Ingat Kayo - Take Care

319 7 2

Abril 2013: Lungsod ng Pasig, NCR

   Nagkaroon ng isang malaking sunog sa Lungsod Pasig.

Reporter: "Live po ngayon sa aking kinatatayuan ang nagaganap na sunog sa isang tangke ng oil company na Felipenas Petroleum! Mukha pong kakalat na ang sunog sa mga karatig na tangke ng planta!"

Anchor: "Ano pang aasahan natin diyan, Miggy? Gasolina 'yang kalaban. Nasan na ang mga bumbero?"

Reporter: "Naubusan na ng foam ang mga bumbero! Tubig na lang ang nagagamit nila sa pag-apula ng apoy, pero ayon sa kanila, paubos na rin ito. Kasalukuyang humihingi ng karagdagang truck bago pa kumalat ang apoy sa iba pang mga tangke!"

Anchor: "Teka, Miggy! May nakikita ako dito sa kuha ng cameraman na lumilipad papunta sa usok. Ano ba ito? Puwersa rin ng BFP?"

Reporter: "Ka Soli, wala raw pong air contingent ang mga bumbero! Inuulit ko, wala pong air... Teka po mga kababayan! Ang nakita nating lumilipad papunta sa usok ay lumipad na sa mga ulap!"

Bumbero: "Sir Miggy, pwede pong magsalita? Salamat. Nakita ko na po dati 'yang maneuver na 'yan two years ago! Opo, totoo po! Naroon ako sa sunog sa QC noong 2011! Akala ko po clown lang o kaya shooting. Pero, pero..."

Anchor: "May isang malaking pillar of clouds ang bumababa sa langit, at nagigigng tubig itong babagsak sa sunog!"

Reporter: "Nakikita niyo po ba ito mga kababayan?!"

Security Guard: "Boss... Ah, boss... Bawal po magtape dito, sir! 'Di pa po 'ata kayo nagsurrender ng ID. Mapapatalsik po kami sa ganyan, sir."

Bumbero: "Sinasabi ko sa inyo, si Tinyente Tagalog 'yan!"

Anchor: "Cut na tayo, direk! Miggy, interviewhin mo! 'Wag mo paalisin! Papunta na 'ko diyan para sa autograph!"

***

   Siyang tunay, ito na ang pagbabalik ni Tinyente Tagalog. Ngunit, hindi sa katauhan ni Juan Felipe, kung hindi sa katauhan na ni Jose Pardo Emil Paramenos Arrabales. Sa pagbaba ni Jose para sa interview matapos mapatay ang sunog, nakumpirma na ng buong bansa ang pagbabalik na ito. Nakasuot ng barong tagalog, may helmet na natatakpan ang noo at mga mata, naka-khaki na pantalon, black shoes na may dinikit na stainless steel sa ilalim, nakasuot ng shirt na Three Stars and a Sun sa loob ng barong, at may necktie na may walumpung bituin. Tumodo ang ratings ng news channel na live sa naapula nang sunog.

"Tinyente, nakikilala mo pa ba 'ko? Ako 'yung bumberong nang-asar sa iyo nung inapula mo 'yung sunog sa mga iskwater sa QC," bati ng excited na bumbero.

"Ah, eh...," ang tanging naisagot ni Jose bago hinila ng reporter na si Miggy para sa isang panayam.

"Miggy Palakad po mula sa (isang sikat na TV corporation) News. Nais ko lang pong humingi ng ilang pahayag. Talaga po bang kayo si Tinyente Tagalog at hindi isang poser lang?", tanong ng reporter na todo ang ngiti. Kumakaway-kaway naman ang bumbero sa background. Nawala ang panlulumo ng security guard nang makaharap ang camera.

Kaya lamang, may problema si Jose. Magkaiba sila ng tinig ni Felipe. Bulong tuloy ni Jose sa helmet, "Namayan Relic, uy, tulong naman o..."

Inactivate ng hemet ang kanyang voice modifier featureat iniayos ito sa orihinal na boses ng naunang Tinyente Tagalog, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, hindi rin naman ito ang tunay na boses ni Felipe. Modified na mula sa simula ang tinig ni Tinyente Tagalog upang maiwasan na maipareha ito sa ibang boses, isang paraan para malaman kung sino ang tunay niyang katauhan.

"Ayos na, JPEPA," sabi ng Namayan Relic System (NRS).

Sigaw ni Jose sa isip, "Inis naman. Nilagay pa ni Felipe sa program 'yung inaayawan kong palayaw!"

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!