"Ano bang kasalanan ko? Ano bang naging mali ko? Ang alam ko lang naman minahal kita, kasalanan na ba ang magmahal?" agad na pinunasan ni Charot ang luhang patuloy na duma-daloy sa mukha niya. "K-Kung oo, tama na, i-ti-tigil ko na 'to, puputulin ko na, dahil hindi na masaya at ang sakit-sakit na!" huminto siya at saka huminga ng malalim. "Tandaan mo, simula ngayon hindi na ako mag-ma-mahal pang muli." tumingin siya sa mata ng binata at saka tuluyan itong umalis sa pwesto niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha na nagmula sa mga mata niya.


***

Mahalagang paalala, ang lahat ng mamababasa mo sa akdang ito ay nabuo lamang dahil sa aking malikot at malawak na imahinasyon, kaya kung may pagka-katulad ito sa nangyari sa buhay mo o sa sino man na kakilala mo ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Nais ko rin na malaman mo na lahat ng pangalan, lugar, katauhan, trabaho, okasyon, at mga pangyayari na may kinalaman sa iyo ay hindi ko inaasahan na nangyayari sa totoong buhay. This is a work of fiction by mrgabbybalahadia.

Hello, Charot (2nd Hello)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!