19

483 48 1
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

13th Day of Agreement (Part 2)

E M I L I A

Nagwalk-out ako kasi.. Hindi ko na kaya tingnan pa yung nakikita ko. Sabi nga nila kung alam mong masakit na wag mo na tingnan pa.

OA ba? Wala eh, mahal mo yung tao tapos makikita mong may kayakap na iba. Mababaw na mababaw.

Takbo lang ako ng takbo. Naririnig kong tinatawag ako ng mga girls pero hindi ko sila pinansin.

Sa aking pagtatakbo napahinto ako kasi kinakapos ako ng hininga. Napapaubo na ako.

Buti na lang hindi ko naiwan yung purse ko at dala dala ko ito. Kinuha ko agad yung gamot ko at tsaka ito hinigop.

Nang matapos kong gamitin yung inhaler ko. Hindi ko na namalayan na nasa gitna na pala ako ng field at may ilaw na nakapaligid sa akin.

Umupo na lang ako sa may damuhan. Sigurado naman ako na wala ditong pupunta at wala sa akin makakakita kasi syempre may party.

Ano na kaya nangyayari dun sa gym?

Hay. Buti na lang hindi ako sinundan ni Andrea, alam kong susundan ako nun siguro pinigilan siya ni Neil. Gusto ko muna magkaroon ng oras para sa sarili ko.

Inubob ko na lang yung mukha ko sa tuhod ko at pumikit.

"Oy, ba't ka nandito Miss?" Napadilat naman ako agad. May tao?

Wth. Akala ko ba alone time? Eh bakit may tao dito wala ba siya sa party?

Hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya diyan. Manigas siya. Hahaha!

"Hello? Miss?" Napairap na lang ako. Kapag di ko 'to pinansin lalo ako kukulitin nito eh. Hmp. Papansinin ko na nga.

Pagkatingala ko.. Shet. Ang gwapo niya. Wow pero mas gwapo pa rin si Alex. Teka? Alex na naman? Diba galit ako sa kanya? Oo, galit nga ako. Bakit? Dahil may kayakap siyang iba? Oo! May karapatan ba ako? Punyeta.

"Ano ba kailangan mo?" Masungit kong tanong sa kanya.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko tiningnan niya lang ako. "Teka umiyak ka?"

Nagulat ako. Halata ba masyado?

Napaiwas naman ako ng tingin. "H-hindi ah!"

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Sus! Deny pa, eh pulang pula na nga ang ilong mo eh. Hahaha! Ano yan honesto lang ang peg mo?"

Niloloko ba ako neto? Sipain ko siya papuntang mars eh.

"Teka. Ba't ka ba nandito nandun yung party ah?" Taka kong tanong sa kanya.

He put his hands on his pocket. "Eh wala naman akong gagawin dun eh. Sinamahan ko lang yung kaibigan ko kasi diba no date, no party? Tapos ayun, nagpaiwan na nung nakapasok. Eh ikaw, ba't ka nandito?"

Nayuko na lang ako. "W-wala, nagpapahangin lang." Lie.

"Ah okay? Teka kanina pa tayo naguusap pero hindi pa natin kilala ang isa't isa. Ako nga pala si Clarence. Clarence Giri." Sabay lahad ng kamay. Syempre tinanggap ko.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon