"Can I sit with you?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Ada na may dalang cup ng coffee at nakasuot din sya ng shades.

"Sure." Umupo naman sya sa katapat kong upuan tapos ginala ko yung paningin ko sa cafe. Madami pa namang available na seats pero bakit dito sya naupo?

"If you're thinking kung bakit dito ako umupo, well it's because you're Queen B and I'm Miss A." Sabi nya sakin habang nakangiti ng peke.

Binaba ko yung phone ko at nilagay ko yun sa bag na dala ko.

"I don't have the time to chitchat with you. Besides, I don't effin' care if you're Miss A. My screename is prettier than yours honey." Tapos tumayo ako at nagsimulang lumakad.

"I just wanted to talk with you about my fiancee, Mr. Austin." Narinig kong sabi nya. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.

"Like I care?" Sagot ko.

"Of course you should care. I know you love him right?" Tapos nagsmirk sya sakin.

"So?"

Naglakad sya palapit sakin. "So, would you mind if you stay away on him? I got him Blair and he's MINE." Tapos sya yung unang naglakad palabas ng cafe.

THAT BITCH!!!!! >.<

The next day...

"Loisa, do I look pretty?" Tanong ko sa assistant ko.

"You want me to answer that question? Sigurado naman akong alam mo na yung kasagutan sa tanong mo eh." Sabi nya habang inaayos nya yung mga damit sa dressing room.

"Haha. Of course I know it. Gusto ko lang marinig ng paulit ulit." Sabi ko sa kanya. Tumawa sya tapos tinuloy nya yung pagaayos nya.

"Queen B, the photoshoot will start in 10 minutes. Can you go there now?" Tanong nung isang babae. Tumango ako at lumabas kaming dalawa ni Loisa sa dressing room ko habang dala dala nya yung bag ko.

"Good to see you again Queen B." Bati sakin ni Mr. Drew. Ningitian ko sya at hinalikan sya sa pisngi.

Pumwesto na ako at nagsimula ng magflash yung camera ni Mr. Drew.

"Miss, hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito!!!"

Natigil yung photoshoot dahil sa ingay sa labas ng pinto. Biglang bumukas yun at may pumasok na isang babae.

"Miss A, please wag po kayong manggulo." Sabi nung babae habang pinipigilan nyang maglakad papasok ng set si Ada. Ngumiti sya nung nakita nya ako.

"I knew it. Sabi ko na nga ba andito ka eh. I smelled your freakin' aura Queen B." Sabi nya sakin.

Lumapit ako sa kanya. "I have nothing to do with you so please, get out of my sight." Sabi ko.

"Why? Ayaw mo bang magsama tayo sa isang photoshoot? It would be nice after all." Sabi nya sakin. Nilingon nya yung paligid. Ngumiti sya tapos nilapitan nya si Mr. Drew.

"Hi Mr. Drew. How are you?" Tanong nya kay Mr. Drew. Ngumiti lang sa kanya si Mr. Drew.

"Miss A, please umalis ka na. Nakakagulo ka na sa photoshoot ko." Inis kong sabi sa kanya.

"Okay okay. Fine. I'm getting out here in your hell's set. By the way Queen B, you can visit me on the other side of this floor." Tapos umalis na sya.

Nagpatuloy naman yung photoshoot at natapos naman sya ng matiwasay.

Nagayos na ako at pumunta ako sa kotse ko para makauwi na.

Damn that girl. Ano ba talaga ang gusto nya??!!! Kung gusto nyang banggain ako, I'll fight her fair and square.

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O Iजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें