(advance) HAPPY MOTHER'S DAY kay mommy Chelle! lol. syempre pati na rn sa mga PB readers na mommy na(meron ba?XD) at sa mga nanay nyo na rin~ v^ω^v

- - - - - -

x21: Protector

[RACHELLYN's PoV]

*budum*budum*

A-Ano ba toh. Nakalabas at nakalayo na nga ko sa clubroom pero ito..

*budum*budum*

Yung puso ko, ayaw pa ring kumalma. Tapos yung dibdib ko naninikip pa.

Sa gulo ng pakiramdam ko, di ko namalayang sa CR sa may kabilang building pala ako nakapunta.

Doon hinugasan ko ang mga kamay ko. Baka sakaling matanggal ang panlalamig at panginginig ng mga ito.

*sniff

Tch. Pinatay ko na yung gripo at pinatuyo ang mga kamay ko.

*sniff

EH ANO BA.. >___

Bakit ba gusto kong umiyak? Wala naman akong dapat iiyak ah?

Diba? Wala naman?

Kahit ba nakakasama talaga ng loob yung nalaman ko kanina, di pa rin sapat na dahilan yun para umiyak ako. Di ko naman kasi hawak ang buhay ni Adrian eh. Gustuhin man nya o hindi, pwedeng-pwede sya ulit magka-anak sa...sa kahit sinong babae.

AT ANG SAKIT LANG TALAGA NUN TANGGAPIN.

*sniff *sniff

MALIIII.. >___

Wala lang toh. Wala lang ang sakit na toh.

Ayos lang na magkaroon na ng kapatid si Andy kay Adrian, basta para sakin sya lang baby ko. Ayos lang na mabawasan na ang atensyon ni Adrian sakanya, basta ako, nasa kanya lang ang buong atensyon ko.

Kahit pa hindi na kami ang ituring ni Adrian na pamilya nya...a..ayos lang..

Kinagat ko ang labi ko at pilit na huminga nang napakalalim.

"Ayos lang yun, Rachellyn.. Ayos lang yun.." bulong ko habang nakatitig sa reflection ko sa salamin.

Tsaka ko lang napansin na medyo magulo pa rin pala ang buhok ko at..

OH NO..

Iisa na lang yung hairclip ko? Yung hairclip na binigay sakin nina Andy at Adrian? Nawawala yung isa!

Naguluhan na ulit ako. Di ko alam kung babalik ba ko sa clubroom para hanapin yun pero ayaw ko rin naman nang bumalik ulit dun.

Kahit kailan..ayaw na ayaw ko nang mapadpad pang muli sa lugar na yun.

Ayoko nang maalala pa ang mga nangyari dun kanina, yung mga naramdaman ko, maging ang mga nakita ko noon.

Isipin ko pa nga lang ang lugar na yun, sumasama na ulit ang loob ko. Lalo na ngayon kasi nakawala ako ng napakahalagang gamit.

Oo, hairclip lang yun pero binigay sakin yun ng anak ko eh. Lahat ng bagay basta may kinalaman kay Andy, pinapahalagahan ko nang sobra kaya sobra rin ang sakit na nararamdaman ko ngayong may nawala ako sa isa sa mga yun. Pakiramdam ko lang, wala akong kwentang nanay kasi di ko man lang maingatan ang mga binibigay sakin ng anak ko.

Sa sobrang sama ng loob at pagkainis ko sa sarili ko, tuluyan nang tumulo ang luha ko. Agad ko rin yung pinunasan at pinilit na pigilan ang pag-iyak ko.

Nakakainis.. Kanina sa clubroom lang pero ngayon, sa buong school na ko nagagalit. Kinasusuklaman ko na ang lugar na toh.

Inayos ko na muli ang sarili ko. Inalis ko na rin sa buhok ko yung isang hairclip at tinabi yun sa bag ko. Natakot na ko. Baka pati yun eh mawala pa at di ko na mate-take kung mangyari yun.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!