Chapter 13 [ Rebound ]

64 2 0
                                    

Kinabukasan.

Nagtext sakin si Marc.

From: Marc

"Para san yung kiss ? :) "

Di ko siya nireplyan. Wala kasi akong load.

Then may tumawag sakin. Unknown number.

Nung una, hindi ko sinagot.

Pero tatlong beses siyang tumawag. Kaya sinagot ko na.

"Hello?" -me

Ayaw niya sumagot. Baka nantitrip?

" Hello?!" -me

Ayaw pa din.

"Sige bye." -me

Saka siya nagsalita.

"Sorry."

Di ko siya mabosesan. Pero isa lang ang nasa isip ko kung sino ang nasa kabilang linya.

Si Paul.

"Paul. Alam kong ikaw yan. Pwede ba. Wag mo na kong guluhin. Masaya na ko. Masaya na kami ni Marc." -me

Shoot. Ano yung nasabi ko?

O.O

"So totoo palang kayo na." - Paul

Sige Lei. Panindigan ang pagsisinungaling.

"Oo kami na nga. Kaya pwede ba, wag mo na kong guluhin. " -me

Binabaan ko siya. Baka kung ano pang kasinungalingan ang masabi ko.

Defense mechanism? 

Hinanap ko yung planner ko dahil dun nakasulat ang telephone number ni Marc. Gusto ko ng makakausap. Kaya tinawagan ko siya.

"Hello?"

"Uhmm. Hello. Pwede po kay Marc?" -me

"Lei." 

"Maaaarc!" - me

"Oh bakit?"

"Tinawagan niya ko." -me

"Anong sabi niya?"

"Nagsorry. Tapos...... "  -me

"Tapos?" 

"Nagsinungaling ako." -me

"Nagsinungaling? Tungkol saan?"

"Sinabi ko na wag na niya akong guluhin dahil masaya na tayo."- me

May nginig sa mga labi ko. TAMA ba ang ginawa ko?

"E'di panindigan mo yung ginawa mo. *laughs* "

"Salamat ha ! Nakakatulong ka. Nakakatulong ka!" -me

Kabaligtaran.

"Haha. Eh anong balak mo?"

"Kaya nga kita tinawagan eh. Kasi hindi ko alam." -me

"Dalawa lang yan. It's either sasabihin mo yung totoo o itutuloy mo yang pagsisinungaling mo." 

"Bakit ko sasabihin ang totoo ? Sino ba siya?" -me

"Si Paul. Ang lalakeng mahal na mahal mo pa rin kaya hindi ka makaandar." 

Nakakainis si Marc. Masyadong prangka. >.<

"Hay ewan ko sayo! " - me

"Hahaha. Hindi ba totoo?" 

"Nakakainis ka promise! " - me

"Nakakainlove ka naman pag naiinis ka. *laughs* "

"Tse! Oh ano ngang gagawin ko?" -me

"May naisip ako."

"Ano yun?" -me

"Kung natatakot ka dahil nagsinungaling ka, bakit di mo na lang totohanin ang lahat?" 

"You mean....... " -me

"Oo." 

Napaisip ako. >.<

Waahhh! Nakakabaliw naman.

*awkward silence*

"Diyan ka pa?"

"Oo nandito pa. " -me

"Di naman kita pinipilit. Nasa sayo yan."

"Sige." -me

"Anong sige?"

"Totohanin na." -me

"Sigurado ka?"

"Oo. Sigurado ako." -me

"So it means, tayo na?"

"Hmmm. Oo." -me

"Totoo ba yan o palabas lang sa kanila?"

Napaisip na naman ako. Shooting star !  >.<

Di ako makasagot.

"Alam ko naman kahit hindi mo sabihin."

"Sorry." - me

"Ano ka ba! Okay lang."

"Salamat ha. "- me

"Nagpapasalamat ka dahil kinunsinte ko ang ginawa mo? Haha"

"Ewan ko sayo. Ang sama ko talaga." -me

"Di naman siguro. Baka parte talaga yan ng pagmomove on mo."

"Hay siguro nga." -me

"So pano. Magsasaing na ko. Text ka na lang pag may kailangan ka ah. " 

"Oo. Sige. Salamat ha. Bye." -me

*dial tone*

Alam kong mali ang ginawa ko. Hindi deserve ni Marc ang maging

sabihin na nating, 

REBOUND. 

Ang sama ko na. Siguro yung iba sa inyo sasabihing USER ako. 

Pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, baka magawa niyo rin  ang nagawa ko.

Itatago ko lang naman ang sakit.

At baka sa paraang ito, MAKAANDAR na ko.

Umalis ako. Nagdecide na pumunta ng mall para kumain ng lunch.

Nakakainis lang nung nasa jeep ako, sumasabay ang tugtog sa pangyayari sa buhay ko.

REBOUND.

Dati ang alam ko, sa basketball lang yun. Pero ngayon, pati pala sa pag-ibig may ganun.

Nakakasira ng bait! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Kasi Ikaw Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon