really like feeling stupid. Everything seems like crap now.

Four days. Four days na kaming walang naririnig tungkol kay Van. Kahit si Tyler ay umiiwas kapag nakikita namin. Hindi na rin ako kinausap pa ni Ethan. And Makki is... Makki-- as always-- busy with his d*mn hobby: manwhoring. He sure got a load of teenage hormones.

"Thank God, it's Fridaaayyyyy!" Matinis ang boses na sigaw ni Jamie mula sa banyo.

"Oh, crap! It's Friday!" Bulalas naman ni Mirden na naglalagay ng libro sa bag. Isinilip ni Jamie ang ulo niya mula sa banyo at saka nagtanong. "Why?"

Isinuot ni Mirden ang glasses niya. "Exams! Kahit papaano ay gusto kong manatili sa Top 23. Hindi ko man makuha yung ibang category, kahit man lang sa grades, makabawi ako."

I frowned. Ganun ba kaimportante ang ranking? And what's mine, by the way? I guess I'll find out after the exams. And of course, I won't even care about it. Wala sa kondisyon ang isip kong paghandaan ang exam.

"Sa Monday pa naman yun, di ba? I got a better idea!" Nakangiting wika ni Jamie. Nauubos na ang pasensya ko sa usapan nila. Kinuha ko ang tuwalya at lumakad papuntang banyo. Hihilain ko na lang siya palabas kung wala siyang balak na magmadali sa paliligo.

Lumingon sa akin si Jamie. "Let's go to the mall!" Energetic niyang wika. Mirden frowned at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Mukha namang maganda ang ideya ni Jamie.

"I'd rather study," wika ni Mirden. Itinulak ko papasok si Jamie sa banyo at isinara ang pinto nito saka pumunta sa direksiyon ni Mirden. Kinuha ko ang bag niya at itinabi iyon sa ibaba ng kama. Gulat niyang inangat ang paningin sa akin.

"Pupunta tayong mall," seryoso kong sabi.

"Pero! Ayokong umabsent," tutol niya.

"O magsusunog tayo ng libro," dagdag ko sa sinabi ko kanina.

"Tara na sa Mall! Jamie! Magmadali ka na diyan. Kailangan pa nating planuhin ang pagtakas natin," sigaw ni Mirden kay Jamie na sinagot lang nito ng isang matinis na tawa.

Ilang sandali pa ay nasa labas na kami ng dorm at hinihintay ang pagpapalitan ng mga gwardiya. Nang makita naming pumasok ang gwardiyang nagbabantay kasama ang kahalili niya sa Guardhouse upang magpalit ng uniporme, sabay-sabay kaming tumakbo palabas ng gate ng Montello High at palayo sa school.

Hindi pa rin makapaniwala si Mirden na nagawa niyang mag-mall sa halip na pumasok sa klase at magreview. Jamie is amazed at the success of our plan.

"Hindi ko tuloy alam kung tama ba na kinaibigan ko kayong dalawa. Kapag bumaba lang talaga ang rank ko sa school na ito then my Dad will definitely have a word with me!" Humihingal na wika ni Mirden nang huminto kami at nag-abang ng taxi.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!