How They Met

768 6 2
                                    

Farrah Louise Danielle Camillo

                 -4th year college taking Business Administration 

                 -19 yrs. old

Kent Alexander Martinez

                 -President of Martinez Company

                 -23 yrs. old

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkakilala si Kent at Farrah ng minsang gumimik si farrah kasama ang mga kanyang kaibigan.

Farrah

Medyo nakainom na rin kaya't  maiingay na ang grupo nila. Nag paalam sandali si Farrah sa mga kaibian para mag cr...

Nang lumabas na siya ng cr may nasulubong siyang matangkad na lalaki..

 Ouch!, -napasigaw si Farrah dahil may nakabangga sa kanya..

medyo nahihilo na rin kasi kaya't madali siyang natumba, pero mabilis siyang nasalo ng lalaking nasa harap niya. Nang mapatingin siya rito hindi niya alam kung sa pagkahilo niya lamang, pero ang tingin niya dito ay sobrang gwapo..

Erase, erase Farrah nahihilo ka lang-bulong niya sa sarili

I'm sorry miss. Ok ka lang ba?- banggit ng lalaki

Yeah I'm ok-sagot ni Farrah at napatingin nanaman sa lalaki. Ang gwapo talaga niya di nga ako namamalikmata banggit niya sa isip niya.

Gusto mo ihatid na kita sa table mo-banggit ng lalaki, siguro nahalata na rin niyang nahihilo na si Farrah

Tumayo ng maayos si Farrah..

OK- pumayag na rin si Farrah dahil lalo siyang nahilo ng mabangga siya ng lalaki..

Pagkahatid sa kanya ng lalaki ay nagpasalamat siya at nagpaalam na rin sa ito sa kanya..

Tinitigan niya muna toh hanggang sa mawala na sa paningin niya..

Sana magkita pa kami- yun ang bulong ng isip ni Farrah..

Maya maya ay umuwi na rin sila magkakaibigan..

Magkakahiwalay sila dahil may sari sarili silang sasakyan..

Nang makarating siya sa condo niya ay humiga na siya agad dahil nahihilo, pasalamat siya at nakarating siya ng maayos sa condo niya..

Bago pa siya makatulog ay pumasok sa kanyang isip yung muka ng lalaki na nakanbangga sa kanya..

Magkikita pa kami! tatak niya sa isip..

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kent

Alas 9 na ng gabi ngunit nasa sariling opisina pa rin siya at nagtatrabaho..

Maya maya tumutunog ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag si Rex, malapit na kaibigan niya..

Pare pahinga ka naman,  puro ka nalang trabaho, saka mo na gawin yan andito kami ng barkada sa Bar sa -----------. Punta ka marami nanamang chicks- banggit ni Rex, chickboy talaga to tulad ko             

hahahha, kasalanan ba namin kung gwapo kami ^_^

Oh sige sige, susunod nalang ako- sagot ni Kent kay Rex at maya maya ay inayos na ang gamit..

Matagal tagal na rin akong  di nakakainom kaya ok lang- bulong niya sa sarili

Maya maya ay nakarating na siya sa lugar na sinabi ni Rex

Pagpasok niya palang may nakita na siyang grupo ng mga lalaki at babae sa harapan. Nakuha ang atensyon niya ng isang babae na sa tingin niya ay nagpapa alam..

Unang kita niya palang nagandahan na siya, sexy siya kahit di nakasuot ng malalaswang damit tulad ng mga nakakafling niyang babae na kulang nalang eh maghubad..

Napatingin siya dito at nakita niyang patungo ng cr..

Pumunta muna siya sa grupo ng kanyang mga kaibigan

Pag dating niya palang sa pwesto ng kanyang kaibigan ay nakita niya na na may nakareserve ng upuan at inumin para sa kanya..

Oh pare andito ka na pala- banggit ni Rex

Umupo muna siya..

Kala ko hindi ka nanaman pupunta dahil may kasama kang ibang babae eh- baggit na naman ni Rex tsaka ngumiti..

Wala na kami Amie , matagal na , tsaka tinatapos ko muna ang trabaho ko- sagot ni Kent kay Rex

Nakakapagtaka naman pare at di mo agad pinalitan. Tuloy tuloy lang ang pagpapayaman ah hahahaha- sagot ni Rex

Gusto ko na magseryoso Rex ayoko na puro fling fling na lang, nakakasawa na. Mas maganda siguro kung seryosong girlfriend na- sagot ni Kent kay Rex

Sayang kasi si Jessa , napakatanga niya at inniwan ka niya-sagot ni Rex

Shut up  pare, ayoko ng pag usapan pa siya- iritang sagot ko kay Rex

Si Jess ang naging girlfriend ko na umabot ng isang taon mahigit. Akala ko siya na kaso bigla na lang siya umalis ng walang paalam at alam ko na mas inuna niya ang pagmomodel kesa saming dalawa..

Maya maya naalala ko nanaman yung magandang babae na nakita ko kanina. Nagpaalam muna ako kila Rex at tumungo na sa pinuntahan ng babae..

Tumigil ako ng makita ko siyang papalabas na sa cr ng mga babae. Nakita ko siya na mukang nahihilo at di siguro nito nakita na nakaharang ako sa daan kaya't tumama siya sakin at hagip ng matumba. Maigi nalang at nasalo ko siya agad.

Nakita ko tumingin sakin ang babae, siguro di niya ko masyadong maaninag dahil mas lalo atang nahilo dahil sa pagkabangga.

Tinanong ko siya kung ok lang siya at sumagot naman siya ng oo. Pero mukang di siya ok kaya't inalok ko na siya na ihahatid ko na lang siya sa table niya. Tumayo muna ng maayos ang babae at pumayag na na ihatid niya.

Bago sana siya umalis pagkahatid niya sa table ng babae ay gusto niyang hingiin ang number nito kaso mukang di ito tulad ng mga nakakasama niyang babae, ni di man nga lang napansin ang kagwapuhan niya eh..

Kaya't umalis na lamang siya pagtapos nitong mag thank you sa kanya.

Habang naglalakad papunta sa table ng barkada ay iniisip niya ang mukha ng babae..

Oh pare mukhang antagal mo ata, naghanap ka nanaman ng chicks noh- sabi ni Chris,  pagka upo na pag kaupo ko palang.Si Chris isa rin sa mga barkada ko.

Baliw, hindi na ko ganun pare, nagbago na ko- sagot ni Kent sa mga kasama.

Asus, luma na yang linya na yan- sabad naman ni Austin, isa k pang barkada..

Bahala kayo kung ayaw niyo maniwala, may nahanap na nga akong seseryosohin na babae eh- sabi ni Kent sa barkada..

Oh tingnan mo nga kakabreak nyo palang ni Amie may kapalit na agad, yan ba ang nagbago pare hahaha-sagot ni Rex

Hindi pare seryoso na talaga to ngayon- sagot niya sa kaibigan

Wag puro salita pare, gawin mo hahaha- sabad nanaman ni Chris.

Napatahimik nalang ako. Hindi talga naniniwala ang mga barkada ko dahil simula ng mawala si Jess ay di na ko naging seryoso sa mga babae.

Papatunayan ko lahat ng sinasabi ko-bulong ni Kent sa isip..

It's Time for RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon