I've Fallen in Love with a Stranger ♥ : Chapter 1

410 13 2
                                    

CHAPTER 1

ALEXIS'S POV

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggg*  (tunog ng dismissal bell yan. Haha)

"YES UWIAN NAAAAAA!" sigaw ng mga kaklase ko.

Ayt makauwi na nga. Mejo malayo pa kasi bahay namin mula dito. Minsan pag minamalas umuulan pa edi ang bilis bumaha! Ayoko pa naman maglusong!

"Tricycle po." tawag ko sa tricycle.

Yung tricycle tinawag ko hindi yung driver -__________-

Ay.

"San po miss?" tanong nung driver.

"Dun po sa Sampaloc Street. Magkano po?" tanong ko.

"Ay sa Sampaloc ba miss? Mejo malayo yun ha. Bente singko." sabi ni Manong.

"Sige po ayos na yun."

At sumakay na ako sa tricycle.

Lagi nalang ganto. Ang hirap ng nilalakbay araw-araw magastos pa. Kela Tita lang kasi ako nakikitira dahil si mommy nasa abroad at si daddy naman wala na. Si Tita naman hindi kami masyadong close dahil call center agent siya saka nakakahiya rin minsan.

Ako nga pala si Alexis Geronimo. 2nd year college ako sa Eastside University. Ang course ko ay Fine Arts. Sabi nila boyish daw ako. Kayo na bahala humusga -__-

Habang nasa tricycle ako, may nabasa ako na mga nakadikit sa pader.

NEED A PLACE TO STAY NEAR EASTSIDE UNIVERSITY? CALL BEN AT 29483974.

HAVE TOO MANY HASSLES WHILE GOING HOME? EMAIL US.

Bat ang daming mga nagpapadorm?

Teka? Mag-dorm nalang kaya ako para mas konti problema ko? Madalas din kasi ako malate eh.

*KROOOOOOOOOOOOG* (tunog yan ng kulog. Hahaha)  

Ay Ulan wag ka muna ngayon magpapansin! Tsk anlayo pa e!  

At hanggang sa pumatak na ang ulan at unti-unting bumaha..    

PAG NGA NAMAN MINAMALAS OH! -__________-      

*Tita's house*

"Haaaaay it's so good to be here!" sabi ko pagpasok.

"Oh Alex nandito ka na pala. Basang-basa ka ha?" sabi sakin ni Tita.

Aga naman nito?

"Aish onga po eh. Binaha pa kasi e. Napaaga po ata kayo?"

"Ay oo kasi mejo sumakit ulo ko kanina eh sabi umuwi na daw muna ako."

"Ah, tita pde po magtanong?" sasabihin ko na yung tungkol sa dorm.

"Anu yun?"

"Pwede po ba akong magdorm? Para po mas malapit sa school hindi na po ako malelate saka mahirap po kasi sa ngayon lalo po umuulan-ulan."

"Para sakin ayos lang pero dapat pang all-girls  ang dorm na kukuhanin mo. Ayos lang yan tutal malaki ka na naman. Magpaalam ka nalang din sa mommy mo." tita

"Sige po, salamat."

*skype with mommy*

"Hello mommy! Kamusta na po jan? Ayos lang po ba kayo?"

"Ay oo naman ayos na ayos lang ako dito. Ikaw? Kamusta school mo?" mommy

"Ayos lang naman din po. Pero Mi may tatanong po ako."

"Anu yun anak?" tanong ni mommy

"Pwede po bang magdorm nalang po ako? Kasi kanina po habang pauwi ako madami akong nakita na nakapaskil na tungkol sa dorms. Eh kasi po bawat byahe ko po dito P25 agad bawat sakay kasi mejo malayo sa school, tapos pag inulan po, tulad ngayon, mabilis po bumaha. Eh pag sa dorm po bumaha man malapit nalang naman po, saka madalas po kasi ako malate dahil sa traffic eh. Ayos lang po ba?"

"Ah sige ayos lang tutal mejo hassle naman pala kung jan ka dahil sa mga sinabi mo. Sige hanap ka ng dorm PERO dapat pang all-girls ang kuhanin mo. Delikado na sa ngayon Alex. Buti nalang mejo boyish ka--"

"Mommy naman! Osige na po ako na boyish kumilos! Hindi po ako sanay e."

"Haha. Osige basta ayun lang naman ang sa akin. Tutal malaki ka na din naman."

"Sige po salamat mommy! Maghahanap na po ako ng dorm bukas tutal Saturday naman kinabukasan."

"Osige. Ingat palagi kayo jan ha!"

"Sige po kayo din po."

*offline*

Bukas na bukas maghahanap na ko ng dorm!

--

note:

Makahanap kaya ng matinong dorm si Alex? Abangan sa next chapter!

feel free to vote and comment! 

I've Fallen in Love with a Stranger ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon